EPILOGUE

26.8K 585 103
                                    


*****

Tapos na talaga mga besh. I can't believe na makakaabot pala sa epilogue 'tong story na 'to. Haha.

*****

"Ito, bagay ba sa 'kin? How about this one? O mas maganda ba 'tong red?" Tanong ni Peach habang sinusukat sa kanyang katawan ang mga kinuhang damit.

"Um..." Humawak sa kanyang baba si Titanium na tila nag-iisip. "Kunin na lang natin lahat." At wala nang nagawa si Peach nang hablutin lahat ni Titanium ang mga damit.

Naglalakwatsa sila ngayon sa mga malls at stores ng Canada. Sembreak kasi at napagpasyahan ni Peach na i-spend ang isang linggo dito, at isang linggo sa Pinas.

Hinila ng batang si Siana ang t-shirt ni Peach habang naglalakad sila. Agad siyang lumingon sa bata at lumuhod para magpantay sila. Agad niyang nakita ang naka-pout na labi ng bata.

Tumawa siya ng mahina. "Hungry?"

Tumangu-tango si Siana at hinimas pa ang tiyan niya para ipakitang nagugutom na talaga siya.

"Okay. We will eat after this. Sounds good?"

Tumangu-tango ang bata at nagpabuhat sa kanya. Tumayo siya at humarap na ulit para sundan si Titanium. Ngunit sa kanyang pagharap ay wala na ito.

"Huh? Baka nasa cashier lang." Bulong niya sa sarili.

Pero inikot na niya yata ang buong mall pero wala pa rin siyang mahagilap na higante. Medyo pagod at gutom na rin siya, lalo na at buhat niya pa si Siana.

Naisipan niyang ibaba muna ang bata dahil sa pagod, at umupo sa isang bench. Ngunit hindi pa yata nalapat ang pang-upo niya sa bench ay kumaripas ng takbo si Siana na ikinagulat niya. Napapikit siya ng mariin at bumuga ng hangin.

Ang batang iyon! Gagaya pa kay Titanium!

Agad sinundan ni Peach ang mabibilis na hakbang ni Siana. Kahit hinihingal ay iniingatan niyang huwag maalis sa kanyang paningin ang bata.

"Siana! Baby, stop!" Sigaw niya habang sumisingit sa mga dumaraang tao. Pinagpapawisan na ang noo niya. Buti na lang at malamig ang klima. Nakalabas na sila sa mall pero hindi pa rin tumitigil sa pagkaripas ang nakababatang kapatid.

Nagtaka siya kung bakit may kumpulan sa gitna ng kalsada, pero hindi na niya iyon binigyan ng pansin at sinundan si Siana na sumingit sa kumpulan. Kinabahan siya at baka kung mapaano ito kaya pilit siyang sumingit sa kumpulan. Nang makapasok sa loob ay napahawak siya sa magkabilang tuhod habang hinahabol ang hininga.

Tumayo ulit siya ng tuwid at napaatras ng kaunti nang makita ang babaeng kanina niya pa hinahanap. Nakaluhod siya sa gitna ng mga tao, nakatitig sa kanya, at higit sa lahat...








May hawak na maliit na box sa kanyang kamay.








Ngumiti ng nakakaloko si Titanium at siya naman ay napasinghap nang buksan na ang maliit na pulang kahon, upang i-reveal ang isang kumikinang na silver ring.














"Be mine forever." Sambit nito at kumagat sa loob ng kanyang pisngi na tila kinakabahan. Na ikinatawa ni Peach ng kaunti sa loob-loob niya. Ang cute kasi!













Nagkantwayan ang nasa paligid. Paulit-ulit na binibigkas ang mga salitang, "Say yes! Say yes!"

Pero para kay Peach, si Titanium lang ang nasa paningin niya ngayon. Sa isip, puso, at buong pagkatao niya. Hinding-hindi siya mag-aalangan sa babaeng minahal niya, mahal na mahal niya, at mamahalin pa sa paglipas ng panahon.


















"I'm yours." Sagot niya.


















Nagpalakpakan ang mga nasa paligid, kahit ang mag-asawang si DJ at Aleck ay nanonood din pala, kasa-kasama ang nahagikgik na si Siana. Mukhang plinano talaga ang lahat ng ito. Kahit korni, kinikilig pa rin si Peach. Hindi niya ma-explain kung gaano siya kasaya ngayon, at kung gaano niya kamahal si Titanium.

Tumayo si Titanium at isinuot ang singsing sa daliri ni Peach, at siyempre, fit na fit ito sa daliri niya. Iyon bang parang ginawa ito para sa kanya. Cliché man pero siguro ganun talaga, e.

Nagtama ang tingin nilang dalawa at nagsimulang maghiyawan sa paligid. Kitang-kita ang pagmamahal sa pagitan nila, kaya wala na silang sinayang na panahon.

They kissed each other passionately in front of the crowd. Nagsi-kislapan ang mga flash ng camera sa paligid habang patuloy pa rin ang mga cheers nila. Napangiti silang dalawa. Humiwalay muna sila para kumuha ng hangin at kapwa nagdikit ang mga noo nilang dalawa.

"Mahal na mahal kita, Titanium." Buong pagmamahal na sambit ni Peach.

"Mas mahal, na mahal, na mahal, na mahal, na mahal..." Napahagikgik si Peach dahil dito. "...na mahal! Na mahal! Na mahal kita, Peach Maureen Soriano-Hashford! You're mine! And only mine, forever..."



Tenenen~

★MY TERRITORIAL QUEEN★


So, yea. Dito na talaga nagtatapos ang lahat. And I've made up my mind na hindi ko na siya gagawan ng Book 2 or Sequel. Hanggang dito na lang talaga ang TitaniumxMaureen loveteam. Ayoko na silang bigyan ng problema susko! Siguro kung gagawa pa ulit ako ng story, baka mga anak naman nila. Siguro lang.

THANK YOU! Thank you po sa lahat ng nagbasa, nagkomento, at sumubaybay sa istorya nilang dalawa. Mahigit isang taon rin bago ko siya natapos, patunay lang na napakatamad kong mag-update. Haha. Dedicated po ito sa lahat ng reader ko, kahit nabawasan siya ng 90% ay masaya pa rin ako. Hindi man ito ang pinaka-best story sa lahat, masasabi kong isa 'to sa mga hindi ko malilimutan. First ever completed novel ko 'to! Sa wakas, mailalagay ko na rin na completed siya. I'm so happy. Sana kayo rin masaya kayo sa pagtatapos ng story na 'to kahit medyo korni siya. (Si Titanium lang naman ang korni porke inlab tss.)

Pero ayun! Siguro i-eedit ko rin 'to mula prologue dahil isip-bata days pa ako nun at napakaraming ka-jeje-han. And once again, thank you very much. Pinasaya niyo ako. :)

My Territorial Queen, signing off...

My Territorial QueenWhere stories live. Discover now