Chapter 5: We meet again

12.9K 226 3
                                    


I just want to thank @Lovealexx22 highly appreciated.
Enjoy this chapter. Mwa.

.........................................................
Racky's POV

LINGGO ngayon at wala akong pasok. Makakapagpahinga ako ng mabuti. Hayy buti naman. Nakahiga ako sa sofa namin ng Bumaba si kuya ng may ngiti sa labi.

"Aba ngiting ngiti naman ang binata ko ah" bati ni mama kay kuya

"May girlfriend na yan ma" sabi ko sabay tawa.

"Hindi nga anak?" tanong ni mama kay kuya

"Oo may girlfriend ako. Dalawa nga e." tatawa-tawang sagot ni kuya

"Aba't? Kanino mo natutunan yan?" sabi ni mama with matching taas kilay

"Gusto nyo makilala? Yung isa ang Pangalan Maria Sarmiento at yung isa Angelica Raquel Montero" sabay upo sa may sofa.

"Sus. Haha" napatawa si mama dahil kaming dalawa yun ni mama. Sarmiento ang apelyido ni mama dahil yon ang apelyido ng asawa nya dati ako naman montero dahil apelyido yun ni mama nung pagkadalaga.

"O sya kain na tayo" tumayo kami ni kuya at pumunta sa kusina.

"Ay oo nga pala kapatid mayroon kaming dinner mamaya. Yung mga head ng bawat department ang invited with the CEO, kailangan ng date. Since wala akong girlfriend ikaw na lang bunso."

"Ha? Talaga ako? Sige sige kuya anong isusuot ko?"

"Nabilhan na kita kagabi."

"Wait titignan ko nasaan?"

"Kumain ka muna mamaya ko na ibibigay sayo."

TINITIGNAN ko ang repleksyon ko ngayon sa salamin. I'm wearing a black gown. Tube top to fitted na may mahabang slit sa gilid and match it with a gold clutch. Inilagay ko sa gilid ang lahat ng buhok at lalo kong kinulot ang dulo nito. Bumaba na ako at nakita ko si kuya na naka-coat and tie.
"Ang ganda at gwapo naman talaga ng mga anak ko"

"Syempre ma. Kanino ba kami magmamana?" saad ni kuya.

"Aba syempre sakin."

"Sige ma. Alis na kami malelate na kami tagal mag ayos nitong si Racky e." sabay tingin ng masama sakin nag peace sign lang ako.

NASA main entrance na kami ng isang 5 star hotel na sinabi ni kuya na pagmamay-ari din raw ng Franco Group of Companies. Ang CEO daw ay si Drake Luis Franco, 23 years old, at his age ay isa na ang kompanya nila sa mga leading companies in Asia.
Isa din sya sa mga nakapasok sa Forbes magazine na riches entreprenuers. Madami daw itong negosyo at magaling maghandle ng lahat. Matapang at malupit daw ito sa mga taong di inaayos ang trabaho pero mabuti naman daw ito makitungo pag inaayos mo ang trabaho mo.

"Hay nako racky late na tayo, nakakahiya kay Sir Drake" halos kaladkarin na ako ni kuya para makapunta sa hall na pinagdadausan ng dinner.

Pagpasok namin ay may isang lalaki doon na sisigaw para ipakilala ang mga guest, pag kita ko ang daming tao ang mga nakaupo sa mga round table at may table sa harap na mahaba at may mga nakaupo don. At feeling ko yun yung may ari at yung iba pang matataas sa kompanya pero yung nasa gitna ay parang pamilyar sa akin.

"Mr. Miguel Sarmiento, head of finance Management with his date Ms. Angelica Raquel Montero" sigaw nung lalaki. Pinapunta nya kami sa table 9. Napansin kong malapit yon sa mahabang table na inuupuan ng mga may ari. Naglakad kami patungo don at naiilang talaga ako ng sobra dahil lahat ay nakatingin sa amin habang naglalakad sa red carpet papunta sa table, buti na lang at marunong akong magmodel para magmukang confident at nagpapasalamat ako dahil natawid ko ang mahabang lakarin na yon.

The Ruthless Falls (COMPLETE AND EDITING)Where stories live. Discover now