Chapter Thirteen

24.3K 799 138
                                    

Chapter Thirteen

Ang dami kong plans this month. I'm going to visit Manila soon. My high school friends and block mates are coming. Ang malala, hindi pa sila nagsabay. Magkasunod lang sila. A week after mag vacation ng block mates ko, turn naman ng high school friends ko. 

Sa condo ko sila matutulog para raw makatipid. Available rin naman kasi yung isang room doon. Gusto rin nilang ako yung mag tour sa kanila around Cebu. Nagpa-plan din yung mga anak ng friends nila Mommy at Daddy. Buti na lang, hindi sila ngayong buwan pupunta. Hindi rin pwede next month.

Marami naman kasi talaga akong friends. Wala lang talaga yung sobrang close na lagi kong kausap o nasasabi ko lahat. Ngayon siguro, si Bev, pero paano pag bumalik na ako sa Manila? I have no constant. 

In the first place, kasalanan ko rin dahil kay Eisley lang ako nageeffort makipagcommunicate kahit ayaw na niya akong kausap.

Bukod sa maging tour guide ng mga kaibigan, pupunta rin ako sa Hospicio dahil nag promise kami ni Eisley na babalikan namin sila tapos may medical mission kami ng isang buwan next month. After that, bibisita ulit ako sa Manila. Ihi na lang talaga ang pahinga ko.

Tinapos namin ni Eisley yung buong trip ng senior citizens. We went to beaches, falls, museums, and other tourist spots. Sa aming lahat, ako at si Ate Charisse, yung kasama namin na 35-year old, lang ang nag zip line.

The elders were considerate enough not to talk about what happened to me when Lola Linda attempted suicide.

"Ang saya. Gusto ko pa!"

Hindi nagsasalita si Eisley. Nakatingin lang siya sa camera niya. Sinilip ko para malaman kung ano yung tinitingnan niya. Mga shots niya pala habang nagzizipline ako. "Ang ganda!"

"Ito." Pinakita niya sa'kin. "Ang ganda mo dito."

I give him a weird look. "Bakit hindi ka nahihiyang sabihin na nagagandahan ka sa'kin?"

He shrugs. "'Cause it's true."

I tap his back. "You really don't have any idea, don't you?" Nilayasan ko na siya. Ugh! He should stop saying I'm pretty. It's not helping. Tanggap ko na ngang hanggang magkaibigan lang kami. Pinapalala niya pa!

Noong nakita na kami ng mga lolo't lola, tuwang tuwa sila sa amin ni Ate Charisse. Ang lalakas daw ng loob namin.

"Bakit hindi nag zipline si Eisley?" tanong nila.

"Siya po kasi yung official photographer ko."

Tumawa sila saka sinabi ng isang matanda, "Magkaibigan lang ba talaga kayo?"

We both nod our heads.

After our trip, hindi na kami nagkita ni Eisley dahil parehas kaming busy. Nakalipat na rin sila sa bahay nila. Pag nagtetext ako, nagrereply na siya kaya updated kami sa isa't isa. Pag nagtatanong ako, sumasagot na rin siya.

Hindi niya ata napapansin na ibang level na yung pag-oopen up niya. Kahit yung nangyari sa trabaho niya, kinikwento niya. Iniisip siguro niyang obligated siyang mag kwento dahil friends na kami. Nakakatawa talaga.

Isang beses, siya pa yung unang nag text. Madaling araw na 'nun. Nag text daw sa kanya yung lalaking nanghingi ng number ko noong nasa Sumilon kami.

Me: Anong sabi? Nag reply ka?

Him: *forwards the message* Hi, Tyrese. Jeric here. Nag meet tayo sa Sumilon. Do you still remember me?

Him: Hindi. Ano sasabihin ko?

Me: Wag mo na replyan. Haha! Sorry, naabala ka pa.

Him: Okay lang.

Him: Nag text ulit.

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon