CHAPTER 1

1.5K 44 3
                                    

ANG AMA KONG ANGHEL
Genre:Spirirual
Author:Jhyne Juntilla

CHAPTER 1

NASANAYAN ni Maurhyne, ang magsimba pag-araw ng linggo. At bago siya uuwi ng bahay ay dadaan muna ito sa palingke upang bibili ng mga bulaklak para sa kaniyang kuwarto. Ito ang nagpapasigla sa kaniyang mga mata, at nagpapasaya sa kaniyang puso. Ang mga puting kulay na bulaklak.

Nag-iisang anak si Maurhyne nina Donya Agata at Don Gaspar Casaysayan. Dahil masyadong mapili ang kaniyang mga magulang, kaya nanatiling dalaga pa rin siya sa idad na beinte siyete. Pero para kay Maurhyne, ay walang problema sa kaniya ang mananatiling dalaga. At dahil na rin ay hindi pa dumating ang lalaki na magpapatibok sa kaniyang puso.

Walang ibang laging dinarasal si Maurhyne, kung hindi ang ibibigay sa kaniya ng Dios ang lalaking may mabuting puso. Hindi siya naghahangad ng isang lalaking mayaman na tulad ng kanilang istado sa buhay. Ang mahalaga sa kaniya ay kaya siyang mamahalin ng buong-buo.

SAMANTALA ay pinatawag si Jephonie,sa kanilang Maestro, at nagtaka naman siya kung bakit? Pero walang pag-dadalawang isip na siya ay lumapit.

"Maestro pinatawag mo raw ako?"

"Oo,dahil may mahalaga kang misyon sa lupa."

"Ano ang misyon ko sa lupa Maestro?"

"Masyado ng magulo ang mundo,nagkalat na ang kasamaan,marami ng nakalimot sa aking kautusan. Kinalimutan na nila ang aking pangalan,at kahit ang mga kabataan ay hindi na naturuan ng tamang asal at kahit ang kanilang mga magulang ay kinalimutan na nilang igalang."

"Kung ganoon, susundin ko ang iyong utos Maestro, at ituro mo sa akin ang aking dapat na gagawin"

"Hanapin mo ang babaeng donselya. At ipagtagpo ko ang inyong mga landas."

"Pagkatapos, ko siyang matagpuan, ano ang gagawin ko sa babaeng donselya?"

"Suyuin mo siya at sabihin mo sa kaniya ang tunay mong pagka ikaw na walang bahid na kasinungalingan. Pakasalan mo siya, na tanging tatlo lang kayo ang makakaalam. Ikaw, ang babaeng donselya at ang taong magpaisang dibdib sa inyo. Mula sa iyo at sa iyong kabiyak ay isisilang ang isang bata na magliligtas sa kasamaan ng mga tao sa lupa."

"Susundin ko ang iyong utos Maestro."

"Isang paalala. Pag-tumubo na ang isang binhi ay magpapaalam kana sa kaniya."

"Masusunod Maestro."

Sa araw ding iyon ay bumaba sa lupa si Jephonie, para sundin ang utos ng Maestro. Gabi nang siya ay bumagsak sa lupa, sobrang madilim ang paligid na ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang kaniyang kulay puting damit. Nakaramdam siya agad ng kunting takot, dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Ang takot na iyon ay nakita ni Maestro.

"Jephonie......!"isang malamig na boses ang narinig niya. At alam niya kung kanino iyon.

" Maestro?"tugon niya.

"Bakit ka natatakot? "

"Sapagkat ay hindi ko alam kung nasaan ako dito sa lupa Maestro."

"Jephonie, alalahinin mo na ako ang nagpapadala sa iyo. At magtiwala ka sa iyong sarili,at ang bawat daan na iyong binabaybay ay nagmula sa akin. Walang sino man ang makakahawak sa iyo, kung hindi ko pahihintulutan."

"Salamat Maestro, alalahanin ko,at nagtiwala ako sa iyo."

"Magpatuloy ka sa iyong paglalakad,at sa dulo ay may matagpuan kang tahanan, kumatok ka, at ikaw ay kanilang pagbubuksan."

"Masusunod Maestro."

