Pahina 21: Ara

332 3 0
                                    

JV's POV

Pagkahatid ko kay Celes ay agad akong umuwi sa bahay. Antok na antok na ako kaya mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng motorsiklo ko. Kulang nalang ay mailipad ako sa lakas ng preno ko nang may babaeng nakatayo sa tapat ng gate. Lintek, posible kayang nakadisgrasya ako?

Aysh, puta naman, JV. Unti-unti kong pinaandar ulit ang motorsiklo ko at nang malapit-lapit na ako ay napalingon sa gawi ko yung babae. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong hindi ko siya kilala. Ay mali, oo kinakalimutan ko naman halos lahat ng pangalan ng mga babaeng nakukuha ko. Let me rephrase it.

Ngayon ko palang siya nakikita. Medyo matangkad siyang babae, hmm kung ikukumpara kasi dun sa apat na magkakaibigan, siguro magkakaheight lang sila, maliban kay Celes kasi matangkad talaga yung baby ko--. May sinabi ba akong baby? Pft biro lang.

"Hello, Miss Beautiful." Bati ko at nilapitan siya. Nang magtama ang mga mata namin ay napatigil ako dahil sobrang black ng mata niya. Woah, ang ganda. "Hindi Beautiful ang pangalan ko, kuya." Mahinhin niyang sabi at pansin kong ngumiti siya. Natawa naman ako ng mahina. Shet, di tinablan ng karisma ko.

"Anong ginagawa mo sa tapat ng bahay ko?" Tanong ko. Bukod sa ako lang naman ang maraming babae, sino pa bang pupuntahan nito? E wala namang ex si Kier. May mga naging girlfriend si Rage at Troy pero sigurado akong hindi kasali itong babaeng to. "Supremo?" Banggit niya at mangiyak-ngiyak na yumakap nang mabilis sa akin.

Lintek! Anong Supremo!? Mukha bang ako si Rage? Pero teka, bakit alam niyang dito nakatira si Rage? Agad kong tinanggal ang pagkakayakap niya. "Sinong Supremo, miss?" Tanong ko. Shit, matagal nang nakabaon ang pangalan ni Rage bilang Supremo. "Hindi ikaw si Supremo?" Inosente niyang tanong kaya umiling ako.

Agad naman siyang lumayo sa akin at nagsorry. Paano nalaman ng babaeng to ang address namin? "Dito nakatira si Supremo diba?" Takhang tanong niya. Tumingin ako ng seryoso sa mga mata niya. "Walang nakatirang Supremo sa bahay na to, Miss." Sabi ko at binuksan ang gate para umiwas.

Pagkabukas ko ng gate ay agad ko rin itong sinara. Paalis na ako pero bigla siyang nagsalita. "Please, kailangan kong makita si Supremo." Pagpupumilit niya. Bumalik ako sa tapat ng gate at tinanong ang pangalan niya. Kasi imposible namang may maghahanap kay Rage bilang Supremo kung wala siyang kinalaman sa nakaraan diba?

"Sino ka ba?" Takhang tanong ko at tinitigan siya nang seryoso.

Rage's POV

"Rage, gusto mong bumisita sa bahay mamaya?" Masayang tanong ni Cia sakin kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Oo naman!" Mabilis kong sagot kaya ngumiti siya. "Pero bakit tayo pupunta dun?" Tanong ko ulit. Napaisip ako, deserve ko bang maipakilala sa parents niya eh hanggang ngayon di parin ako umaamin na isa ako sa mga uri ng taong kinasusuklaman niya?

"Gusto kitang ipakilala kay Kuya." Halatang-halata sa mukha niya ang pagiging masaya. Tumango ako at sabay kaming nagpunta ng parking lot. Sana maging magkasundo kami ng kuya niya. Don't worry, Cia. Aamin din ako kapag maayos na lahat. Hahanap lang ako ng tiyempo sayo.

*ring ring*

Napasulyap ako sa cellphone ko nang biglang mag-ring. "Sinong tumatawag, Rage?" Banggit niya kaya tinaas ko ang cellphone para makita niya. "Si JV, panira talaga to." Tatawa-tawa kong sabi at agad sinagot ang tawag.

["Tol."] Napatingin ako ulit sa caller ID. Si JV ba to o si Troy? Hahahahaha pft para siyang si Troy kung magseryoso. "Op? Bakit sobrang seryoso mo, gago?" Tumawa ako nang mahina pagkasabi ko non. Sumulyap ako kay Cia na nagngangatngat ng kuko. Ang cute niya kapag ginagawa niya yan.

Wanted: Fake GirlfriendsWhere stories live. Discover now