Chapter- 2 Punishment

29.1K 675 45
                                    

VENUS ATHLEA SARVANTES

Pagkapasok ko sa room namin ay hindi ko sinasadyang napalakas ang pagbukas ng room namin.

Kaya lahat ay nakatingin sa akin na para bang may tatlo akong ulo. Wahhh baka tatlo na nga ulo ko at kinapa ko naman at nang wala akong makapa ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Ms. Sarvantes why are you late? And not ordinary late, 30minutes late"galit na sabi sa akin ng prof namin na dinaig pa ang clown sa pag make up sa mukha nito.

"Ahm sorry Ms. Dimagiba something happen kaya medyo na late po ako"seryosong sabi ko dito pero sa loob loob ko natatakot na ako sa mukha niyang clown.

"MS. SARVANTES ARE YOU LISTENING TO ME?"galit na sigaw nito kaya bigla ako napasigaw na mas lalong ikinagalit nito.

"Wahhhh MONSTER ! MONSTER CLOWN"sabay turo pa dito at yung mga classmate ko naman biglang nagtawanan.

"MS. SARVANTES GET OUT !!!!"sigaw nito kaya mas lalo ako natakot kaya mabilis akong lumabas at narinig ko pa ang mga tawanan ng kaklase ko at may sinasabi pa sila.

"Wohooo go Venus hahaha"

"Idol kayahhh hahaha"

"Venus ! Venus ! Venus !"

"Go ! Venus!"

"Quiet"

Yan lang naman kaya mabilis na umalis ako ng room at pagtingin ko sa relo ko ay maghihintay pa ako 1 1/2 hours pa.

Pumunta ako ng canteen at walang gaanong estudyante ako nakikita dahil sa class hour pa.

Bumili ako ng isang cheese cake at zesto mango. Umupo ako malapit sa bintana at sinimulan ko na kumain ng biglang may tumawag sa magandang pangalan ko na kasing ganda ko. Wag na kayo umangal dahil si inay at itay ang nagsabi niyan sa akin.

"Venus"sigaw ng kambal at mabilis na tumabi sa akin.

"Ang aga naman matapos ng klase niyo?"takang tanong ko sa kanila.

"Kasi girl wala kaming prof, bakit ikaw nandito di na may klase ka din?"takang tanong din sa akin ni Zhia.

"Hehe wala kaming prof"sabay pagdikit ko sa dalawang daliri ko at napansin kong napailing yung kambal.

"Halatang nagsisinungaling ka Venus ano ba nangyari?"tanong naman ng kambal ni Zhia.

"VENUS ATHLEA SARVANTES"sigaw ng isang nakakatakot na boses at nakilala ko agad iyon kaya bigla ako nanginig kaya yung kambal ay binigyan lang ako ng good-luck-venus-look.

"Morning maganda kong pinsan"bati ko dito at hindi pinahalatang nenerbyos ako sa kanya.

"Wag kang mag morning sa akin ano iyong nabalitaan kong napalayas ka classroom niyo ha?"galit na sabi nito at mas lalo akong namutla yung tingin pa naman niya nakakamatay na.

"Waah kasi pinsan natakot lang ako sa kanya dahil mukha siyang clown eh alam mo naman takot ako sa clown eh"naiiyak na sabi ko at bigla naman lumambot ang expression nito sa akin.

"Pinapatawag ka ni Ms. Dimagiba"sabi nito sabay alis at mukhang babalik sa klase nito.

"Mahal na mahal ka talaga ng pinsan mo Venus"sabi ni Zhia kaya napangiti na lang ako habang tanaw si pinsan na palayo na.

"Sige una na ako ah"paalam ko sa kanila sabay ubos sa kinakain ko.

At office

"I'm so dissapointed to you Ms. Sarvantes ikaw pa naman ang magiging valedictorian tapos ganun mo akong bastusin. Alam mo ba maaari kong ibagsak ka para hindi ka maging valedictorian"may halong inis na sabi nito at mabilis naman ako napaluha sa sinabi nito.

