CHAPTER 12

613 36 3
                                    

ANG AMA KONG ANGHEL
Genre:Spirirual
Author:Jhyne Juntilla

CHAPTER 12

PAGKATAPOS maisimento ang kamay ni Maurhyne,ay inilipat na siya sa isang pribadong kwarto. Inilihim pa rin niya ito sa kaniyang mga magulang.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"tanong ni doktor Eric habang papasok ito sa kwarto.

"Mabuti-buti naman."tugon nito,pero hindi nakatingin sa lalaki.

"Wala kaba talagang balak na ipaalam ito sa iyong mga magulang?"anang doktor.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala!?"galit niyang tugon sabay tingin sa kausap.

"Bakit ba ang sungit mo? Baka nakalimutan mong doktor ang kausap mo."inis nitong sabi kay Maurhyne.

"Baka nakalimutan mo rin na ikaw ang bumangga sa akin! Doktor!"sarkastikong sumbat nito.

"Sa susunod mag-iingat ka sa tinatawiran mo para hindi ka mabundol."

Hindi naka kibo si Maurhyne,dahil naalala niya ang pangyayari na siya naman talaga ang may kasalanan.

"Pasensiya kana,may hinahabol kasi ako."naka yukong sabi niya.

Tumahimik naman si doktor Eric,dahil nakita niya sa mukha ng babae na desmayado ito.

"Mga ilang araw ba ito bago matanggal doktor?"mahinahong tanong ni Maurhyne.

"Mga isang linggo matanggal na natin ito. Pero kung  gusto munang umuwi,anytime maka labas kana."

Dahil hapon na ay naisipan ni Maurhyne na magpalipas nalang muna siya ng gabi sa hospital. Dahil balak niyang daanan muna ang puntod ng anak.

"Sige doktor bukas nalang ako lalabas."aniya

"Good,para makapagpahinga ka muna. So paano,maiwan muna kita. Kung may mga kailangan ka,magpasabi ka lang sa nars."

"Okay!"tugon niya.

"See you tomorrow."anang doktor sabay labas sa kwarto....

Samantala ay pinayagan naman si Edna, na makauwi sa kanilang  probinsiya. Sobra naman ang saya nito,dahil makasama niya ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang tatlong anak. Dahil ilang buwan na rin niya itong hindi nakapiling. Sapagkat mas pinili ni Edna na hindi umuuwi dahil nanghihinayang siya sa pamasahe.Mas kailangan iyon sa kaniyang mga anak.....

Samantala ay mahimbing ang tulog ni Zianna, nang managinip siya. Isang  napakagandang bahay at napakalaking pintuan. Bigla itong bumukas at nakita niya ang sobrang liwanag,kasabay noon ay may tumawag sa kaniya.

"Zianna........."malamig na boses galing sa loob. Dahan-dahan naman siyang naglakad patungong pintuan.

"Halika dito."tinig lalaki. Nang makalapit na si Zianna,saka niya natanto na si Jhonler ang tumatawag sa kaniya ang kaibigan niyang anghel.

"Ikaw pala Jhonler."nakangiti niyang sabi.

"Halika ka, pasok!"sabay abot niya sa kamay,para alalayan si Zianna.

"Wooow... Ang ganda naman dito."masayang wika ni Zianna ng makita niya ang loob. Napakamaraming bata na tulad rin ni Jhonler,mga nakaputi sila at may mga pakpak rin.

"Ito ang aming tahanan Zianna,at dito ka rin pupunta balang araw.Ito ang tinatawag na Paraiso."paliwanag ng kaniyang kaibigan.

"Ang saya naman dito,Sana makasama ko rin ang aking mga kapatid dito."aniya.

ANG AMA KONG ANGHELWhere stories live. Discover now