Nagpatuloy si Jephonie, sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kubo na sinabi ni Maestro, kumatok siya tulad ng bilin sa kaniya. Pinagbuksan naman siya nang isang matandang babae.

"Magandang gabi sa iyo Nay, nagmula ako sa malayong lugar at wala akong matuluyan."aniya sa kaharap.

" Tumuloy ka anak."maikling wika ng matanda.

"Maraming salamat Nay, huwag kayong mag-alala mabuti akong tao. At handa akong maglingkod sa inyo, palatandaan ng pagtanaw ko sa kabutihan ninyo."pahayag ni Jephonie.

Habang nag-uusap sila, ay bigla namang lumapit ang kabiyak ni Nanay at binati ito ni Jephonie, nagpakilala siya sa mga ito. Dahil ramdam ng mag-asawa na mabuting tao siya ay pinayagan siya ng mga ito na titira sa kanila.

Nagpakilala naman ang dalawang matanda sa kaniya. Sila si Nanay Neneth at ang kaniyang kabiyak na si Tatay Wilfredo.

Sa gabi ding iyong ay nalaman ni Jephonie na ang mag-asawa ay wala ng ibang kamag-anak at pamilya. Dahil nasawi ang kanilang nag-iisang anak na lalaki sa pangingisda. Nagkaroon ng isang malakas na bagyo at nalunod ito.

KINABUKASAN ay araw ng linggo. At maagang gumising ang dalawang matanda para mamitas ng mga bulaklak. Ito ang kanilang maliit na kabuhayan, dito sila nabubuhay. Kahit hindi malaki ang kinikita pero sapat na iyon sa kanilang mag-asawa. Ika nga;

"Aanhin ang sobrang yaman kung hindi mo makamtan ang kaligayahan"

Sumikat na ang araw ng magising si Jephonie,at nakaramdam naman siya ng pagkahiya sa sarili. Dahil siya na itong pinatuloy at siya pa ang nahuli sa pag-gising. Akmang tatayo na sana siya ng makita niya ang mga paris ng damit sa kaniyang tabi. Kinuha niya ito at pinagbubuklat,nang matanto niyang para ito sa kaniya ay agad naman siyang nagpalit ng damit. At lumabas sa kubo.

Napangiti siya ng makita niya ang mga tanawin, tulad lang din ito sa paraiso na wala kang ibang makikita kung hindi ang mga klase-klaseng bulaklak. Tahimik ang buong paligid at wala siyang ibang nakita na kubo, maliban sa kanilang tinuluyan.

"Gising ka na pala."

Napalingon si Jephonie sa kaniyang likurang bahagi

"Magandang umaga Tay," bati niya sa matandang lalaki sabay mano.

"Kaawaan ka ng Dios!" tugon ni Tatay Wilfredo.

"Tay,saan pala si Nanay Neneth?"

"Nauna na sa bayan,para mag-tinda ng mga bulaklak. Hinintay lang kitang magising at susunod rin ako sa bayan para dalhin itong mga napitas ko."

"Sasamahan ko na po kayo Tay."aniya.

Nakaramdam ng lungkot si Jephonie ng makita niya ang tinatawag na bayan. Dahil sa napakagulo nito , napakaingay at napaluha siya ng makita niya ang mga maduduming bata na, nagpapalimos sa tabi ng daan at ang ibang mga nilalang ay may kaniya-kaniyang hawak na sigarilyo at ang iba ay may hawak na bote ng alak.

Hindi pansin ni Jephonie na may isang babae palang naka sakse sa kaniyang pagluha. At kanina pa, pala itong nakatitig sa maamo niyang mukha.

" Baka kailangan mo ito."boses ng isang babae na may inabot sa kaniya na puting tela.

Nakaramdam naman ng kunting pagkapahiya si Jephonie,at agad kumabog ang kaniyang puso. Tinanggap niya ang panyo, at agad niyang naalala ang kaniyang misyon sa lupa.

"Maestro, siya na, ba ang babaeng donselya?"wala sa isip niyang tanong, at narinig iyon ni Maurhyne.
" Sinong Maestro? At ano iyong babaeng donselya?"nagugulohang tanong ni Maurhyne.......
.
.
.
.
ITUTULOY.





ANG AMA KONG ANGHELWhere stories live. Discover now