CHAPTER TEN

2.9K 82 35
                                    

CHAPTER TEN



KITANG kita ni Doniella kung gaano na disappoint sakanya si Wazel kanina noong pinaalis na naman niya ito. Hindi niya alam kung ilang beses na ba niyang itinaboy ng asawa. Gusto man niya itong patawarin pero sa tuwing naaalala niya ang pagkawala ng kanilang magiging anak, mas nangingibabaw ang kanyang galit.

"Anak?"

Mga katok sa pinto ang nagpabalikwas sakanya mula sa pagkakahiga. Pinunasan muna niya ang kaniyang mukha. Ayaw niyang makita nanaman siya ng kanyang ina na umiiyak. Halos gabi gabi na rin kasi siyang nakayakap sa unan at palihim na ibinubuhos ang masasakit na nangyayari sa kanyang buhay.

Bakit ba siya pinaparusahan? Hindi ba siya mahal ng Diyos?

"Nay," aniya at binuksan ang pintuan. May pag aalala sa mukha ng ina.

"Umiyak ka nanaman ano?" tanong ng ina at deretso itong pumasok sa maliit niyang silid.

Dati ay kubo kubo lamang ang bahay nila. Pero nang magkaroon ng trabaho ang dalawang ate niya, naipa-renovate na nila ang bahay. Hindi man malaki, pero sapat na iyon para magkasya sila. Three-bedrooms bungalow house ang ipinatayo ng dalawang ate para sa kanila.

Malapit sa Sanctuario Eco De Morrison ang kanilang bahay, dito nga siya lumaki at sa farm ng mga Morrison nga niya unang nakita ang binatilyong si Wazel Blake Morrison na asawa na niya ngayon.

"Hindi nay," pagsisinungaling niya.

"Anak, hindi mo na ba talaga kayang ayusin ang pagsasama niyo ni Wazel?" Napabuntong hininga siya sa tanong ng ina. Ano ba ang kasagutan niya para doon? Hahayaan na lamang ba talaga niyang mabalot ng galit ang puso niya? "Mag-asawa kayo, hindi lang basta magka-relasyon."

"H-hindi ko po alam nay," umupo siya sa kama at napayuko. Naramdaman naman niyang umupo sa kanyang tabi ang ina at naramdaman ang palad nito sa palad niya.

"Anak, huwag mo masyadong tigasan ang puso mo sa iyong asawa." Saad ng kanyang ina. Tumingin siya ng deretso sa mga mata nito. Nakikita niya ang kalungkutan ng ina para sakanya. Gaya niya ay tila nahihirapan rin ito. "Mag-asawa kayo, anak. Kailangan niyong mag-usap."

"Pero niloko niya ako nay. Naghanap siya ng iba at may anak na pala siya doon sa ex-girlfriend niya. Paano ko po siya mapapatawad nay? Pangalawang beses na rin akong nawalan ng anak! Hindi niyo kasi ako naiintindihan eh!" Tuluyang bumuhos ang mga luha niya. Hindi naman umimik ang kaharap, bagkus, niyakap siya nito.

Sa yakap ng ina, parang hinahaplos ang kanyang puso. Para bang unti-unting natatanggal ang mga tinik na nakabaon sa puso niyang nasasaktan. Ilang araw na ba siyang nagsolo sa problema? Ilang araw na ba siyang hindi makakain ng tama? Ilang araw na ba niyang hindi kinikibo ang ama't ina dahil sa galit?

"Ang sakit sakit kasi nay!" Hagulgol niya. Para siyang batang inaway ng kalaro at nagsusumbong sa ina. "Mahal na mahal ko ang asawa ko, pero bakit niya ako niloko?"

"Hindi mo pa napapakinggan ang buong pangyayari mula sa asawa mo, anak. Kailangan niyong mag usap." Saad nito. Hindi siya sumagot.

Masakit ang puso niya. Nagluluksa. Tila nawalan siya ng buhay, nawalan ng gana ang puso niya sa pagtibok. Pero kahit ganon, ramdam niya pa rin sa kasuluksulukan ng puso niya na may natitira pa siyang pagmamahal sa kanyang asawa. Masakit man, pero mahal niya pa rin ito.

"P-pakiramdam ko nay, nasira na ang relasyon namin ni Wazel. P-parang hindi ko na kayang ibigay sakanya ang tiwala na ibinigay ko sakanya noon." Iyak pa niya. Magkayakap pa rin sila at hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Sa tuwing naalala ko ang araw na nawala ang baby ko dahil kay Wazel, parang gusto ko nalang mamatay, nay."

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now