Prologue

1.6K 17 12
                                    

"Tol, ayoko pang matali."

Napatingin ako sa tulalang si JV habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ano sabi mo? Ayaw mo pang matuli?" Lumagapak kami ng tawa dahil sa sinabi ni Kier. Gago talaga.

Agad namang sumama ang tingin ni JV at tinignan kaming tatlo dito na nakaupo. "Gago ano ba kasing problema mo?" Natatawang tanong ko sakanya.

Nalipat naman saakin ang tingin niya. Kingina bakit ganito makatingin ang isang 'to? "Problema natin."

"Ano? Wala kaming problema. Wag mo nga kaming dinadamay." Sabi Troy.

Maya-maya pa ay ngumisi na si JV habang tinuturo ang mga cellphones naming nakalapag lang sa mesa. Napailing naman ako at agad na pumunta para kunin ang cellphone ko.

"Oh, may text yung katulong--"

Napatingin ako kay Troy na nanlalaki ang matang nakatingin sa cellphone niya. Tulalang umiiling naman si Kier habang may binabasa sa cellphone niya.

Inilipat ko naman ang tingin ko sa cellphone ko. Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na sumakay sa sasakyang dala ni Kier.

**

"Gago ka. Mauna ka!"

"Puta. Bakit ako? Si Troy nalang!"

"Anong ako? Etong si Rage nalang! Tutal siya naman close ni Lola."

Sinamaan ko nang tingin ang tatlong ugok na mga kasama ko at nabigla naman kami nang biglang may lumitaw na matandang babae sa harapan namin. Kingina. Dumating na talaga siya.

"Woooo. Lola! Ang ganda mo talaga."

Napapikit ako sa sinabi ni Kier. Sa isang iglap ay nahatak na ni Lola Pats ang tenga ko. Kingina! Ang sakit!

"Lola naman! Bakit ako? Si Kier yun!" Inis na inis kong sabi habang hawak-hawak ang tenga ko. "Kahit na! Hindi ba't ikaw ang dapat mamuno sa tatlong 'to?" Galit nitong sabi. Napailing nalang ako. Si JV kaya pinakamatanda saamin ng tatlong buwan! Dapat siya nalang kasi.

Binitawan niya ang tenga ko at maya-maya pa'y tinignan niya kaming apat. Napalunok ako. "Where are your girlfriends?" Nakangiti niyang sabi kaya umiwas kami ng tingin. Shit. Bakit ba kasi napaaga ang uwi niya.

Si Lola talaga. Masyadong excited. "Nasa bahay nila." Natawa ako ng pilit sa palusot ni Kier. Putek. Mas ginago niya ang sitwasyon. Bigla namang umilaw ang mukha ni Lola. Bulb siya kaya ganyan. 😂 Biro lang. "Excited na akong makita sila. Let's go." Nakangiti niyang sabi kaya nagulat ako.

"Lola naman. Sasabihin muna namin sakanila! Oo, tama. Give us one week." Sabat ko sakanya. Tangina. Saan kami hahanap neto. Kumunot naman ang noo niya kaya nagsabwatan na kaming apat kaya sa huli, napapayag namin siya.

Tinignan ko ang apat kong kasama. Tangina. Paano nalang kami neto? Malalagot kami sa mga magulang namin kapag nalaman nilang puro pagbubulakbol ang ginagawa namin. Lintek na yan.

Pagkapasok na pagkapasok ni Lola sa kwarto niya ay nag-unahan kaming lumabas. Kailangan naming makahanap ng apat na babae. Tss.

Kumuha kami ng tig-iisang bondpaper tsaka kami pumwesto sa isang bench sa park. Hindi ko mapigilang mahiya dahil sa mga salitang nakalagay sa bondpaper na hawak namin.

Wanted: Fake Girlfriends

--to be continued--

A/N: Hi guys, it's me again! 😉 Hahahaha this is my 4th completed story on wattpad. Yung iba, wala na akong maisip na idugtong hahahaha. Sana suportahan niyo. Thank you and mabuhay!
©ayeinwonderland 2017

Wanted: Fake GirlfriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant