Chapter- 1 Venus Athlea Sarvantes

44.1K 836 33
                                    

VENUS ATHLEA SARVANTES

Kring !

Kring !

Kring !

Boghs!

Bigla ako napabangon at napahawak sa mukha ko at dahan dahan ko minulat ang mga mata ko.

Sumalubong sa akin ang isang mukhang pinaglihi sa sama ng loob.

"Aray! Naman pinsan makabato ka naman sa akin"inis na sabi nito sa akin at napansin kong nakasuot ito ng uniform at mabilis naman na napatingin ako sa orasan ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong oras O______O.

6:45 am ang nakalagay kaya nagmadali akong tumakbo papuntang banyo at narinig ko pa ang pinsan ko na tumatawa.

Mabilis na natapos ako at nagbihis ng uniform namin sa school.

Lalo na monday pa naman ngayon at marami kaming gagawin at bawal na bawal malate.

Habang palabas ako ng kwarto namin ay tinatawag ko ang pangalan ng pinsan ko.

"Lexi halika na malalate na tayo"sigaw ko at nang makababa ako ay nakatingin sa akin sila inay at itay.

"Himala anak ang aga mo gumising?"takang sabi sa akin ni inay at nakita ko naman ang pinsan kong pinaglihi sa sama ng loob na nakangiti ng pang demonyo.

"Kasi inay alas 7:00 na po baka at malalate na kami ni pinsan"sabi ko dito at napansin kong napailing na lang si inay at itay sa akin.

Tinuro sa akin ni itay ang wall clock namin at muntik na ako mahulog sa hagdan ng makita kung anong oras palang.

6:00 am at napatingin ako sa pinsan ko at tinitigan ito ng masama.

"Ano?"sabi nito sabay tingin sa akin ng masama kaya napayuko na lang ako.

"Halika na dito anak at ng makakain kana at buti na lang maaga ka ginising, ibig kong sabihin buti maaga ka na gising dahil monday ngayon mahirap makasakay ng jeep"sabi ni inay at mabilis na umupo ako sa tabi nila at humalik sa pisnge nila at maging sa pinsan ko.

Nagsandok agad ako at halos maglaway sa nakita kong nakahain sa hapag kainan namin.

"Laway mo"masungit na sabi ng isang taong pinaglihi sa sama ng loob.

"Sungit"bulong ko at bigla naman itong tumingin ng masama sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at mabilis na nagsandok na ng nakakainin ko.

Hotdog

Itlog

Ham

At bacon

Waahhh i love inay na talaga so much. Mabilis na kumain ako at ng maubos ang laman ay nagsandok ulit ako.

Kukuha pa sana ako ng biglang hatakin ako ng pinsan ko at naluluhang napatingin sa pagkain ko.

"Waaah mga babies ko"naiiyak na sabi ko habang si inay at itay ay natatawang nakatingin sa amin.

Nakalayo na kami sa bahay ay mabilis na tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa braso ko at sabay hagis sa akin ng bag ko at literal sinakto sa magandang mukha ko.

"Tanga mukha talaga pinang sapo"sabay ngiti nito ng nakakatakot.

Grabe talaga ito nakakatakot at saan kaya ito pinaglihi ng tita at kaya ganyan ang ugali.

May nakita akong jeep at mabilis na nagpara ako at nakita kong ganun din ginawa ng pinsan ko.

"Para manong"sigaw ko at mabilis na huminto ito at buti na lang medyo maluwang pa.

"Ano sasakay ka ba?"masungit na sabi ni Lexi at mabilis naman akong sumunod dito.

Pagkasakay ko ay agad ako nag abot ng 6 pesos dito at siya na ang bayad.

Habang nasa byahe pa kami ay magpapakilala papala ako. I'm Venus Athlea Sarvantes, 19 years old and 4th year college sa Saavedra University. Isa itong sikat na school at pang mayaman lang talaga. Kaya kami nakapasok dito dahil sa scholarship. Hindi man halata pero matalino kami parehas ni pinsan.

Pagkababa namin ay agad kaming pumasok at yung mga estudyante na nandoon ay binabati kami.

"Good morning Venus and Alexandra"

"Morning Pres and Vice"

"Kayahh ang ganda nila kahit na mahirap lang"

"Oo nga girl kainggit"

Mga bulong nila at napangiti nalang ako at si pinsan naman ay ayun ang taray nanaman at nilalabas nanaman yung sama ng loob na pinaglihi sa kanya.

Napailing na lang ako at bigla ako napangiti ng may makita akong dalawang babae na kumakaway sa amin.

Pagkalapit nila ay agad nila kaming niyakap at hinalikan sa pisnge.

"Good morning Zhia and Zyla"bati ko sa kambal at tutuusin hindi sila magkamukha may pagkakaiba sila dahil si Zhia ay kamukha ng mom niya habang si Zyla ay sa daddy niya.

"Morning Venus and Morning Alex"masayang bati nila sa amin at ako ay ngumiti lang habang si pinsan ay nakataas ang kilay.

"Sira naman ang umaga ko"sabi ni pinsan sabay walk out at napailing na lang akong nakatingin dito.

"Hayy ang sungit pa din niya kahit na malapit na tayo makagraduate"nakapout na sabi ni Zhia.

"Ayos lang yan haha pinaglihi ata ni tita yun sa sama ng loob eh"lakas loob na sabi ko dahil wala naman si pinsan pero napansin ko na namutla yung dalawa.

"Anong sabi mo?"galit na sabi ng isang napakapamilyar na boses. Mabilis akong humarap at bigla ako namutla ng makita ko ang mukha nito na sobrang pula na tila mamaya ay sasabog na.

"He-he wa-ala pinsan"kinakabahang sabi ko sabay lunok pa sa laway ko.

Ring !

Ring !

Ring !

Mabilis na tumakbo ako at buti na lang saves by the bell ang peg ko lalo na at narinig ko pa ang sabi nito.

"Humanda ka sa akin VENUS ATHLEA SARVANTES"galit na sigaw nito kaya mas lalo ako kinabahan sa sinabi nito.

Naku mukhang patay na talaga ako lalo na iisang  bahay lang kami nakatira.

Hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako at bigla ako natumba at bigla ako napahawak sa balakang ko.

Waah huhuhu ang sakit naman, sabi ko sabay tingin sa nakabunggo sa akin.

"Waah miss nasaktan ka ba?"nag aalalang tanong ko dito at mabilis akong tumayo at napansin kong wala naman siyang sugat kahit maliit.

"Sorry po talaga ah"sabi ko sabay pagpag sa damit niya at sa tingin ko nasa 28 years old na siya.

"Nah it's ok"sagot nito sabay ngiti at ang amo ng mukha nito kaya mas lalo lumawak ang pagkakangiti ko.

"Buti naman"nakahingang sabi ko at napansin kong may sasabihin ito ng bigla ako napatingin sa orasan ko at napasigaw ako ng wala sa oras.

"Kayaahhh 30 minutes late na ako. Byebye ate dyosa"paalam ko sabay ah alis at narinig ko pa tinanong  nito ang pangalan ko.

"Venus"sagot ko sabay takbo sa room ko.


-----

Author's Note

New story published :)

Sana magandahan po kayo :) every Saturday po ang update nito :)

Comment :)

FantasyLover1499

I'm Married To A Mafia Queen (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon