EKSENA 8 - Araw ng Eleksyon

3.6K 15 0
                                    

(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo)

Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahaynatin atbantayan mo muna ang iyong mga kapatid para makaboto kami.

Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya.

Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto.(Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen,ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.) (Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, kelangang hanapin sa

Registerd voter’s list 

ang pangalan ng kanyang mga magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang kaniyang ama)

(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.)

Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?

Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA.

MANOROWhere stories live. Discover now