Size #3

41.7K 767 131
                                    

Size #3

Toffer

"Pwede ba? GET YOUR HANDS OFF ME!" I shouted at the two men who were trying to tie me up on the chair, FUCK! "I DIDN'T TOUCH HER! SHE WAS THE ONE WHO KISSED ME!" I shouted at I saw them gasped, ang sama na ng tingin nilang lahat sa akin at para akong iaalay sa pinaka pinuno nila.

Bakit biglang natipon ang buong barangay dito? Nawala na ang lasing ko dahil sa mga nangyayari.

"MARIA! MARIA! TELL THEM THE TRUTH!" sigaw ko sa kanya na sobrang tipsy pa at ngingiti ngiti lang.

Dalawang beses pa siyang nagsuka!

"FUCK! I DON'T DESERVE THIS KIND OF TREATMENT! I WANNA GO HOME!" saka ko biglang nakita si Mommy, she was talking to Maria's parents and they are obviously mad... mad at me, siguro kung nakakamatay lang ang tingin abo na lang ako ngayon!

"ARGH!" pilit kong tinatanggal ang kamay at paa ko na naktali sa silya "WHAT KIND OF PEOPLE ARE YOU? ARE YOU A CULT OR WHAT?"

"Ginoo ang mga babae dito ay ginagalang, at si Binibining Maria pa ang napili mong pagsamantalahan!"

"PAGSAMANTALAHAN?" halos masuka ako sa sinasabi nila "AKO? PAGSASAMANTALAHAN KO SIYA? EH SIYA NGA YUNG NAG TAKE ADVANTAGE SA AKIN! SIYA ANG HUMALIK SA AKIN! SA GWAPO KONG ITO! DAPAT MAINTINDIHAN NIYO NA SIYA ANG NAGSAMANTALA SA AKIN!" saka pilit ko silang inaabot ng paa ko! Naku! Kung ako nakalaya dito ihanda niyo mga mukha niyo sa sipa ko! "MAGDEDEMANDA AKO!"

"Ang lakas ng loob mong baliktarin ang sitwasyon!" sigaw ng isang babae.

"WALA AKONG PAKI SA IYO! BAKIT BA NANDITO KAYONG LAHAT?" halos lumuwa na ang tonsils ko kakasigaw, bakit ba buong barangay nila nandito na? May mga dala pa silang torch at mga itak, ano ito? Nakakatakot ang tao dito!

"Mahal namin lahat si Senyorita Maria at hindi kami makakapayag na dumihan mo ang pagkatao niya!" sigaw ng isang lalaki

"BULLSHIT!" Sigaw ko pabalik, nagpumilit akong tumayo pero naharangan nila ako, pasalamat sila! pasalamat sila nakatali ako!

"Toffer..." lumapit sa akin si Mommy "What have you done?" tanong niya sa akin na pabulong habang palingon-lingon sa mga weirdong taong nasa harap namin.

"WALA! ANO BA MA! KILALA MO AKO, I WILL NOT LAY MY HANDS ON HER! ANG PANGIT PANGIT NIYA KAYA!" saka biglang may nag-alburutong supporter si Maria, may hawak siyang itak at akmang susugudin ako "MOMMY! MOMMY!MOMMY!" saka humarang si Mommy sa akin, pinigilan nila yung lalaki at nilabas sa mansion.

"Toffer watch your words honey kung gusto mo pang makalabas tayo ng buhay dito..." bulong niya sa akin, I shrugged.

"Please Mom...please tell me it was just a nightmare..." pakiusap ko sa kanya, tinignan niya ang nakataling kamay at paa ko.

"I'm sorry Son..." saka niya hinaplos ang buhok ko "But you have to marry her, bukas!"

And those were the last words I heard from last night before I fainted. YES I FAINTED! DAMN IT! Ilang bola na ng soccer ang tumama sa mukha at katawan ko pero I never fainted, ngayon lang, ngayon lang ng sinabi nilang ikakasal ako sa FREAK na iyon!

Nagising ako ng maramdaman ko ang isang timbang malamig na tubig na binuhos sa akin, ang sama nila!

They let me slept here sa chair habang nakatali. Ang sakit na ng katawan ko! "Buhay pa ba iyan?" rinig kong tanong lalaki, I coughed "Buhay pa!" dugtong niya rin agad.

"Dapat lang! Dapat niyang panagutan ang ginawa niya kay Senyorita!" saka ko idinilat ang mata ko at tinignan sila ng masama.

"ALAM NIYO BANG MARAMI AKONG BABAE?" nakuha ko ang atensyon nila, ngumisi ako "AT LAHAT SILA MAGAGANDA! SEXY! HOT! I'll bet hindi pa kayo nakakita ng mga tulad nila..." I smirked, nakita kong kumuyom ang mga palad nila.

If She Perfectly Fits! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon