Chapter 77

47K 750 15
                                    

Jessielie's POV

"Hindi! Mas maganda to!"-Sigaw sa akin ni ate tska itinapat sa katawan ko ang isang kulay puting bikini. 

"Hindi! Mas maganda to!"-Tska ko itinapat sa mukha niya ang kulay itim na bikini na may gold sa gitna para naman makita ang cleavage mo, and it'll be sexy.

Tumango-tango si ate tska niya ako hinila sa cashier, at nang inilapag na niya ang mga binili namin, biglang may sumingit na babae sa harapan namin at inilagay din niya ang mga pinamili niya.

"Ma'am, pasensya na po , pero sila ang nauna."-Lintanya nung babae sa cashier, pero ang walang hiyang babae ay umirap lang at sinigawan pa ang babae na magbabayad din naman raw ito. 

"Pasensya na ma'am pero doon na po kayo sa likod pumila, at sakanila po nag-uumpisa ang pila."-Tska kami itinuro nung babae pero muling umirap ang babae at sinigawan muli ang nasa cashier, dahilan para mapalingon ang ibang tao sa loob at pati ang manager nitong boutique ay lumapit na rin, sinabi naman ng babae sa boss nito ang nangyari at pati ang manager ay sinabihan na rin ang babaeng sumingit na pumila nalang sa likod. Pero nag-matigas pa ito at sinabing huwag sasayangin ang oras niya.

Nakaramdam ako ng inis sa babae kay hinawakan ko ang braso niya at marahas na iniharap sa akin.

"How dare you touch me!"-Sigaw naman nito sa pagmumukha ko. Napa-irap ako sa kaartehan niya at lumapit pa lalo sakanya.

"Hindi mo ba alam ang salitang pila? Edukada ka ba? Ba ---"

"Of course I am educated! Ako ang pinaka-matalino sa isang pinaka-sikat na ---"

"Edukada ka pala eh, bakit ganyan ang inaasta mo?Nakikipag-usap nang maayos sa'yo ang mga tao rito pero kung sigawan mo para kang sinong makapangyarihan!"

Imbes na matamaan siya sa sinabi ko sakanya, tumawa pa ito na mas lalong nakapag-paasar sa akin.

" I am rich! My father is a famous ---"

"Oh! Now we are talking about being rich and being famous, sige pagbibigyan kita, tutal yan rin lang naman ang usapan dito, sige."-Ngumisi ako at inilabas ang cellphone ko tska tinawagan ang head ng secuirity.

"Oh ano tinawagam mo ang mga police!? Hah! Sa tingin niyo uubra yan sa kapangyarihan ng pamilya ko!?"-Sigaw nito matapos kong ibaba ang cellphone ko. Lahat ng staff ay inaawat na kami pero puro sigaw lang ang naririnig ng mga ito mula sa babaeng walang hiya. Nag-cross arms lang ako at pinag-taasan siya ng kilay, ito namang kasama ko, pangisingisi lang at alam kong hinihintay niya ang magiging reaksiyon ng babae kapag dumating na ang head nitong mall.

Puro dakdak ang babae at sinisigawan ang mga staff nitong boutique na i-punch na ang mga pinili niya pero sinabihan ko ang mga ito na huwag nilang i-ppunch.

Makaraan ang ilang minuto, dumating na ang head nitong mall kasama ang napaka-raming BG, pumasok sila at ang ilang BG ay nasa labas nitong mall at nag-babantay.

"Ano po ang nangyayari rito?"-Mahinahong tanong nang head, mag-sasalita na sana ako pero sumingit itong babae.

"Buti nalang dumating kayo! Itong mga tao rito sa mall na ito ay hindi ako pinagbibigyan! Ang boutique na ito ay ayaw i-punch and mga pinamili ko!"-Singhal nitong babae na pangisi-ngisi pa na animo'y siya ang mananalo. Napa-whistle pa ang kasama ko na halatang nang-aasar. 

"Mr. Enriquez, yan ang dahilan kung bakit ko kayo ipinapatawag rito, gusto kong ma-ban ang babaeng iyan sa lahat ng mall."-Pag-uutos ko sa head. Ngi-ngisi ngising nilingon ko ang babae at tila pinag-sakluban ng langit at lupa ang mukha nito. 

"Sinisigawan niya kayong mga empleyado ko, alam kong costumer ang isang ito pero mas alam ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang respeto at hindi ko nakikita sakanya iyon, kaya para naman maturuan ang taong katulad niya, huwag niyo siyang papasukin sa lahat ng mall, at kung maaari Mr. Enriquez, pag-sabihan niyo na rin ang ibang mall."-Pag-uutos ko sa head. Agad na tumango ito at yumuko.

Sold to the CassanovaWhere stories live. Discover now