Kabanata 10

428 15 9
                                    

Another Casanova Story

written: Purple Raindrops

October 22, 2013

K a b a n a t a 10

" Kanina ka pa ba diyan? " naalangan kong tanong sa kanya habang mahigpit kong hawak ang cellphone ko. Narinig ko pang nagsalita si Nate doon pero hindi ko na inabala ang sarili ko na kausapin siya lalo na at kaharap ko si Brent ngayon. Mamaya ko na lang siya kakausapin at hihingi ng pasensya dahil binabaan ko siya.

Humakbang siya ng ilang ulit kaya bahagya na siyang malapit sa akin. " Ano ngayon kung kanina pa ako dito? May ayaw ka bang iparinig sa akin kaya gulat na gulat kang narito pala ako sa likod mo. "

Umiling ako bago sumagot. " Wala naman. N-Nabigla lang ako. "

Hindi ko siya gaanong nakikita nitong huling araw kaya naman, namiss ko ng kaunti ang presensya nya. Yung ngiti niya. His husky voice. At yung mga mata niya saka.. ang mga labi nito. Err. My innocent eyes.

" Wala naman pala e. " inilagay nya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon niya saka ngumiwi. " Nung una, si Luke. Ngayon, si Nate na din Ilan na ba ang nanliligaw sa'yo? Ha? " seryoso ang mukha nya pero kung magtanong sa akin para akong may ginawang krimen.

" Ano naman sa'yo kung manligaw sila sa akin? Big deal ba yun? " lagi na lang siyang ganyan. Umaaktong parang sa kanya ako kahit hindi naman. Lagi siyang hindi ko maintindihan. Magulo at malabo. Hindi ko kasi ma-point out ang mga pinupunto niya. Kung para saan.. Kung ano ba talaga yun. Sobra sobra na ang pagkainis ko sa kanya.

Natigilan siya sa aking sinabi at tiningnan ako ng matagal. Ano ba ang dapat kong isipin kapag ganito siya? Matuwa? Tsk.

" I don't know. Siguro. Ewan! Basta. Ayokong mawalan ka ng oras sa akin. Nawawalan ako ng puwang sa'yo. " sinabutan nya ang kanyang sariling buhok at nakikita kong naiinis siya. Para saan? Para saan ba talaga yun? Yung iniisip ko ba? O nagkakamali lang ako ng inaakala.

" Huh? Ano ang gusto mong palabasin? Na dapat sa'yo lang umikot ang mundo ko dahil bestfriend kita? At ikaw lang ang may karapatang sumaya sa mga flings mo? You're just unfair, Brent. " eto na naman ako. Minsan, hindi ko na mapigilang mainis at iparamdam sa kanya na galit ako sa ginagawa nya sa mga babae. Sa akin. Yung ginagawa nyang lituhin ako.

" Unfair? I am just protecting you. Inaalala kita kasi bestfriend kita! " mariin nyang sabi sa akin. Bawat bigkas nya nito ay talagang may diin.

" Inaalala kasi bestfriend mo ako? O natatakot ka lang na sa akin mapunta ang karma mo? At selfish ka! " tumaas na ang boses ko. Mabuti na lang, wala ng gaanong tao doon dahil agaw eksena kami kapag nagkataon.

" Maaring tama ka, Hanna pero totoong inaalala kita kasi mahalaga ka sa akin. Ayaw kong masaktan ka. I know boys dahil lalaki din ako. " tumaas ang kilay ko at tumawa. Tawang nakakasuya.

" Nagpapatawa ka, Brent. Wag mo ngang igaya sina Nate at Luke sa'yo. Kung sa inyong tatlo, mas may tiwala ako sa kanila kesa sa'yo. Mas matino silang lalaki kesa sa'yo, Brent. Playboy ka. Playboy. Kaya ano ang alam mo sa sakit na sinasabi mo. Tss! "

Nagulat ako nung naglakad siya palapit sa akin kaya naman napaatras ako. Panay ang atras ko habang patuloy din siya sa paglalakad. Natalisod pa ako dahil hindi ko nakitang may bato pala roon. Napatigil na lang ako sa pag-atras nung napasandal na ako sa pader. Napakit ako nung pinadikit niya sa pader ang palad niya sa magkabilang gilid ng katawan ko. I gasped.

" Hindi mo ako maiintindihan.. kahit kelan. " napariin pa lalo ang pagpikit ko nung maramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. " Porke playboy, wala ng alam? You have no idea kahit bestfriend mo pa ako. You see me always as playboy, not your bestfriend. Yun ang totoo! "

" Ofcourse not! Paano ko maiintindihan kung hindi mo naman sinasabi sa akin? Bakit ka ba ganyan? Ang labo mo kausap! "

" 'coz i care for you. " because i am your bestfriend. Shit. Bakit ko pa ba yun tinatanong kahit obvious naman? I make things complicated, i make my self hurt even though i know already the reason. Gumagawa ako ng dahilan, excuses para yung nararamdaman ko sa kanya ay may kapalit pero wala naman talaga. Ako yung dahilan kung bakit umaasa ako.. Parang tanga lang!

" Yeah, i know. Sorry, nagtanong pa ako. " nagmulat ako ng mata at kitang kita ko ang pagtitig niya sa akin. Yung tipong nakakalusaw. Eto na naman yung epekto nya sa akin. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Pero pinipigilan kong mapadausdos.

Kita ko ang hirap niya sa paghinga. Yumuko siya ng konti.

" Never mind. Wag mo na lang pansinin ang mga sinabi ko. " umayos siya ng tayo at tinanggal ang mga palad sa pader. Tinalikuran nya ako. Naulit na naman. Ganito siya e. Malabo. Magulo.

" Brent.. Bakit ganyan ka? Tinatalikuran mo na lang ako palagi at sinasabing 'never mind'. " tumigil siya sa paglalakad at inilagay ang dalawang kamay sa ulo ngunit hindi siya humarap sa akin.

" Dahil.. "

" Dahil ano? " napamura na lang ako nung hindi nya dinugtungan iyon at tuluyan akong iniwan doon.

Napabuntong hininga na lang ako at nagtuloy sa paglalakad na parang walang nangyari kahit nanghihina pa ang tuhod ko dahil sa paglapit nya sa akin. Sabi ko, ititigil ko na 'tong nararamdaman ko kay Brent at ibaling sa iba pero heto ako.. lumapit lang siya sa akin, nagugulo na ang sistema ko. Nanghihina ako at kumakabog ng mabilis ang puso ko.

Sumunod na araw, hindi ko na naman nakita si Brent. Pero mas okay na yun kesa nakikita ko siya. Hay! Mahirap kasing nakikita ko siya, parang nawawala ako sa sarili ko at nakakalimutan ang mga sinabi ko na dapat hindi na.. tama na.

Napatalon ako sa pagkakaupo sa isang bench nang may dumapo sa mukha ko na isang pulang rosas. Humalakhak pa ang taong humahawak nun. Inirapan ko siya at kunwaring naiinis na tinanggap iyon. Panay ang tawa nya hanggang sa maupo siya sa tabi ko.

" Ang lalim ng iniisip mo ah? May problema ba? " sambit ni Nate ng nakangisi. Umiling ako at ngumisi din.

" Wala naman. Nagmumuni muni lang ako dito habang hinihintay ko si Lulu. " bahagya siyang tumango saka inakbayan ako dahilan para mapasinghap ako.

Inamoy amoy ko ang rosas para mawala ang pagkatense ko sa presensya niya. Hindi ko lubos maisip na darating ang panahong magugulo ang nararamdaman ko kina Nate, Luke at Brent. Dati, akala ko kay Brent lang ako magkakaganito.

" Hanna, let's date! " sinulyapan ko siya ng pagtatakang reaksyon. Napaurong pa ako sa kinauupuan ko.

" Ha? "

" Sabi ko, magdate tayo! Normal naman yun sa nagliligawan, di ba? Bakit? Hindi mo pa ba yun nararanasan? " he smiled at me mischievously.

Hiyang ngumiti ako, " Hmmm. Oo e. No one invites me in a date. " kung nung sa mall kami nina Nate dati. Hindi naman yata date yun. Ang alam ko, pag date romantic eh. Eh sa nangyari noon parang gate crasher si Brent sa getting to know each other namin ni Luke e. Gosh! Pag nag-alala ko yun, nahihiya ako sa ginawa ni Brent.

" Okay. That's great! Ako ang unang makakadate mo. Bawal ang humindi ha? " napa-Oh ako dahil hindi naman ako umoo sa kanya.

" Teka? Sandali, hindi pa ako umoo. Loko 'to! " tumayo pa 'to at sumigaw kaya may ilang estudyanteng napatingin sa amin. " Uyy, stop it! Wag kang sumigaw dyan, Nate. Nakakahiya! Ano ka ba! "

" Basta sa linggo ha? Itetext na lang kita. By the way, kelangan ko na rin umalis kasi may date kami ng mama ko ngayon eh. " i stunned when he kiss me in the cheek saying goodbye. Wala sa sariling hinawakan ko yun habang tinatanaw si Nate na kumakaway sa akin palayo.

Ibang klase 'tong si Nate. Ang bilis! Tama bang halikan ako sa pisngi? Tss. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at inamoy ulit ang rose na binigay nya.

Niyaya niya akong magdate. Medyo nakakaexcite.

Itutuloy..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Another Casanova StoryWhere stories live. Discover now