ika-labing pito

4.5K 142 22
                                    

DNA result:

100% = 0% = not matched

- Negative

Agad kong nabitawan ang papel na hawak ko na muntik ko nang malamukos. Napaupo ako sa upuan sa gilid habang nakatulala, nanghihina ako habang lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala akong lakas. Lahat ng nabuo kong pangarap para sa amin ay bigla nalang naglaho. Bakit hindi ako maiyak? Bakit wala akong maramdaman? Napagod naba ako sa palaging sakit na nararamdaman ko?

"Ano resulta Tricia?" Tanong nilang lahat sa akin. I didn't say anything kaya naman kinuha ni Kol ang papel sa kamay ko.

"Tangina!" Mahinang bigkas ni Kol at tsaka tumabi sa akin.

"What?" Nagkagulo na sila habang nagaagawan sa resulta ng DNA.

"Mama, diba I told you tito Miguel is my papa?" I got stiffened. Poor Enzo.. nang tumingin ako sa anak ko na inosenteng nakangiti sa akin ay duon na ako naiyak. Paano ko sasabihin sa anak ko na hindi si Miguel ang tatay niya?paano ko ngaun ipapaliwanag ang nagulong isip ng anak ko?

"Diba mama.." hinila ko si Enzo sabay yakap ngahigpit sa kanya.

"This can't be.. bakit negative?" Nakita ko ang panlulumo sa mukha ni Zion at Maico. Nakatingin lang ng malungkot sa akin si Sunny at Kenneth Shane.

"Enzo come here! We will buy foods." Tinawag ni Sunny ang anak ko, lumingon sa kanya si Enzo habang nakakunot ang noo.

"Okay.." hinalikan ko muna si Enzo sa pisngi habang masaya siyang sumama kay Sunny palabas.

"Oh! ano ka ngaun Tricia? assumera! Alam mo bang pwede kitang idemanda?" Napatingin ako kay Tanya na masasayang masaya na nakatingin sa akin, umiwas agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan siya pabalik. Pakiramdam ko kase ay para akong baliw na pinilit ang isang bagay na hindi naman dapat. Siguro nga hindi naman talaga si Miguel si Enzo, maybe magkamukha lang talaga sila, siguro nagassume lang talaga ako na buhay si Enzo sa katauhan ni Miguel.

"Pwede ba Tanya tumigil kana!" Napatingin ako kay Kol ng biglang napasigaw at nagpupuyos sa galit, lahat kami halos ay natahimik dahil doon. Nawala agad ang ngiti ni Tanya pero hindi siya nagsalita.

Kumunot bigla ang noo ko. Bakit galit na galit si Kol kay Tanya?diba dapat nga ay sa akin siya magalit dahil sa panggugulo ko sa buhay ni Tanya at Miguel? Biglang tumayo si Kol sabay hila kay Tanya palayo. Naiwan si Miguel sa gilid na nakamata lang sa akin.

"Dude! Hindi mo ba kami maalala?si Miguel kaba talaga?" Halos mabasag ang boses ni Zion habang titig na titig kay Miguel. Agad kumunot ang noo ni Miguel habang nakatingin kay Zion at palipat kay Maico.

"I'm sorry.. binigay ko na ang gusto niyo diba?nag pa test ako para malaman ang totoo, dahil kahit ako mismo nagulo ng bigla nalang dumating si Tricia at anak niya sa buhay ko." Seryosong sabi ni Miguel sa amin.

"Wala kaba talagang matandaan?" Singit ni Maico.

Umiling agad si Miguel at bahagya pang tumingin sa akin. Nakita ko ang bahagyang pag pula ng mata niya.

" Wala akong memory about sa inyo. Wala talaga akong mapigang alaala para sa inyo." Mahinahong sabi ni Miguel kay Zion at Maico.

"This is bullshit Tricia! maybe he's not the real Enzo, tanggapin nalang natin yun." Pinunasan ni Zion ang mga mata niya sabay hablot ng kamay ni Kenneth Shane at hinila palayo dito.

"Sorry for the trouble dude.. we just miss Enzo so much." Yumuko si Maico at tumalikod na din at nagsimulang maglakad palayo.

Naiwan kaming dalawa ni Miguel dito habang nakatingin siya sa akin ay umiiwas ako ng tingin, ramdam ko kasi na any moment ay maiiyak ako ng sobra pag nilabanan ko ang paninitig niya.

Please Come Back To Me ( Book 3)Where stories live. Discover now