MTQ 6

29.3K 908 159
                                    


****

Kinakabahan ako.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang tahakin ang hagdan paakyat sa room namin sa 4th floor. Ayoko kasing nag-e-elevator. Tamad lang ang gumagamit nu'n.

Maingat ang bawat paghakbang ko, at bawat paggalaw ko. Kapag hindi ako naging alisto baka sa clinic na naman ako pulutin.

Himala. Parang ang peaceful yata, at walang katao-tao sa paligid. Late na ba ako?

Dali-dali akong umakyat sa hagdan dahil sa thought na yun. Ayokong ma-late. Isa sa pinaka ayoko ay ang ma-late.

Third floor. Malapit na, malapit na. Woooh!

Isang tapak pa lang ako sa hagdan na patungo sa fourth floor ay may naramdaman ako sa paa ko. Hindi ko ito mai-angat.

Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ano na naman bang pakana 'to?

Tiningnan ko ang railings ng hagdan, baka kasi may pandikit din iyon, eh, magkanda-letse-letse pa ako rito lalo.

Tama kayo, nilagyan ng superglue ang unang baitang ng hagdan, manuyo-nuyo na iyon kaya lalonglumakas ang dikit. Hindi ko na napansin dahil sa pagmamadali. Sa sobrang dikit, hindi ko maiangat ang paa ko. Ang solusyon na lang dito ay kung aalisin ko 'tong letseng sapatos na 'to.

Nang masiguro kong wala namang something sa railings ay humawak ako dito bilang suporta at inalis ang sapatos sa isa kong paa. Ini-apak ko ang kaliwa kong paa sa second step, dahil wala namang pandikit iyon. Sinunod ko ang kanang paa ko, and tenee
en!

Nakaalis na ako sa pagkakadikit ng paa ko at nagsimulang umakyat uli. May 2 minutes pa ng tingnan ko ang oras sa relo ko. Kaya pa.

Nang makarating ako sa floor namin, saka ko pinakiramdaman ang paligid. Kilala ko si Hashford, alam niyan kung makakatakas ako sa patibong n'ya. May kasunod pa 'yan.

Hindi ko pinapansin ang bare feet ko, patingin-tingin pa rin ako sa paligid.

Malapit na 'ko sa room. 30 seconds!

Patakbo na akong pumunta sa room ng masigurado kong wala namang trap dito. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako.

Walang tao.

Wala bang pasok? Hindi naman kami nalipat ng room kapag nag-iiba ng subject. Teacher ang lumilipat samin eh. Bakit kaya? Wala naman akong nabalitaang walang pasok, eh.

Nagpasya akong lisanin ang room. Ano namang gagawin ko dun diba? Aalamin ko na lang sa labas kung wala ngang pasok, o kaya hahanapin ko kahit isa man lang sa mga kaklase ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng room ang narinig kong may nag-twitch.

Ilang sandali nakita ko na lang na basa ang katawan ko ng tubig. Hindi lang basta tubig dahil may kasama itong tipak-tipak ng yelo.

Ice bucket!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napapikit sa lamig. Now I'm soaking wet. Saan nanggaling ito?!

Tumingin ako sa ulunan ko, at ayun. May timba na nakataob, wala ng laman kasi nga natapon na sakin. Kung paano nangyaring nabuhos iyon sa akin? Ayoko nang alamin. Baka lalo lang sumakit ang ulo ko.

Hindi pa iyon tapos dahil narinig ko ang mapanuyang pagtawa ng mga kaklase ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng room namin at may nakita akong screen malapit sa table. Nandun sila lahat sa screen, ang hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. May camera rin sa tabi ng screen.

Nandoon silang lahat, including Hyper. Na ngayon ay awang-awa ang hitsura at parang walang magawa para tulungan ako. Okay lang ako, friend. Mula pagkabata ko naranasan ko na 'to kaya wala lang 'to sakin.

My Territorial QueenWhere stories live. Discover now