Chapter 10

1.2K 53 14
                                    

Nicole POV

Araw araw na lang ba na ang sama na agad ng gising mo? Ikaw ba naman na mangyari sayo iyon.

Oo nga, hindi kami. Walang kami. Oa na kung o.a pero nasasaktan talaga ako. Ngayon ay araw ng lunes, at ngayong araw din ito na ilalaunch yung album nila sa mini concert nila para sa mga fans nila.

Pupunta ako para manood, susuporta ako sa kanila, hahangaan at hinahangaan ko sila. Gagawin ko yun dahil kaibigan ko sila. Mahal ko sila, iba nga lang ang pagmamahal ko sa isa.

I'll do this always, just for them. At ayoko na ako ang maging hadlang sa friendship nila kung magiinarte ako. Wala namang KAMI kaya magpapakamature ako.

Hindi naman kasi ako yung tipong, hindi mo sila papansinin, ayaw mo silang makita kasi andun yung dahilan kung bakit ka nagkakaganun.

Ayoko naman ng ganun, ang panget lang hehe:D So, right now maliligo na ako kasi didiretso muna ako sa boutique ko at may aasikasuhin pa ako dun.

After that, pupuntahan ko naman si Kath para sabay na kaming pupunta sa venue kung saan sila magcoconcert.

Excited na akong makita sila muling kumanta. Talaga namang iba ang feeling kapag naririnig mo ang kanilang napakagandang boses at kanta.

Mafefeel mo talaga. Kaya hindi ko ito palalagpasin even if may nakakaasiwang tignan. Maliligo muna ako.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ethan POV

Hey, yow guys! I'm Ethan Sandoval the most gorgeous man in the world hehe(-_-)// Huwag niyong sasabihin sa mga kasama kong bugok ha? Di kasi nila alam na ako ang pinakagwapo sa aming apat.

Anyway, andito na kami sa venue ng aming mini concert at sa launch ng new album namin. Nasa iisang dressing room lang kami kaya eto may kanya kanya kaming ginagawa.

Si Chase natutulog muna para may lakas daw siya para mamaya. Si Liam naman may kung anong ginagawa sa kanyang cellphone at si Mysterious boy Damon missing in action.

May idea ako kung asan siya. Kasama lang naman niya yung kanyang oh so sexy na fiancee pero wag niyong sasabihin ang sinabi ko ha, magagalit kasi si Prinsesa Nicole, iba pa naman magalit yun.

And lastly ako syempre, ang ginagawa ko heto nagpapansin sa inyo hihi:D Wala kasi akong magawa eh, ang boring wala akong makausap.

Nakatunganga nga lang ako ilang oras na. Ang tagal naman kasi ni prinsesa, buti pa yun nagkakaintindihan kami, minsan nga lang.

Haaay... Matutulog na nga lang ako. Sa susunod ulit guys! The most gorgeous man in the world will shall return:D

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nicole POV

Tapos na ang trabaho ko dito sa boutique kaya didiretso na ako sa RestoBar ni Kath. Excited ko na silang makita ulit at mapanood kumanta. Especially when they are performing at the stage and singing with they're  heart. Just so beautiful!

Habang nagdadrive ako papunta kay Kath nagpapatugtog ako ng song na kanta ng apat kong bugok. Kaya narerelax ako.

Andito na ako sa harap ng kanyang RestoBar. Habang papasok ako naghuhum pa ako ng kanta na pinapatugtog ko kanina. NapapaLss kasi ako.

"Hey kath!" tawag ko kay pusa, nakita ko kasi siya dun sa table na inuukopa niya lagi. Dumiretso ako dun.

"Uy! Teka tapusin ko lang to tas diretso na tayo dun". Sabi niya habang busy na nagtitipa sa kanyang laptop. Siguro nagsesearch na naman yan ng iba't ibang putahe para pandagdag dito sa RestoBar niya.

"Take your time pusa, di pa naman tayo late". Sabi ko sa kanya sabay upo sa harapan niya.

"Teka papakuhanan kita ng makakain mo" sabi niya sabay tawag sa isa niyang waiter.

"Seryoso natin ngayon ha" biro ko, pano ba naman ang seryoseryoso niya.

"Pagkatapos ko dito kukulitin kita at hinding hindi kita titigilan, just wait bwahahaha!!!" grabe naman itong babaeng ito kung makatawa parang mangkukulam.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author Note: Sorry guys, eto lang nakayanan ko. Walang masyadong conversation. Bawi ako next time. Busy po kasi ako. Thank you for understanding:) Please continue following me and vote. Comment din kayo kung okay lang ba story ko, thanks:) Next time ulit, ciao.

Lirpamae

I am the Princess of the Four Bad Boys(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon