CHAPTER 20 - SEMI-FINALE

680 44 6
                                    

ANG AMA KONG ANGHEL
Author:Jhyne Juntilla

CHAPTER 20 - SEMI-FINALE

PAGKATAPOS kumain nina Maurhyne ay nagpunta na sila sa baryo.

"Eric,sana matagpuan kuna ang aking anak."

"Sana Maurhyne."tugon ni Eric sabay haplos niya sa kamay ng babae.

"Hanggang sa nakarating na sila sa naturang lugar,at agad silang nagtanong-tanong sa mga bahay  kung may mga bata ba silang nagka-edad ng walong taong gulang. May mga natagpuan nga silang bahay na may ganoong edad pero wala namang palatandaan na anak niya ito.

Sakanilang paglalakad ay may napansin silang maraming mga taong may mga kapansanan at ang iba ay may mga sakit. Naglalakad ang mga ito na iisa lang ang direksyon.

"Saan po ang punta ninyo?"hindi maiwasan ni Maurhyne na mapatanong sa isang ale.

"Pupunta kami sa isang batang nagpapagaling ng may mga sakit."tugon nito.

Napahinto si Maurhyne at biglang naalala ang sabi ni Jephonie noon.

"Eric,hindi kaya siya ang aking anak!?"

"Bakit mo nasabi?"pagtatakang tanong ni Eric.

"Dahil sabi ni Jephonie sa aking noon. Ang aking anak ang magliligtas ng mga tao."

Agad nakaramdam ng kaba si Maurhyne,ika nga luksong dugo.

"Kung ganoon,bilisan na natin."sabi ni Eric pagkatapos ay nagmadali silang nagtungo sa kotse at sumunod sila sa mga taong nauna sa kanila.

Hanggang sa natanaw nila ang isang bahay na halos-hindi na makita, dahil sa dami ng mga tao. Agad bumaba si Maurhyne at nakipagsiksikan sa mga tao para lang makalapit siya sa bahay at sumunod naman si Eric.

Nakalapit si Maurhyne ng konti, pero hindi pa rin niya matanaw ang batang  nagmimilagro kaya lumapit pa siya.

"Hoy!pumila ka!"bulyaw sa kaniya ng isang mama.

"Oo!' pumila ka!"sigunda naman ng isang ale.

Nakaagaw ito ng pansin sa iba. Pero hindi nagpapaindak si Maurhyne,at pakiramdam niya ay may humihila sa kaniya para makalapit sa bata.

Hanggang sa natanaw niya ang isang batang babae na parang pagod na ito sa kaniyang ginagawa. Biglang nakaramdam ng awa si Maurhye na parang kinukurot ang kaniyang puso.

Nang makalapit na siya ay agad lumakas ang pintig ng kaniyang puso. Namasdan niya ang mukha ng bata,at kahawig ito kay Jephonie.

"Dios ko,siya ang anak ko. Hindi ako pwedeng magkamali."napaluhang sabi ni Maurhyne at lumapit pa ito ng husto na may luha pa rin sa kaniyang mga mata. Hanggang sa nakatayo na siya sa harapan ng bata,at dahan-dahan siyang lumuhod nagulat naman sila Marlon at Jhona nang hawakan ni Maurhyne ang dalawang balikat ni Zianna.

Hindi naman nakakibo ang bata dahil sa kaniyang pagkabigla.

"Pwede ko bang makita ang iyong dibdib?"paghingi ng pahintulot ni Maurhyne.

"Sige po."nakangiting tugon ng munting anghel.

"Sandali anong ginagawa mo!?"pag-awat ni Jhona,dahil hinawakan ni Maurhyne ang damit ni Zianna.

"May gusto lang akong makita."aniya.

Hanggang sa tinuloy ni Maurhyne ang kaniyang ginagawa.

"Dios ko!"lumaki ang mga mata ni Murhyne sa kaniyang nakita.

"Bakit po?" inosenteng tanong ni Zianna.

"Ilang taon kana?"tanong niya.

"Magwawalo na po."

ANG AMA KONG ANGHELWhere stories live. Discover now