Chapter 6

162 2 0
                                    

Chapter 6

Nagsimula na ang kanya-kanya naming taping at bihira na lang kami magkasama. Pinipilit namin pareho na laging magkaron ng oras para sa isa't isa - through phone, chat, at kung anu-ano pa. Posible pala na laging namimiss ang isang tao kahit magkausap naman kayo araw-araw? Ngayon ko naramdaman yun. Sanay na sanay kami kasi ni Chong na laging magkasama noon kaya parang hindi kumpleto ang isang araw ko kapag hindi ko siya nakikita man lang.

Unti-unti nang nawala ang ingay tungkol sa issue ng paghihiwalay namin ni Enchong (na gawa-gawa lang naman)  pero hindi maaalis ang katotohanan na maraming tumalikod sa tambalan naming dalawa. At si Enchong ang mas naapektuhan dahil siya ang naiissue ng masama at hindi ako. Madaming fans niya ang naging haters na niya ngayon dahil sa mga kasinungaling lumabas sa media. Hindi ko na kinausap si Mama tungkol dun pero alam kong siya ang may kagagawan ng lahat. Iba talaga siya kumilos. Lahat ng bagay na gusto niya, nakukuha niya. At sakal na sakal ako, pero wala akong magawa, dahil bilang anak niya, inirerespeto ko siya. Kung andito lang sana si Papa.. Alam kong hindi siya makakapayag na ginagawa sakin to ni Mama.

Nakausap na rin ni Chong ang Mama niya tungkol sa nangyari, pero hindi daw to nagsalita tungkol dun. Hindi na rin siya nakipagtalo si Enchong sa Mama niya dahil nga kakaayos pa lang din ng pamilya niya. Ayaw niyang magkagulo pa.

So here we are, at kami ang sumalo sa kung ano mang nangyari noon. Kami ni Chong ang nagsasuffer, at tanging relasyon namin ang kinakapitan naming dalawa. I just wish all of these mess end soon. Gusto ko nang bumalik sa dati na ayos ang lahat.

At dahil kagustuhan ni Mama na maghiwalay na kami, binalaan niya ko na huwag nang makikipagkita kay Enchong. Ilang beses akong umayaw, pero mapilit siya. Lagi kong nakikita na hindi maganda ang tingin ni Mama kay Enchong kung kaya lagi ko din siyang kinakausap na huwag na lang niya pansinin. Nakikita kong malungkot siya madalas at ayokong ganun siya. Nahihirapan ang kalooban ko. Kung meron lang ako magagawa. Pero alam kong wala. 

Dahil sa kagustuhan ni Mama, nagdesisyon kaming itago na lang ang relasyon namin, dahil hanggang nakikita niya kaming magkasama, hinding-hindi siya titigil sa balak niyang paghiwalayin kami. At pagod na pagod na ko sa mga tingin na ibinibigay niya kay Enchong. Kaya kung eto lang ang paraan para tigilan niya kami -  so be it.

"And that was a wrap.."

Nagpalakpakan ang lahat. First day kasi ng shooting ko para sa new series ko with Kiel. 1am na rin kami natapos.

"See you tomorrow.." Sinabi ni Direk. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa at tumuloy na ko sa dressing room ko. Nakita kong naghihintay si Rica.

"Erich! Mabuti naman natapos na yung scene nyo na yun. Grabe ha. Bakit kasi hindi mo sinasilent phone mo, ang ingay!"

Oo nga pala, nakalimutan ko. Agad ko nang kinuha ang bag ko at saka hinanap ang phone ko sa loob. Nakita kong 20 missed calls and 45 messages. Lahat galing kay Enchong.

"I miss you.."

"Kumain ka na ba? I miss you hon."

"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Namimiss na kita."

"Please call me back. I love you."

Napangiti ako sa mga text galing sa kanya. Hinintay kong lumabas si Rica ng dressing room bago ko siya tawagan. Alam na, dahil nga itinatago na namin kung anong meron kami. Kahit may tiwala ako kay Rica, I don't want to take risks.

Nagring lang ng nagring ang phone niya, pero buti sinagot niya bago ko pa maisipang ibaba. "Hon, i miss you.. I'm sorry, kakaligo ko lang.."

"It's okay. Kakauwi mo lang?" Pareho kasi kaming may shooting ngayong araw.

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon