Chapter 3

179 3 0
                                    

Chapter 3

Last week na ng shooting namin ni Chong magkasama, at lagi siyang malambing sakin. Pinipilit niyang pinapanuod ako habang inaayusan ako at syempre kahit na matagal na kami magkasama, nakakailang pa rin kapag alam mong may nakatitig sayo. Lalo na at minemake-up'an ako. Di ko mapigilan matawa sa kanya dahil sa mga joke niya. Di rin naman ako masisi ng make up artist ko kasi maging siya, natatawa kay Chong.

"Enchong, hindi kami matatapos pag hindi ka umalis dito." Biro ni Rica.

"Ayaw mo ba na nandito ako? Napapasaya ko naman kayo ah." Natatawang sabi niya. Natawa din ako.

"Pag natusok ko sa mata tong si Erich, ikaw ang sisisihin ko." Eyeliner na kasi ang inilalagay sakin. Pinipigil ko tumawa kasi mahirap na.

"Hmp. Sige na nga. Hon.."

"Hmm?"

"Iwan muna kita. Baka maging dragon na tong si Rica."

Natawa ko sa sinabi niya. "Ah ganon!" Sabi ni Rica pero natawa sa biro ni Enchong.

Hinalikan niya ang pisngi ko ng mabilis at umalis na. Hindi niya na ko nakita ang pagngiti ko.

Tinigil ni Rica ang pag-aayos sakin at hinarap ako. "Grabe. Ang sweet nyo talaga." Wala akong masabi. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Hindi ako makapaniwalang tatapusin na tong show niyo. Fan na fan nyo pa naman ako.."

Ngumiti ulit ako, pero nung tumalikod siya at nag-ayos ng gamit, biglang lumungkot ang mukha ko.

Ang bilis ng oras. Ilang araw na lang, iaannounce na sa lahat na magtatapos na ang show.

Pagkatapos ko ayusan, lumipat na si Enchong sa tent ko. Umalis muna si Rica at may bibilin lang daw kaya kaming dalawa lang ang nandoon.

Pinagkekwentuhan namin yung meeting niya kahapon sa new project niya with Sheena.

"Kelan daw airing?"

"Hmm.. First week yata ng January."

"Ganun ba.. Mauuna pala ung sa inyo kesa samin."

"Bakit? Anong date?"

"February pa daw. Para Valentine month."

Biglang kumunot ang noo niya at sumandal sa upuan niya. "Ah okay."

"O bakit ganyan ang itsura mo?"

"Wala naman."

Siniko ko siya. "Kainis to. Bakit nga?"

Kinuha niya ang kamay ko at nilaro-laro. "Wala nga."

"Ernest Lorenzo."

Natawa siya sa sinabi ko at hinarap ako. "Wala nga.." Iniwas niya ang tingin niya sakin. Pinagmamasdan ko lang siya. Napansin kong naging seryoso siya. "Medyo.."

"Medyo?"

Patuloy niyang nilalaro ang kamay ko. "Medyo napag-iisip lang ako.. kasi bukambibig siya ng Mama mo. Pero wala naman yun.."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Inilapit ko pa ang upuan ko sa kanya at kumapit sa braso niya. "Wag mong isipin yun. Ganun lang talaga si Mama."

"E paulit-ulit na kasi."

"Chong.."

Hinarap niya ko at hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Sorry. Kalimutan mo na yung sinabi ko."

Tumango ako. Ayoko kasing pagsimulan namin ng away. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya ako.

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang biglang pumasok si Mama. Napaayos ako ng upo. Nagulat si Enchong. Dati kasi hindi ako ganun. Hinahayaan ko lang kung sino mang makakita, basta hindi sa public place dahil nga bawal. Hinayaan niya na lang ako.

Nagkatitigan kami ni Mama at naalala ko na naman ang pag-uusap namin last time about sa kagustuhan niyang hiwalayan ko si Enchong.

"Erika."

"M-Mama.."

"Tita." Tumayo si Enchong at lalapit sana kay Mama para bumeso pero umiwas si Mama. Nagulat si Enchong.

"M-Ma.." Napatayo na ako.

Hinarap ako agad ni Mama. "Nasabi mo na ba sa kanya?"

"Ma naman.. can we talk about this some other day?" Bumibilis na ang tibok ng puso ko.

Tumingin sakin si Chong. "Ano yun?"

Ilang segundo ang lumipas bago ko maibuka ang bibig ko pero inunahan ako ni Mama. "Maghiwalay na kayo."

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Enchong. Napatingin siya ulit kay Mama. "T-Tita."

Iniwas ni Mama ang tingin kay Enchong at hinarap ako. "Erika."

"Ma.." Lumapit ako sa kanya at humawak sa mga braso niya. "Please.."

"Tita.. b-bakit po?" Narinig kong sabi ni Enchong pero hindi ako makatingin sa kanya.

"Ask your mom." Madiing sabi ni Mama at tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko. Nanlata ako ng sobra. Iniwan na niya kami sa tent. Hindi pa rin ako makatingin may Enchong. Hindi ko kayang makita ang reaksyon niya.

Naramdaman kong lumapit siya sakin. "Hon.. ano yun?" Sa tono ng pananalita niya, alam kong naiirita siya.

Umiling ako at tinalikuran siya. Nangingilid ang luha ko dahil sa mga nangyayari. Ayokong makita niya akong ganito. At isa pa, nahihiya ako sa kanya, na hindi ko nasabi sa ksnya yung tungkol dun. Kay Mama pa nanggaling.

"Erika.."

"I'm sorry.." Nanginginig ang boses ko dahil tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

"Umiiyak ka ba?"

Hindi na ako nakasagot. Umiling ako ng nakatalikod.

"Hon.." Hinawakan niya ang braso ko.

"I'm sorry.."

Hinarap niya ko sa kanya ng unti-unti at yumuko na lang ako. 

"Ano bang nangyari?"

"H-hindi ko alam.. ayaw sabihin ni Mama."

Hinawakan niya ang pisngi ko. Hindi ko na naiwasang mapatingin sa kanya. Nakifa kong malungkot siya.

"Chong, I'm sorry.. ang alam ko lang si Mama ang nag-insist na tapusin ang show.. hindi ko alam kung bakit niya tayo pinaghihiwalay. Hindi ko alam ang puno't dulo.."

"Bakit binaggit niya ang Mama ko?"

"Hindi ko alam kung anong history niya sa Mama mo.. o sa parents mo.. hindi ko alam..."

"Bakit hindi mo sakin sinabi?"

Tuloy-tuloy ang luha ko. "Hindi ko alam kung pano sasabihin.. i'm sorry.." Pinupunasan niya ang luha ko. "Ayokong mahiwalay sayo..."

Tinititigan nya lang ako hanggang ipinatong niya ang noo niya sa noo ko. "Ssh.."

"Hon.. ayoko.."

Niyakap niya ko. "Hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako.makakapayag." Hinimas niya ang likod ko. "Wag ka na umiyak.."

"A-anong gagawin natin?"

"Tatanungin ko si Mama kung anong nangyari.. basta.. wag tayong magpapaapekto. Hindi kita iiwan."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Promise?"

"Promise."

- to be continued -

October 19, 2013.

Hanggang Kailan?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant