~Chapter 29.2: U.B.E (Ultimate Barkada Experience) Part 3

13.5K 162 17
                                    

 Umm. baka po paghiwalayin ko ung mga first day, second day, third day nila sa Bora. ung lang po :)) 

____________________________________

Chapter 29.2: U.B.E (Ultimate Barkada Experience) Part 3

KATHRYN

"Kath, okay ka lang ba??" Nag-aalalang tanong nina Ate Louise sa akin. 

"Chokay lang, teh. Di naman niya ako gaanong nasaktan kanina." 

"Nasaktan??! Sinaktan ka niya?! Agh! Pesteng babae yan! NAKU!!!" Nagagalit na sabi ni Mara. 

"Kath... Sorry.." Mahinang sabi ni Dj. 

"Sorry? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong. Bakit naman kasi siya nagsosorry? 

"Dahil ako yung dahilan kung bakit nangyari toh sa'yo. Baka sabihin mo na wala akong kwentang boyfriend." Tinitigan ko siya sa mata.

 "Ano ka ba, Dj? It's not your fault. And, you saved me. Sapat na yun para masabi na you are the greatest boyfriend I ever had." Okay. Cheesy na. Haha. Ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit, letting me feel that I'm protected in his arms. 

"Hindi ko yata makakaya kung anong mangyayari sa akin kung may nangyaring hindi maganda sa'yo." he said between his hugs. 

"I'm fine, Pottie.. Wala ka ng dapat ikaalala." Bulong ko sa kanya. Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin and he kissed me in the forehead. 

"I love you, 'Ba. And I can't live without you." I blushed. 

"Ehem! May tao pa po ito.." Kats. Haha. Panira talaga kahit kailan tong mga toh eh! 

"Oo nga oh. Pati sila Chief nilalanggam na sa inyo eh." Ate Yen. 

"Tsk." Dj. Ngumiti na lang ako. 

"Nga pala, kayo ba ang may pakana na pumunta ako sa garden?" Tanong ko. Nakakaconfuse eh. Weird kasi nila kanina pa. 

"Ay oo nga pala yung surprise!" Sigaw ni Kats. Bigla namang tinakpan nila JC ung bibig ni Kats. 

"Anbayan! Sinabi pa! Itutuloy na nga sana natin ngayon oh!" Kiray. 

"Daldal mo talaga kahit kailan, Kats." Miles. 

"Oh siya, lil bro, magprepare na kayo dun sa garden at kami na bahalang magretouch dito kay Kath." ate Louise. Sus! Yun naman pala eh. May surprise. Hay naku! Ang dami talagang surpresa nitong si Dj. 

Nagnod na lang sila Dj at bago umalis ay nagpaalam muna sa akin. Siyempre, di na niya ako hinalikan sa noo dahil nga baka magreact na naman tong mga toh. Haha. Pagkatapos nun, umakyat na kami sa room namin. 

"Kath, bwiset talaga un!" Miles. 

"Naku, pabayaan niyo na lang siya, Miles. at tiyak nasa kulungan na yun ngayon." 

"Di tayo makakasiguro dahil pwede siyang magpiyansa." Kiray. Nga naman pero.. Wala na yun. I know na safe naman ako basta kasama ko si Dj. Hehe. 

When The Good Girl Meets Mr. Bad Boy  (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon