B34

44.8K 1.5K 423
                                    

Nanatili akong nakatingin kay Radicus habang naglalakad na ito palayo. I miss him. Dati nararamdaman kong may malaking distansya sa amin though I don't have any idea what that might be, pero ngayong alam ko na, na si Mela iyon, mas lalo kong naramdaman ang layo naming dalawa.

I sighed.

I was about to get inside too when someone called me. It's Troy. I rolled my eyes at saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bahay. Ramdam ko ang pagsunod nito.

"I know what you're doing Troy. Stop it. " I hissed.

"What am I doing then?" He asked. Nasa hagdan kami at sumasabay ito sa pag-akyat. I glared at him. Saka ko lang ito hinarap nang nasa tapat na kami ng kwarto ko.

"Stop it Troy! Alam kong binabantayan mo ang kilos ko! I'm not dumb to know that Troy. So stop it. Marunong akong umintindi at lumayo. Kung inaalala mong aagawan ko na naman ang kapatid mo then back-off. Alam ko ang dapat gawin."

"Look Maya, I just want to protect you and Mela. Ayoko lang na may masaktan na naman sa inyo."

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?" Panunumbat ko dito. I made myself calm before staring at him again. Hindi ito nakapagsalita dahil marahil sa nagulat ito sa pagsumbat ko.

"Hindi pa ba sapat na ako na ang bumitaw? Hindi pa rin ba sapat iyon Troy para mapatunayan kong gusto kong gawing tama ang lahat? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan sa ginawa ko? Wala kang alam. So stop messing with me."

"Do you hate me that much?" He asked. Natigilan ako. Ramdam ko ang hinanakit sa sinabi nito. I closed my eyes.

As much as I don't want to be harsh towards him, I just can't let Troy continue this. Alam kong iba ang tingin sa akin ni Troy. Hindi bilang isang kapatid.

"Troy please..nakakasakal lang kasi. Alam ko ang dapat gawin at hindi. Hindi ko kailangan ng pagmamanman niyo. You are making me feel awful of myself. Para akong kriminal na kahit lumaya na, nahuhusgahan parin dahil lang sa may nagawa akong krimen noon."

"I don't intend for you to feel that way--"

"But that is how I'm feeling it." I answered.

"Maya? Kuya?" Pareho kaming natigilan ni Troy nang marinig ang boses ni Mela.

Papalapit ito sa amin at nasa likuran nito si Radicus na matamang nakatitig kay Troy. I guess he doesn't care about my existence. Even a glimpse of, hindi man lang magawa.

"May problema ba?" Mela asked. Papalitpalit ang tingin nito sa amin ni Troy. I faked a smile.

"Wa-wala. Ito kasing si Kuya, he's inviting me for dinner. Marami kasi akong gagawin. Monday bukas and I have a lot of homeworks. So, I'm telling him na hindi ako makakasama." I defended. Troy squinted his eyes. Iniwasan kong mapadako ang tingin ko kay Radicus.

"Oh. Is that so? Sayang naman. Ako rin kasi, gusto kitang ayain sumama sa amin ni Rad. Mamamasyal lang sa mall." Mela said.

Troy gasped, looking puzzled at her sister. And I was like, why me? Bakit hindi si Troy ang isama nila?

I shook my head.

"I'm sorry. Hindi talaga kasi puwede. Marami akong tatapusin. Next time will do."

"Ganoon ba. I see--"

"Let's go Mela. Kung ayaw sumama. Huwag pilitin." I heard Radicus say habang unti-unting gumagapang ang kaliwang kamay nito sa baywang ni Mela.

I can just look away but I did not. I want to feel it. I want want to overcome this pain. Pero hindi ko nagawa. Pakiramdam ko ay maluluha nalang ako bigla and so I look away.  Nakaramdam ako ng kirot sa puso. The way he said it, I know he hates me.

Radicus Alcantara (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon