Chapter Twenty two

2.1K 40 5
                                    

Thomas Pov

Ouch tagos sa puso ko yung sakit ng ginawang panunulak sa akin ni ara para lang hindi ko na masuntok pa si jeron,sabay lapit dito at tanong kung okay lang ba ito kitang kita ko sa kanya kung paano magalala para dito hinawakan pa ni ara yung sugat sa labi nito, ang sakit lang makita yung ganong eksena at ang sakit ding isipin na parang wala syang pakialm sa akin, alam ko ako ang naunang manuntok pero nasaktan din naman ako ah sa ginawang pagganti ng suntok ni jeron bakit hindi manlang nya ako tinanong :((.

Mayamaya pa ay tinulungan ng tumayo ni ara si jeron at inalalayan sa paglalakad papasok ng hotel ako naman eto naiwang mag isa tulalang pinapapanood sila habang palayo ng palayo sa kinatatayuan ko hanggang sa may naramdaman akong umagos na likido mula sa mga mata ko.....nanatili akong nasa ganoong sitwasyon ng mapagisip isip kong mas makakabuti siguro kung hihingi ako ng sorry kay jeron at ara, ayoko na kasing magalit pa sa akin si ara kaya kahit na kainin ko yung pride ko ayos lang basta wag lang magalit sa akin si ara.

Pumasok na rin ako sa may loob ng hotel at nagpunta sa may room nila ara para humingi ng sorry sa mga ito.... huminga muna ako ng malalim bago ko pinidot yung buzzer na nasa may gilid ng pintuan nito.

.....................................

@ Jeron-Ara's room

"Wait lang jeron, kukuha lang ako ng first-aid kit "pagpapaalam ni ara kay jeron bago tumungo sa kinalalagyan ng first-aid kit.

Ilang saglit pa'y bumalik na uli si ara dala ang gamit na pang gagamot sa may sugat at pasa ni jeron. kumuha sa ng bulak at pinatakan ito ng betadine saka marahang idinampi sa may gilid ng putok na labi ni jeron. napa aray naman si jeron ng makaramdam ng kirot mula sa pagkakadampi ng bulak na may betadine sa kanya labi.

"Tss.. dapat lang sayo yan hilig nyo kasing magsuntukan yan tuloy napapala nyo", panenermon ni ara kay jeron habang ginagamot ang sugat nito.

"Hindi naman ako yung unang nanuntok diba si thomas kaya nagumpisa gumanti lang ako", depensa ni jeron sa sarili sabay hawak sa kaliwang kamay ni ara na syang ginagamit nito sa paggagamot ng sugat nya.dahilan ito para mapatigil si ara sa ginagawa at mapatitig sa kamay na hawak ni jeron.

"W-What are you doing?", nagugulan si ara sa ginawang ito ni jeron. tumingin sya sa mga mata nito at pilit binasa kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito ng mga sandaling iyon. 

"Ara paano kung sabihin ko sayong mahal kita, tatanggapin mo ba ako?o iiwasan mo ako at tuluyang lalayo sa akin?", nabigla si ara sa sinabing ito ni jeron para syang inurungan ng dila at hindi kaagad nakasagot sa tanong nito sa kanya..nanatili lang syang nakatitig sa mga mata nito at naghihintay na bawiin nito ang sinabi. hindi naman sya nabigo sa isiping iyon.

*chuckle*"Sorry kung pinakaba kita nagbibiro lang naman ako,masyado ka kasing seryoso jan sa ginagawa mo eh", pagbabawi nito sa naunang sinabi sabay bitaw sa kamay ni ara na hawak hawak nya kanina.parang nakahinga naman ng maluwag si ara sa pangalawang sinabi ni jeron.

"Sira ka talaga, wag mo ng uulitin yun ah, di kasi magandang joke yun okay?", turan ni ara kay jeron sakto naman na tumunog ung buzzer ng hotel room nila kaya tumayo sya at tinunggo ang pintuan...

Pagbukas nya ng pinto ay mukha ni thomas ang bumungad sa kanya, napataas naman kilay nya ng makita nya ito....

"Ano mang -ugulo ka na naman ba kaya sumunod ka pa dito?", ara said in a sacastic tone, then glared at thomas.

"No i came here because i just want to apologize to you and to jeron sa ginawa kong panununtok sa kanya kanina, i'm so sorry hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko yun, but believe me it wasn't my intention to hit him i'm just carried away by my emotion, i hope you'll forgive me on what i've done to jeron" sincere na paghingi ng tawad ni thomas kay ara.

"Hmmm hindi naman ako galit sayo eh, naiinis lang ako kasi bigla ka nalang nanuntok without any particular reason, pero dahil nakita ko naman yung sincerity mo sa paghinggi ng sorry sa akin or should i say kay jeron eh pinapatawad na kita, but it doesn't mean na hindi mo na kailangan na magsorry kay jeron syempre iba yung forgiveness ko sa forgiveness nya", mahabang pahayag ni ara.

"Thanks ara for accepting my apology, and i'll do that later kapag nagkita na kami ni jeron", Thomas.

"Bakit hindi mo pa gawin yan ngayon, anjan lang naman sya sa loob eh ", suhesyon ni ara kay thomas, napaisip naman ito sa suhesyong iyon ni ara.

"Ganun ba, s-sige , pwede na bago akong pumasok?", Thomas.

"Oo naman syempre, pasok na dali baka naiinip na yun si jeron", hila ni ara kay thomas papasok sa loob ng kwarto.

Pagpasok nila doon ay naabutan  nila si jeron na abala sa pag gagamot ng sugat nito sa mukha kaya hindi nito namalayan na andoon na pala sya... kasama si thomas.

"Jeron", pagpupukaw ni ara sa atensyon nito. napatingin naman ito sa kanya at napakunot ang noo ng makita nitong kasama ni ara si thomas.

"What is he doing here?!", hindi makapaniwalang tanong ni jeron kay ara..

"Nagpunta si thomas dito para humingi ng sorry sayo sa nangyari kanina", sabay lapit sa kinalalagyan ni jeron para pakalmahin ito.

"Totoo yun jeron nandito ako para magsorry sa ginawa kong panununtok sayo sa may garden, nabigla lang talaga ako nung nakita kong magkayakap kayo ni ara, sorry bro sana mapatawad mo ko", ani thomas na lumpit pa sa nakaupong si jeron at saka ini-offer ang kanang kamay para makipag handshake. matiim na tumitig lang si jeron sa kamay ni thomas bago nagsalita at tinanggap ang pakikipagkamay sa kanya ni thomas

"Sige na pinapatawad na kita wag mo na sanang uulitin pa yon brad, sakit mo manuntok eh", pagbibiro kunwari ni jeron  para maitago ang pagkainis na nararamdaman pa rin kay thomas.

"Haha, oo promise di ko na uli gagawin yun", plastik na sagot ni thomas .

"Yan bati na kayo. siguro naman pewde ko ng malaman thomas kung bakit ka ba galit na galit ng makita mo kaming magkayakap ni jeron? yung totoo thomas nagseselos ka sa akin?", kunot noong tanong ni ara kay thomas.

"Huh?anong akala mo sa akin bakla? na may gusto jan kay jeron? no way!", manghang sagot ni thomas sa tanong ni ara, 

"Oo ay este bakit hindi ba?", ara said then smirked at thomas.

"Ganun baka gusto mong patunayan ko sayo ngayong hindi ako bakla", ngumiti pa si thomas ng nakakaloko at saka paunti-unting lumalapit sa kinauupuan ni ara, habang si ara naman ay unti-unti umaatras....

ABANGAN............

------------------------------------

Monday na po ako maguupdate, manonood muna po ako bukas ng ggv hahaha...

Vote and Comment :)

Thank you!

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon