Chapter 7

290 6 1
                                    

THIS TIME: Chapter 7

Bakit ba napakaaffected ko? He was just kidding when he said that. Gosh! Hindi niya ba alam na dahil sa ginawa niya tatlong oras lang ako nakatulog? Kahit na ito dapat ang pinakamahabang tulog ko sa isang linggo!

Nakakainis!

Mula sa kisame ay nilipat ko ang mga mata ko sa pinto.

"Nak!"

"Po?" sigaw ko at mabilis na pinuntahan ang pinto para pagbuksan ang mommy. Napataas ako ng kilay dahil nanliliit ang mga mata niya na parang gusto niyang kumpirmahin ang isang bagay pero natatakot siyang magsalita. Kaya imbes na magsalita ay para niya akong sinasakal sa tingin niya.

"May bisita ka." Simple niyang sabi bago humalukipkip sa harap ko.

Sino? I don't expect anyone to visit me! At saka bakit naman sila bibisita e wala naman akong sakit? Although hindi lang naman may sakit ang binibisita minsan iyong mga tinotopak din... anyways wala naman akong kilalang pwedeng bumisita. I don't have friends maliban kay Ana Mae kaya sino naman ang bibisita?

Biglang nanlaki ang mata ko at tumakbo malapit sa hagdan. Buong inggat akong sumilip. Kulang na lang mahulog ako roon sa gulat kung sino ang nakita ko. Mabilis akong umatras.

"Sabihin mo po umalis na siya. Ayoko siyang makausap, Mmy." Sabi ko kay mommy. Pumwesto siya sa gilid ko at mas lalong naging maotoridad ang tindig nito. Bigla tuloy akong kinabahan.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Meron ba? Wala naman. Hindi naman kami at saka nagexplain na ako na kapatid siya ni Ana Mae. 'Yon lang naman iyon. Hindi naman siguro tama na pati iyong sinabi niya kagabi ay sabihin ko sa kanya. It's just wrong. I mean off limits na 'yon, para sa akin na lang ang bagay na 'yon.

"Mmy, kapatid lang siya ni Ana Mae." Paliwanag ko. Kanina ko pa kinukurot iyong mga daliri ko. Hindi ako matahimik. Isa, dahil nandito si Revo. Pangalawa, nakakakaba iyong tingin ni mommy. Mabait siya. God knows how good she is with me pero kasi ayaw na ayaw niya ng sinungaling kaya kinakabahan ako sa titig niya.

"O, e bakit ka ganyan? Bakit parang tinataguan mo siya?"

I opened my mouth to tell her the answer pero napatigil din ako.

"Kasi madami akong gagawin?" ano ba kasing dapat kong sabihin para lang mapapayag si mommy? Ayoko siyang makausap. Ni ayaw ko nga siyang makita kasi naaalala ko 'yong kagabi at naiinis ako. Akala niya siguro magandang biro 'yon. Hindi niya man lang kinonsider iyong sitwasyon ko. Napakainsensitive niya para magsabi ng ganun!

"Ay bahala ka diyan. Bumaba ka roon o paaakyatin ko siya." Huling sabi niya bago bumaba. Nagmamadali akong pumasok ng kwarto at nilock iyon. I just stayed there, one foot away from the door and  kept cursing.

Mas tumalim ang tingin ko sa pinto nang marinig ko ang katok. I'm hoping that it will be my mom but honestly? Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Hindi ganyan kahinhin ang katok ni mommy.

"I know you're listening..." he said. I sense the pain in his voice. Wow ha! Siya pa talaga may ganang maging ganyan. E, hindi ba dapat ako kasi pinagtritripan niya ako? I didn't expect he'll tell such things especially with my condition. Kagagaling ko lang sa break up and he's here doing stuff na sa libro mo lang makikita.

Like seriously? Who would even tell someone to use somebody... like crap!

"Please, Lyn... let's talk."

Hindi ako umimik. Ayoko. Ayoko pa. Saka na ako makikipag-usap sa kanya pag aware na siya sa mga sinasabi niya.

"Lyn... please." Napapikit ako. This was the first time I heard him say it like he's in pain more than anyone else. Parang may humipo sa puso ko at may kirot akong nararamdaman. It was a two-minute silence when I finally got the strength to talk.

This Time, It's RealWhere stories live. Discover now