"Sorry Ms. Dimagiba please give me another chance"pagmamakaawa ko at bigla naman ito ngumiti sa akin at natakot ako bigla dahil mukhang clown talaga ito pero nagtiis akong wag sumigaw.

"Okay para hindi kita ibagsak i will give you a punishment. Kailangan mo makipag meeting kay Ms. Athena Samantha Saavedra this saturday and you need her to convice na maging guest speaker this year para sa graduation na gaganapin"sabi nito at napatingin ako kung seryoso ito at yung apelido nun ay kaparehas ng sa school namin siguro kapatid niya itong school namin.

"Payag po ako Ms. Dimagiba. Ano po itsura niya?"tanong ko dito at ngumiti lang ito sa akin na ikinatakot ko lalo sa kanya.

"Hey are you okay Ms. Sarvantes?"nag aalalang tanong bigla nito.

"No-o Ms. Dimagiba"nauutal na sabi ko kaya tumango na lang ito.

"Sa tanong mo kanina Ms. Sarvantes you need to find her by your own, you may leave"sabi nito at magtatanong pa sana ito ng bigla itong ngumiti na ikinanginig ko sa takot.

Pagkalabas ko ay dahan dahan akong naglakad at iniisip kung anong itsura nito.

Siguro mukhang matanda na ito pero imposible dahil Ms. Palang ito.

Tama magsesearch ako tungkol dito at para malaman ko kung saan siya matatagpuan.

At House...

"Pinsan pahiram ako ng laptop mo ah"paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nito.

Mabilis kong sinearch ang name nito.

Athena Samantha Saavedra

Mabilis ko inenter at nagulat ako dahil isang company lang ang lumabas at nabasa ko na dito siya matatagpuan dahil dito siya nagtratrabaho at siya ang may ari nun.

Naghanap ako ng picture niya pero wala at natawa ako sa isip ko ng maisip ko na panget siguro ito kaya ganun wala siyang picture.

Hindi ko namalayan na tinitignan na pala ni pinsan yung laptop at bigla ko naisara dahil sa gulat.

"Ano ba yan pinsan nakakagulat ka naman"sabay hawak sa dibdib ko.

"Bakit masama? Tinitignan ko lang ginagawa mo baka kung ano na yang gawin mo dyan mahirap na"sabay irap nito kaya napanguso ako ng wala sa oras.

"Ang bad mo"sabay dapa at narinig kong tumawa ito kaya napangiti ako ng palihim.

"Venus ano yung punishment mo"tanong ni Lexi at bigla naman bumalik sa akin ang sinabi ni Ms. Dimagiba bago ako umalis kanina.

"Ms. Sarvantes wag mo ipagsasabi kahit kanino ang pinag usapan natin"seryosong sabi nito na ikinatakot ko din dahil nagmumukha talaga siyang monster clown.

"Opo Ms. Dimagiba"sabay labas na ako.

"Wala pinsan hehe pinaglilinis lang ako"sabi ko dito at tumingin sa akin ito ng may panghihinala.

"Talaga lang ah"sabi nito kaya tumango tango ako.

"Oo pinsan"sabay kagat sa labi ko.

"Ano yung sinesearch mo?"biglang sabi nito kaya mabilis akong sumagot.

"Para sa assignment ko lang pinsan"sabay ngiti ko ng matamis dito.

"Tss. Siguraduhin mo lang"sabay labas nito ng kwarto namin at napahinga ako ng maluwang.

Waahh kailangan ko pa ito hanapin buti na lang bukas walang pasok dahil saturday.

I have mission tomorrow and i need to find Ms. Athena Samantha Saavedra!


-----

Author's Note

Second update :)

Next saturday na po next update ulit nito :)

Enjoy Reading :)

Comment

FantasyLover1499

I'm Married To A Mafia Queen (GirlxGirl)Where stories live. Discover now