Chapter 8

420 10 2
                                    

THIS TIME: Chapter 8

Ito iyong isa sa mga araw na gusto kong matapos na. Una, wala ako sa mood pumasok. Gusto ko na lang bawiin lahat ng tulog na dapat ay nakuha ko kahapon. Pangalawa, dahil may chance na makita ko ulit si Revo. Pangatlo, madami kaming pre-test ngayon, hindi ako nakareview.

Buti na lang talaga tulog na siya nung nakita namin kagabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung makita ko siyang umiiyak sa harapan ko dahil lang sa pagpapaalis ko sa kanya. Sana may ibang dahilan, sobra na talaga akong hahatakin ng konsensiya sa lugar niya kung dahil pa sa akin kung bakit siya umiiyak.

Napasinghap ako. Twenty minutes late na ako at hindi ko pinagsisisihan. This is the only way to not see him. Kaya sa ngayon pagtyatyagaan ko muna ang sermon ni Ma'am Chua. Kanina pa kasi nagtext si Ana Mae na nag-iistart na 'yong exam. Ewan, wala ako sa mood. At saka hindi ako nakapagbasa ng maayos kaya walang kwenta kung magmamadali pa ako para roon e, wala rin naman akong isasagot. Knowing her exams, kung hindi ka nagbasa 'wag ka nang mag-alala pang sagutan iyon.

Bagsak ang mata ko sa sahig. Minsan-minsan ay napapahikab ako. I just need some sleep. Pakaliwa na ako at muntik pa akong mapatigil nang mapansin ang lalaking nakayuko at hawak-hawak ang ulo sa harapan ng Dean's office.

Kung dati prefer kong walang tao sa corridor habang naglalakad ako ngayon parang gusto kong dumugin ako lahat ng estudyante at ilayo sa nakikita ko. Hindi sa pagiging OA pero nakakainis kasi. Akala ko close na kami tapus pinagtritripan niya pala ako. Nakakabwiset kaya 'yon.

Gwapo siya, oo. At kung isa 'to sa mga way niya para madagdagan ang bilang ng babae niya then no way!

Naglakad ako. Tanging tunog ng heels ko ang naririnig sa buong pasilyo kaya malamang maririnig niya rin 'yon. Hindi ko siya tiningnan. Katabi lang kasi ng Dean's office iyong room kaya no choice ako.

"Lyn..."

I can sense his gaze on my skin. Hindi ko alam pero bigla akong nanlambot. His cracked voice last night keeps on playing inside my head. Naaawa ako at naiinis at the same time. Napakababaw naman kasi na dahilan iyon para umiyak siya kaya malamang may ibang rason at hindi ako 'yon.

Ayoko siyang tingnan. Ayoko siyang sagutin. But honestly, the space wasn't wide enough para makaiwas sa hawak niya.

"Sorry..." he whispered. Medyo lumuwang na iyong hawak niya sa palapulsuhan ko kaya ginamit ko iyong chance para makaalis.

"Okay." Sagot ko, hindi tumitingin sa kanya. "Late na ako." Dagdag ko bago inalis ang hawak niya.

At least nag-sorry siya. I accepted it basta wag niya na lang uulitin. Hindi naman siya umimik. Ganun din ako. I entered the class na nakatingin sila sa akin. Mabilis akong napabuntong hininga at pumunta na sa upuan ko.

Minsan kong sinulyapan si Ana Mae sa gilid ko at nakitang nakatingin din siya sa akin pero nang magtama ang mata namin bigla na lang siyang umiwas at napabuga ng hangin. She's looking at her paper at tahimik na sinasagutan iyong pre-test.

Ako? Napatayo dahil kailangan kong makinig sa sermon. Tahimik lang lahat. Kung maayos lang sana ako ngayon, matataranta na ako dahil napagalitan ako. This was the first time na nalate ako.

"Ayos ka lang?!" tanong ni Ana Mae pagkatapos akong sermonan. Nagsawa na ata iyong prof namin kasi hindi naman siya nagpapaupo ng late. Dapat whole period ka niyang nakatayo.

"Inaantok lang." Maikling sagot ko kasi totoo naman. Parang sobrang pagod ng katawan ko kahit wala naman akong ginagawa. I'm just so stressed. Kasalanan 'to ng kuya niya. Dahil sa kanya hindi ako makatulog.! Hindi ko naman kasi alam na ganun siya kasensitive kaya kahit na gusto ko siyang kausapin ay mas nadadagdagan lang iyong inis ko dahil kagabi.

This Time, It's RealWhere stories live. Discover now