Chapter 3

8.6K 110 2
                                    








Nang makarating ako sa apartment ay naabutan ko si Ate Niz, girlfriend nung kapatid ni Maico, si kuya Jared...nakakailang pa ngang tawaging kuya Jared kasi nakasanayan ko na Jared lang noon eh, friend ko na siya bago pa naging kami ni Maico...

"Oh, Allena, halika upo ka..." aya sa akin ni Ate Niz..Naupo naman ako sa couch at inilapag ang bag ko at pinamili...

"You're waiting for Maico?.." tumango naman ako,

"Jared babe!..." sigaw niya...nagulat naman ako sa sigaw niya..parang wala lang ako sa harap niya eh noh?...

"Oh, Niz babe bakit?.." nagpipigil ako sa tawa nung nagmamadaling lumabas galing kusina si Jared...pfftt~..naka-apron kasi siya tapos may hawak na sandok at mukhang ninerbyos sa pagsigaw ni Ate Niz, under kasi siya kay Ate Niz eh..

"Allena, n-nariyan ka p....ala... kum--usta?.." wika niya na hinihingal pa..

"ok lang naman..." sagot ko na nagpipigil pa rin sa pagtawa...Super nakakatawa talaga kasi ang itsura niya..

"hahahahaha" hindi ko na rin napigilan nung marinig ko ang hagalpak ni Ate Niz...Napakunot-noo naman si Jar--- Imean kuya Jared at nagpout na lang..

"Pambihira, clown ba ako para tawanan?.." sarkastiko niyang pagkakasabi..

"hahaha, dun ka na nga sa kusina!...dali!.." pagtataboy ni Ate Niz kay Jar—kuya Jared...napanguso na lang si kuya Jared, at bumalik na ulit ng kusina...

"Ay Ate Niz nood tayong movie...."

"Love story ba yan?...sige sige...wihhh!...anong title?.." excited nyang tanong sa akin...para siyang bata,,hahaha

"The last song..."

"waaah, maganda ba yan?...sige isalang mo na...panoorin natin.."

Nanood na lang kami ng movie, si kuya Jared naman panay ang dala ng pagkain sa amin...Si Ate Niz kasi panay ang utos sa kanya..mukha namang okay lang kay kuya Jared kasi pangiti-ngiti pa siya eh..

"Sa kwarto muna ako ha..mag-iinternet.." paalam ni kuya Jared..hahalikan na sana niya sa pisngi si Ate Niz kaso..

"WAAAHHHH!!...Allena! nakita mo yun?!!...WAAH!..Ang sweet...nikikilig ako!!..." sigaw nya habang hinahampas hampas pa yung braso ko..ouch lang ha...Narinig kong nag-tsk si kuya Jared at dumiretso na ng kwarto..padabog pa niyang sinara ang pinto...

"Oh, ano nangyari dun?.." nagkibit balikat na lang ako...Mukhang natahimik na si Ate Niz...tiningnan ko siya at susko!...nakatulog na pala...kinatok ko ang pinto ng kwarto ni kuya Jared...Gulo-gulo ang buhok niyang binuksan ang pinto at mukhang naiinis pa rin..

"Oh?.."

"Nakatulog na kasi si Ate Niz?..baka mangalay yun.." napasulyap naman si kuya Jared kay Ate Niz na peaceful na natutulog sa couch habang nakaupo pa ito at nakanganga....Bigla siyang napangiti at napalitan ng aliwalas ang mukha niya habang pinapanuod si Ate Niz...Nilapitan niya ito at binuhat saka dinala sa kwarto niya..Naiwan naman ako sa salas na nanonood ng tv...Natapos ko nang panuorin yung movie at nagsalang na lang ulit ako ng panibago...Shopaholic naman ang pinanuod ko..Napatingin ako sa orasan at 6:00 na pala ng hapon...Yes!...tapos na klase nila..

~tsup~

Napaigtad naman ako nang may humalik sa pisngi ko...

"ano pinapanood mo?.." naupo siya sa tabi ko, isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya...

"Shopaholic...nakakatuwa nga eh, ang ganda....." Naramdaman ko namang umakbay siya sa akin at mas lalo akong inilapit sa kanya...Inamoy-amoy pa niya ang buhok ko...at nagiging abnormal nanaman ang pagtibok ng puso ko...

