Chapter 28---lies behind lies

6.6K 109 12
                                    

Sorry ngayon lang po nakaupdate, busy kasi sa work.. may fb account nga po pala ako.. Selena Cascabel ang name..it's not my real account pero active naman sya...it would be great to be friends with you guys....:)...thanks in advance.

-------------😘😘😘😘😘😘😘😘--------------

Bakit nga ba may mga taong mapagsamantala?..mga taong papaniwalain ka at sasaktan ka. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nagawa ko para maranasan ang bagay na ito.

Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung ano nga ba ang naging mga kasalanan ko para iparanas sa akin ang ganitong buhay? Sa lahat ng taong akala ko ay muling mapagkakatiwalaan ko at naririyan para sa akin ay siya pa ang dahilan ng lahat ng ito.

"Aalis ka?..akala ko day off mo ngayon?.." puna ko kay Maico na nakadamit pang alis. Simula kasi nang umalis kami ng Venice ay dito na nagtrabaho si Maico. May sarili na rin kaming bahay na hinuhulugan sa ngayon. Hindi naman siya kalakihan, sapat lang para sa aming dalawa ni Maico.

Nilingon niya ako saka ako nilapitan. Ipinalibot niya ang kanyang matitigas na braso sa aking bewang saka ako marahang hinalikan.

"i'll be quick wife, pupunta lang ako kayla Shan..." napakunot noo ako. Bakit ba ngayong naririnig kong pupuntahan niya ang bestfriend niya ay hindi ko maiwasang mag isip ng negatibo. Ewan ko pero iyon ang nararamdaman ko. Marahil ay trauma na rin sa nangyari noon.

"Wife?..please...just this one..."

"Can i go with you?.." ani ko. Simple siyang ngumiti at tumango. Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang pumayag siya. Wala siyang tinatago at sana nga ay wala na talaga.

Pagdating namin sa bahay nila Shan ay agad kaming sinalubong ni Roxy.

"pasok kayo..." tipid na ngumiti si Roxy sa akin ngunit hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya ay pumapasok sa isip ko kung paano niya ipagtanggol si Steph kay Farrah at Ellaine noon.

"Si Shan?.." tanong ni Maico.

"Nasa kitchen kumukuha lang ng drinks...tara sa pool area.." sagot naman ni Roxy saka naglakad diretso sa garden.

Inabot ni Maico ang aking kamay at pinagsagop iyon dahilan para mapatingin ako sa kanya na syang ngiti ang isinukli sa akin.

"Kelan pa kayo bumalik galing Venice?..upo kayo..."

"last month lang...hindi na ako nakacontact sa inyo kasi busy..ngayon lang nagkatime..." napatango tango si Roxy saka sya bumaling sa akin.

"Ikaw Jane?...kumusta?.." hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig ng mga mata nyang iyon pero sa mga oras na ito ay gusto ko syang kaladkarin palapit ng pool at ilublob anh mukha sa tubig para hindi na siya mabuhay. Pero syempre hanggng isip ko na lang iyon, ayokong makulong.

"Okay lang...masaya..." sagot ko nang may matamis na ngiti, may halong pang aasar.

"Hon!...patulong nam--oh Maico!..nandito na pala kayo..."

"Yes, bro..kumusta?.."

"Okay naman...ikaw ang kumusta...aba!...ano na nangyari sa balak nyong pagtira sa Italy?.." naupo na si Shan sa tabi ni Roxy at nakipag usap kay Maico. Saglit itong tumingin sa akin at binati ako saka muling binalingan si Maico.

Tumayo si Roxy at nag paalam na sya na ang gagawa nang naiwang gawain ni Shan kaya nagpaalam din ako para tumulong.

"Anong pwede kong gawin?.." tanong ko pagpasok ko sa kitchen.

"Hiwalayan mo si Maico.. iyon ang pwede mong gawin..." aniya saka ako hinarap nang nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.

"Bakit ko gagawin yun?.."

Tears of a Wife..Where stories live. Discover now