ika-dalawamput' tatlo

5K 172 13
                                    


"Mam Tricia." Napabalikwas ako ng bangon ng marahas ang pagkatok at pagsigaw ng kasambahay namen sa pinto ng silid ko. Isinuot ko ang robe ko at itinali pataas ang buhok ko sabay tayo at lakad papunta sa pinto.

"Ano yun Sally?" Seryosong tanong ko sa kasamabahay ko. Bahagyang yumuko si Sally at kinutkot ang kanyang mga kuko.

"Sally.." I used my warning tone kaya umayos siya ng tayo.

"Mam may tao po sa labas.." seryosong sabi niya. Kumunot agad ang noo ko at napatingin sa wall clock na nakasabit sa ding ding. Ala una na ng madaling araw, sino naman ang pupunta sa akin ng dis oras ng gabi?

"Pinapasok mo?sino daw siya?" Itinali ko ang robe ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Umiling si Sally.

"Mam hindi po. Miguel daw po ang pangalan niya. " agad akong napabaling kay Sally ng magsalita siya. Si Miguel? Ano naman ang ginagawa niya dito? kanina lang naman ay magkasama kami ah. Nagpaalam nga siya at uuwi pa daw siya sa Tagaytay.

Ang sama sama ko ba? Tinanggap ko kasi siya kahit alam kong may asawa siya? I know mali ako at lalabas na kabit ako. Nagmahal lang naman ako eh. Simula ng mawala si Enzo ngaun lang ulit tumibok ang puso ko katulad ng pagtibok nito kay Enzo noon, ang nakakatawa pa ay kamukha niya. Ironic diba?

Mabilis akong nagtungo sa labas at binuksan ang gate. Natigilan kami pareho ni Miguel ng magkatinginan kami sa mata. Agad bumaba ang tingin ko sa isang varsity bag na hawak niya.

"Tricia--" lumaki ang ngiti sa mukha niya ng makita ako. Ayan na naman ang puso ko na abo't ang paghuhurementado para sa kanya. Pakiramdam ko nga ay hindi ko na kaya ang nararamdaman ko pag itinago ko pa. Gusto ko naman sumaya. At si Miguel lang ang nakakapagpasaya sa akin ngaun maliban sa anak ko. Both of them makes me whole. Sila ang buhay ko.

Nilakihan ko ang bukas ng gate para makapasok siya.

"Sally, matulog kana." Baling ko kay Sally na nakatayo sa gilid ko. Bahagyang tumango si Sally at tumalikod pabalik sa silid niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay at saka ko siya pinaupo sa sopa sa sala. Umupo ako sa katapat na sopa ng inuupuan niya tsaka pinagsaklop ang aking mga kamay..

"What are you doing here Miguel?" Diretsong tanong ko sa kanya. I have a feeling pero ayokong umasa, at tsaka paano si Tanya?does she know that he's here?

"Iniwanan ko na si Tanya.." seryosong sagot niya sa akin kaya bigla akong napatayo.

"What?" Gulat na gulat na sabi ko. Nung tinaggap ko si Miguel, I told him to take things slow. Bakit bigla nalang niyang iniwanan si Tanya?paano kung manggulo yun? Nakakatawa ang naiisip ko noh? Takot ako sa gulo pero gulo ang pinasok ko. I smiled bitterly. Isa pala akong kabet.

"Hindi ko na siya mahal Tricia, or hindi ko naman talaga siya minahal.." tumayo si Miguel at dahan dahan lumakad palapit sa akin. Napahawak ako sa robe na suot ko dahil sa sobrang kaba ng nadadama ko. Malamlam ang mga mata niya habang palapit sa akin kaya hindi ko maiwasan mapalunok. His eyes looked tired, pero andun pa din yung naguumapaw na kagwapuhan niya. His perfect jawline makes him more handsome lalo na ngaun na ngumisi siya.

" Hindi naman ako titira dito. I just want to stay here for tonight Tricia..just this night."

Nang makalapit siya sa akin ay yumukod siya para magpantay ang aming paningin. Amo'y na amo'y ko pa ang mabangong hininga niya.

"Can I stay?" Natauhan yata ako ng bigla siyang natawa sa harap ng mukha ko. Ano ba nangyayari sayo Tricia?

Wala sa loob nalang akong napatango sa kanya kaya lalong lumawak ang ngiti ni Miguel.

Please Come Back To Me ( Book 3)Where stories live. Discover now