Chapter 18: Paramdam

1.4K 26 0
                                        

Chapter 18: Paramdam

Nakarating ang grupo nina Tuti sa palasyo, agad nila binalita sa reyna ang nangyari at si Nella di alam kung matutuwa o matatakot.

"Pero hindi na banta si Aneth? Tama ba?" tanong ni Nella. "Oo, tinanggal ko na ang kapangyarihan niya" sagot ni Anhica. Di mapakali ang reyna kaya naglakad lakad siya sa paligid. "Pero ang sinasabi niyo may magpapalabas ng hari ng kadiliman? Bakit pa kayo dito dumiretso? Dapat doon na kayo sa mahiwagang gubat nagpunta" sabi ng reyna.

"Nella, hindi pa nila alam ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Aneth. Pag didiretso kami doon ay malamang hindi sila maniniwala sa amin. Kailangan kasama ka para maipaliwanag sa kanila pagkat naniniwala sila sa iyo" sabi ni Wookie.

"Pero nandon pa ang mga pekeng pinuno. Pano natin malulusutan yan? Malamang kakalabanin nila tayo" sabi ni Nella. "May plano ako para doon, pero para magtagumpay ang plano namin kailangan ka sumama sa amin" sabi ni Anhica. "O sige ano pa inaantay natin? Magtungo na tayo sa mahiwagang gubat ngayon din" sagot ng reyna.

"Bago tayo magtungo don Nella kailangan mo ihanda ang mga mamamayan ng Plurklandia. Gahol tayo sa oras kaya kailangan mo magpadala ng mga emisaryo sa lahat ng kaya maabot. Ipagpaalam mo sa kanila ang nagbabantang delubyo. Kailangan maghanda sila. Kung maari ay magsimula na sila magtago, at ang mga may kayang lumaban sa kanila mag armas na" sabi ni Wookie.

"Bakit pati mga tao isasama natin sa laban?" tanong ni Nella. "Puntirya ng hari ng kadiliman ang kaluluwa ng mga tao. Di natin sinasabi na lalaban sila ngunit pag sila ay inatake ng mga kampon ng kadiliman kailangan din nakahanda sila lumaban kahit papano. Itong misyon niyo sa mahiwagang gubat ay delikado. Maaring hindi sila maniwala sa inyo at maari din na maniwala sila"

"Kung maniniwala sila maayos, pwede niyo ipakalat ang mga mandirigma para protektahan ang mga tao. Pag hindi sila maniwala, hindi niyo kaya protektahan ang lahat ng mamamayan. Hindi sila basta basta pwede nalang sumuko, kailangan naman nila lumaban kahit papano" paliwanag ni Berto.

Napaupo si Nella sa trono at napaisip, "Mali ako...itong paparating na delubyo...ang buong Plurklandia ang nakasalalay. Hindi namin pwede iasa nalang sa inyong mga nilalang ang pakikipaglaban. Kasama kami dito kaya lalaban din ang mga tao. At ako ang mamumuno sa kanila!" sabi ng reyna.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Ikaw ang reyna! Ikaw ang dapat protektahan!" sabi ni Berto. "Paano maniniwala sa akin ang mga tao kung magtatago lang ako at aasa sa inyo? Lalaban ako, ipapakita ko sa kanila na hindi lang ako utos. Gusto ko patunayan sa kanila na hindi ko lang namana tong trono na to. Gusto ko patunayan sa kanila na nararapat ako dito sa trono!" paliwanag ni Nella.

"Pwede kang mamatay Nella" sabi ng multo. "Mas maganda na ako nang maunang mamatay kesa panoorin kong isa isa namamatay ang mga mamamayan ng kaharian. At wag kang nega! Tinuruan nila ako lumaban noon, nakakatakot pero kailangan ko maging isang pinuno" sabi ng reyna.

Biglang sumulpot si Tuti at lumuhod sa harapan ni Nella. "Ngaw dash wat am tokin abawt" sabi niya sabay abot sa espada ni Paulito. "Baka kailangan mo yan" sabi ni Nella. "Mash kailangan mo" sabi ni Tuti at biglang tumayo si Nella at kinuha ang espada at winasiwas.

"Tipunin ang mga pinuno ng bawat baranggay at sabihin magtipon dito agad!" biglang sigaw ng reyna.

Ilang oras ang lumipas at natipon ang mga bawat pinuno ng bawat baranggay at lokalidad ng Plurklandia. Sa labas ng palasyo nagtipon ang lahat at si Nella nakatayo sa entablado at nakasuot ito ng damit pandigma.

Sa loob ng palasyo pinapanood ni Berto ang kaganapan sa labas habang si Wookie ay sumasayaw. "Talagang kaya mo pang sumayaw sa lahat ng nangyayari" sabi ni Anhica. "Hindi ako sumasayaw, nageensayo ako para sa laban" sabi ng mambabarang.

TWINKLE TWINKLE: Bagong DelubyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon