25. Signs

119 5 2
                                    

Jamie:

"Annika.."

Naalimpungatan ako sa ungol ni Tristan. Para siyang nananaginip.

Mahigpit ang yakap niya sa akin.

"Annika.." muli ay ungol niya.

Marahan ko siyang tinapik sa pisngi. "Tristan.."

"Jamie..I-I..fuck why can't I?"
napatigil ako sa pagtapik.

Kasama rin ako sa panaginip niya?

What could his dream be?

He can't...what? Love me?

Nilakasan ko ng bahagya ang panggigising ko sa kanya.
"TRISTAN.."

Gulat siyang bumalikwas.
"Jamie.." bulong niya at butil-butil na ang pawis niya.

"Okay ka lang? Nanaginip ka yata." Mahigpit niya akong niyakap. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang buhok ko.

Pagbaling ko sa kanya ay parang mahihigop ako sa lalim ng emosyong nakapaloob doon. Parang takot na takot siya.

Nangingilid pa ang mga luha niya. "Jamie..I-I-I..damn! I really can't. Sweetheart, please hold on to me. Please don't leave me."

Naguguluhan man ako ay tumango ako. "Unless you'll ask me to, Tristan."

"No..no..no, Jamie. I will never do that. I want you with me..always. Without you, my life's a mess. Without you, I can't make it. Please bear that in your mind always, sweetie."

I smiled and started brushing his hair with my hands. Which reminds me...

"Trist.." ito na yata ang pinakamalambing na tono ko.

"hmm..?" tanong niya at hinalikan pa ang isa kong kamay habang ang isa ay nasa baywang ko nakayakap.

"When we're in high school, your hair used to be..cleancut. I kinda miss it.."
pasimula ko. Sa loob ko ay abut-abot ang kaba ko sa magiging reaksyon niya.

He cleared his throat before answering me. "Since Annika d-died..I let my hair grow. Sabi ko sa kanya..magpapagupit lang ako kapag nagmamahal na ako ulit."

"S-So hindi mo pa kaya until now?" pinipigilan kong huwag pumiyok ang boses ko.

"Ahmm..Jamie, let's not talk about this." aniya at parang hindi talaga komportable sa usapan namin.

"H-How about...dalawin natin si Annika sa cemetery?" subok ko ulit.

He deeply sighed.
"Let's prepare breakfast.."

Hinila niya na ako patayo sa kama.

Ramdam ko ang daan-daang kirot sa dibdib ko.

At ang pagwawala ng kung ano sa tiyan ko, pakiramdam ko ay paakyat ng paakyat iyon at masusuka na ako.

He just started giving signs.

And they are not good signs.

"Good morning Jamie, Good morning Geyv. Table's ready." bungad ni Pricilla sa kusina.

"Morning. Where's Drew?" tanong ni Tristan.

"Still asleep. 4am na nakauwi."

"Even you?" kunot-noong tanong niya kay Pricilla.

Pricilla just shrugged her shoulders.

We started eating.

Nang mauhaw ako ay kumuha ako ng pitsel sa ref.

Pabalik na ako sa table nang matigilan ako sa bulungan nila. Napatago ako sa posteng nasa malapit.

"Geyv, kailan tayo dadalaw kay Annika?"

Something More Than Meets The EyeWhere stories live. Discover now