"Kumain ka na?.." tanong niya..

"hindi pa....hinihintay kita eh.."

"tara kain tayo...." tumayo na ako ganundin siya....Pinatay na rin niya yung tv tapos dumiretso na kami sa kusina...Naupo naman ako tapos pinaghanda niya ako ng pagkain...Gusto niya kasi siya ang naghahanda ng food for me at si ako naman tuwang tuwa sa pagiging sweet ng asawa ko...Naupo na rin siya after maghanda ng pagkain then nagsimula na kaming kumain..

"Malapit na ang intramurals ah. Anong family mo?.." basag ko sa katahimikan....pansin ko kasing parang ang tahimik niya pagdating pa lang niya eh..

"family 1..." tipid niyang sagot...

"may problema ba?.." saglit lang siyang tumingin sa akin..Kumuha siya ng tubig at ininom ito saka tumayo na...

"Oh, tapos ka na agad?.."

"Busog na ako..." tanging sagot niya at dumiretso na siya ng kwarto niya...ano bang problema niya?..bakit ganyan siya?..ngayon lang sya ganyan sa akin...:(

Inayos ko na ang pinagkainan namin...matapos iyon naupo na lang ako sa couch...

Ang tagal naman nyang lumabas ng kwarto niya...

narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa kwarto niya kaso kwarto ni Kuya Jared ang bumukas...

"Oh, Allena...wala pa si Maico?.." tanong ni kuya Jared..

"Hindi, nasa kwarto pa niya siya...hinihintay ko lang..."

"alas-otso na ng gabi ah, di ka pa uuwi?..delikado na sa daan" may pag-aalalang tanong niya..

"pauwi na rin ako, hinihintay ko na lang siya..ihahatid niya kasi ako.."

"ganun ba?...kumain na kayo?.." tumango naman ako tapos tumungo na siya ng kusina...nagpaikot ikot na lang ako sa salas nila at tinitingnan ang pictures nila...hindi naman ako basta-basta pumapasok ng kwarto niya kahit asawa ko na siya...basta, hindi ko lang talaga ugali yun...

"oh, wala pa rin?.." tanong ulit ni Kuya Jared na galing ng kusina..umiling-iling ako...napa-tsk naman siya at pumasok sa kwarto ni Maico...Maya-maya pa lumabas si kuya Jared at mukhang nag-aalangan pa sa sasabihin iya..

"nakatulog na kasi eh...ang hirap gisingin...pasensya na sa kapatid ko.." aniya habang hawak ang batok...bigla namang bumigat ag pakiramdam ko...ilang oras akong naghintay tapos tinulugan niya lang ako?..inaya niya pa akong manatili muna dito sa apartment nila tapos ganun lang?......pero siguro pagod lang talaga siya..oo nga, siguro nga...siguro madami lang siyang ginawa, lalo na graduating siya...

"a-ahh, o-ok lang, p-pasabi na lang, u-umuwi na ako.." pilit akong ngumiti ka kuya Jared..

"pasensya na talaga ah..kung gusto mo ako na lang maghahatid sa'yo.."

"ah, h-hindi na..kaya ko naman..s-sige.." kinuha ko na yung bag ko at naglakad na palapit ng pinto..

"sigurado ka?.." humarap ako sa kanya at ngumiti..pekeng ngiti..

"uhmm.."sagot ko habang tumatango pa...binuksan ko na ang pinto at lumabas na..Nang makasakay ako ng tricycle papuntang sakayan ng van hindi ko alam kung maluluha ako o hindi...Alam ko pagod lang siya kaya nakatulog agad pero hindi ko maiwasang bumigat ang pakiramdam para kasing binalewala niya ako..to think na ngayon lang niya ginawa ito at hindi ko inaasahan iyon, nakakapanibago lang...Nang makauwi ako sa amin, dumiretso na lang ako ng kwarto ko at nahiga...Then, naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa pisngi ko pero mabilis kong pinunasan iyon...Ang O.A. ko naman masyado, para yun lang?...Maybe I should understand him lalo na graduating siya...ganun naman dapat di'ba?..I should be an understandable wife to him..

Tears of a Wife..Where stories live. Discover now