Chapter Twenty five: continuation

2K 45 4
                                    

 ............................

Katahimikan pa rin ang nangingibabaw sa pagitan nilang dalawa na tila ba'y walang ni isa sa kanila ang gustong bumasag nito, nanatili pa ring blanko ang pag-iisip ni ara at hindi malaman kung paano ba sasagutin ang katanungan ni thomas sa kanya. hanggang sa naglakas loob uli si thomas na ulitin ang kanyang tanong dito.

"Ara bibigyan mo pa rin ba ako ng chance? kung manliligaw ako sayo uli?", seryosong sabi ni thomas kay ara. nakatitig lamang ito sa kanya ng halos isang minuto bago ito nagsalita..

"Hahahahaha joke ba yun? hahahaha grabe sobrang natawa ako dun ah", pagbibiro kuno nito sa sinabi nya, sya naman ay seryoso pa ring nakatingin kay ara.

"Seryoso ako , kaya wag kang tumawa, totoo yung mga sinabi ko gusto kong ligawan ka ulit at maging tayo uli", sinserong pahayag nito sa kanya.napakunot naman ang noo ni ara.

"Ano na naman bang kalokohan yang pinagsasabi mo ha?!", singhal nya kay thomas at akmang tatayo mula sa kinauupuan nya pero maagap syang hinawakan ni thomas sa may kaliwang braso nya dahilan para mapigilan sya nito sa pagtayo.

"Hindi ako nanloloko ara a-alam kong mahirap paniwalaan yung mga sinasabi ko pero yun yung totoo sa maniwala ka't sa hindi mahal pa rin kita mahal na mahal! walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo, kaya sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance para itama lahat ng mga naging pagkakamali ko sayo", Pagtatapat nito sa kanyang nararamdaman,Marahang kinuha ni thomas ang kanang kamay ni ara at ipinatong ito sa tapat ng kanyang dibdib upang ipadama kay ara ang mabilis na pagtibok nito.

"T-Thomas!", pangalan lamang nito ang tanging nasabi nya dahil sa pagkabigla sa sinabi nito sa kanya.

"I know it's hard for you to trust me again to entrust your heart to me again, but i'm willing to do everything para lang maipakita ko sayo na pinagsisisihan ko na ang mga nagawa ko at mapatunayn sayo na totoo ang pagmamahal na nadarama ko para sayo.",  dagdag pa nitong turan.

Pailing iling na napahawak si ara sa kanyang ulo na tila ba ga'y gulong gulo sa mga sinabi ni thomas sa kanya hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang maramamdaman, matutuwa ba dahil mahal pa rin daw sya nito o maiinis dahil sa mga kabaliwan nitong pinagsasasabi. 

Nakahawak pa rin sya sa magkabilang gilid ng kanyang ulo ng tugunan nya ang sinabi ni thomas,"Hindi ko alam thomas, hindi ko alam kung kakayanin ko pang harapin yung posibilidad na sakit na ibibigay mo sa puso ko kung sakasakaling ipagkakatiwala ko uli ito sayo, ayoko na uling maramdaman pa yun, ang sakit kasi eh ang sakit sakit", mangiyak ngiyak nyang pagkakasabi dito, dahil doon ay tuluyan ng lumapit si thomas sa kanya at niyakap sya nito ng mahigpit.

" I'm sorry kung dahil sa akin natakot ka ng magmahal ulit, i'm sorry kung umiiyak ka ng dahil sa akin ,i'm sorry dahil hindi ko nagawang tuparin yung pangako ko sayo dati na hinding hindi kita sasaktan i'm sorry dahil gago ako, i'm sorry ......", Hindi na rin napigilan pa ni thomas ang pagbagsak ng kanyang mga luha. matiim na tumitig sa kanya si ara  bago uli nagsalita.

"Sige bibigyan kita ng isa pang chance , last chance to prove yourself to me but once na mabigo kang patunayan sa akin ang lahat ng mga sinasabi mo, huwag ka ng umasa pa na bibigyan pa uli kita ng another chance", sabi ni ara na bahagyang tumingala para tumingin sa mga mat ni thomas.namangha naman si thomas sa sinabing ito ni ara.

*Chuckle*" Thank you ara promise hinding hindi mo pagsisisihan ang pagbibigay mo sa akin ng isa pang chance dahil gagawin ko talaga lahat para lang-----", hindi na ito pinatapos pa ni ara.

"Shhhh, gawin mo na lang", ani ara saka hinalikan si thomas sa lips..........

And they'll lived happily ever after......

THE END....

------------------------

Joke lang , sa wakas pumayag na si ara na ligawan sya uli ni thomas ito na ang magandang simula para sa thomara pero magtutuloy tuloy kaya ito, paano si jeron? papayag ba syang magkabalikan ang thomara?sila kiefer at van ba ang mananalo sa pustahan?eh si unknown person ano nga ba ang binabalak nya para makuha si thomas kay ara?...... malalaman natin ang mga sagot sa mga susunod pang update.....

Sorry kung bitin ah , pero bukas promise maguupdate ako ng mahaba haba..... puro kiligs na yun dahil start na ng panliligaw ni thomas kay ara wala munang eepal sa kanilang dalawa.....

Vote and Comment:)

Thank you!

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon