Nakakaiyak! Malapit na matapos itong story... Pero may book 2 pa naman diba? At 3 kung gugustuhin niyo haha XD
_____________________________________________
LESTER
Christmas. Well, maraming taon na rin ang lumipas pero bumabalik pa rin talaga ung sakit. Masaya na sana eh, kaso, ayun, bumabalik pa rin. Bat kasi..... Bat kasi pasko pa niya ako hiniwalayan. Bat di na lang kinabukasan or another day? Pocha naman kasi eh!
Humiga na lang ako sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko. But memories flashed in my mind.
FLASHBACK
5 years ago
Nagmamadali akong tumakbo papasok sa building kung saan nagtratrabaho ang ate ko nang makatanggap na naman ako ng text galing sa kanya.
Fr: Ate Sungits
Message:
Les! Nasan ka na?! Bilisan mo!! Kailangan ko na yang mga papers na yan!!!
Yan, kakalimutan dalhin tapos ako papahirapan para dalhin sa kanya. Tss. Banas lang. Nagmadali akong pumunta sa may mga elevators pero sadyang ang tagal magbukas ng mga ito kaya ayun. pindot lang ako ng pindot. Ugh! Panigurado, galit na yang ate ko. Psh.
*ting*
Finally! May nagbukas na rin na elevator. Agad akong pumasok at kasabay ko sa pagpasok na yun ay isang magandang babae, probably kasing edad ko lang. Tinignan ko siya, parang ang sungit niyang ewan. Basta! Nagsarado na ung door ng elevator. Habang naghihintay ako na makarating sa 14th floor ay nagtext muna ako kay ate.
![](https://img.wattpad.com/cover/6118124-288-k196218.jpg)
YOU ARE READING
When The Good Girl Meets Mr. Bad Boy (KathNiel)
Fanfiction(BOOK 1-COMPLETED/ EDITING) BAD BOY SERIES #1. Meet Kathryn Chandria Bernardo. A 17-year old simple and good girl. What happens if she met a guy whose a playboy, palaaway, masungit and mayabang. Bad boy in short. According to Physics, two opposites...