Chapter Fourteen

22.9K 857 54
                                    


Chapter Fourteen

Eisley and I have grown closer, and I honestly don't know what to feel. I'm not even sure if we still act like friends. We don't act like we're in a relationship. Definitely. Actually, more of mag kapatid. Sobrang kadiri, by the way. Anyway, we've been comfortable with each other.

We share the same glass of water, normal lang din sa'min makita ang isa't isa na magulo ang buhok, may muta, tumutulong sipon, at kung anu-ano pa. In fact, isang beses, inalis ko yung muta niya. Siya rin yung nag-alis ng muta ko. Si Mommy Sexy, nagugulat na sa closeness namin dalawa.

One time, nagpa-plano kami mag movie marathon over dinner dahil gusto ko siya maging ganap na tao (FYI, he enjoys watching movies... with me. I caught him watching alone, but he ended up sleeping). I was talking and laughing until I choked. 

Hindi namin alam lahat gagawin namin dahil hindi na talaga ako makahinga. Tried to drink water, but it didn't work. Eisley goodled the first aid treatment for choking immediately. He stood up behind me, putting his arms around me. Nagpapanic kaming lahat. Naiiyak na ako at namumula. He gave me back blows and abdominal thrusts.

When I could finally breathe, we were both panting. He was still behind me, his arms wrapped around my waist.

Mommy Sexy just stared at us blankly, maybe wondering kung kailan pa kami naging ganoon ka-comfortable sa isa't isa. 

Kahit hindi kami magkita ng ilaw araw dahil sa work, walang nagbabago pag nagkikita kami. These past few weeks, natatakot pa rin kami. Isang beses, dumalaw si Mommy Sexy sa bahay nila. Napagawa naman na niya yung mga nasira, pero ayoko silang pabalikin. Masyadong delikado.

Titingnan lang sana ni Mommy Sexy yung bahay nila, pero sa entrance ng restaurant, may mga patay na pusa at daga. Wala tuloy ginagawa ngayon si Mommy Sexy. Buti na lang, dinadalaw siya ni Tita Berna sa condo.

Iniisip na nga nilang bumalik sa Manila. Iniisip na rin nilang pirmahan na lang yung lot na gustong ibenta ng asawa ni Mommy Sexy sa presence ng attorney at mga pulis tapos gagawa na lang ng agreement, pero hindi pa sila sure. Wala pa silang fixed plans.

And, yes. Dahil sa properties nila kaya nagkakaganun yung daddy ni Eisley. Actually, 'yun lang ang alam ko. There's more, but I don't want to talk about it. Alam ko kasi yung feeling na kailangan mong mag kwento at isipin yung nakaraan. I don't want to torture them by asking what had happened.

Hindi ko nga alam minsan, pero pakiramdam ko, may sumusunod sa akin. Isang beses naman, may lumapit na sa'kin. Buti na lang, nakasakay agad ako ng taxi. Simula nun, araw-araw na akong gumagamit ng Grab para hindi ko na rin kailangan mag-abang ng taxi. Nakakaparanoid talaga. Paano pa kaya sila Mommy Sexy at Eisley? Creepy.

Although all of us are scared, we pretend everything's okay. In fact, they have met my high school friends and blockmates. Eisley remembers our high school batchmates, but they don't know their names.

Yung block mates ko naman, kilala siya. Hindi ko naman siya kinikwento sa kanila. Pag tinatanong lang nila kung sino first love ko, siya ang sinasagot ko. Kilala nila si Eisley, pero hindi sila kilala ni Eisley.

Tinanong pa niya ako kung bakit nila siya kilala.

"Ano sa tingin mo?" tawang tawang tanong ko.

"Tyrese." He's sick of people knowing him.

I raise my hands, giving him a fake surrender. "Fine. Sorry, sorry. I'll stop. Last na talaga."

"Sometimes, it's hard to believe you."

Tinawanan ko lang siya. "You're smarter than I thought."

Sinama ko siya sa party ng block mates ko kasi last night naman na nila. Sabi niya, kailangan niya lang mag CR, pero ang bastos lang dahil iniwan na niya ako. When I asked why he left the next day without even telling me, he found the music and people too loud and he wasn't comfortable.

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon