Chapter 15

1.8K 44 2
                                    

UNEXPECTED LOVE
CHAPTER 15
YASSI JHAE POV:


"Bakit kayo magkasama ni Logan?" pagtatanong ni Dawn sa kain, napabuntong hininga naman ako, ano na naman ang iniiisip niya, sigh.

"Sabay lang kaming pumasok—dahil galing ako sa Student Council Room." Sabi ko sakanya, at pinatong na ang bag ko sa upuan.

"Ano ba ang ginagawa mo sa student council, napapansin ko lang—napapadalas ang pagpunta mo 'don. May hindi ka ba sinasabi sa akin Yassi?" napalunok naman ako ng patago. Dang! Papaano 'to, mukhang mabubuking na ako. Huhuhu. Magsasalita na sana ako ngunit may tumawag sa pangalan ko. Hoh! Ligtas.

"Yassi—pinapatawag tayo sa dean" napatingin kami ni Dawn sa harapan namin, at nakita namin si Logan na nakapoker face. Thanks God—nandyan siya. Huehuehue—pero anong sabi niya? Pinapatawag daw kami sa dean? Why?

Napakunot ang nuo ni Dawn habang nakatingin kay Logan. Uh-oh. Tumayo na ako at hinawakan ag kamay ni Logan. Napansin ko naman na nabigla si Logan sa ginawa ko. Humarap naman ako kay Dawn, he's staring at us, dang!

"A-Aalis na kami, Dawn. M-Mamaya nalang hehehe" at hinila ko na papalabas si Logan. Napasandal naman ako sa dingding at hinawakan ang dibdib ko. Ang lakas ng tibok—kabadong-kabado talaga ako. Sigh, Tumingin ako kay Logan na nakapoker face at tumingin siya sa kamay ko. Nabigla naman ako kaya tinanggal ko na ang pagkahawak sa kamay nito.

"Hehehe—thank you sa pagligtas sa akin." Pagpapasalamat ko sakanya, pero no response naman siya. Sigh—ano pang magagawa ko, Malamig talaga siya.

"So—anong sabi mo kanina? Pinapatawag tayo ng dean?" umiling naman siya, "It's just an excuse" nanlaki ang mga mata. Ibig sabihin, hindi totoo yun. Hay—thanks god.

"Salamat naman, akala ko kung ano naman ang ginawa ko" mahinang sambit ko sa sarili ko

"Tara na, nasa loob na si Mam niyan" sabi ko sakanya, pero pinigilan niya ako, napataas naman ang kilay ko.

"May pupuntahan tayo" at hinawakan niya ang braso ko. O-kay?

"P-Pero yung exam..."sambit ko sakanya

"Nagpaexcuse na ako kay mam para sa exam ngayon" at hinila na niya papunta sa parking lot.

"Pero—cutting ang ginagawa natin, Logan" sabi ko sakanya, nakita ko naman na nakangisi siya at nakatingin sa akin

"So? Anong gusto mo bumalik 'don at kausapin ulit ang bestfriend mo?" Wow—'eto na ata ang pinakamahaba na sinabi niya sa akin. Pero bakit feeling ko siya pa ang galit sa tono ng boses niya.? Psh.

Wala na akong magawa kundi ang sumunod sakanya at sumakay sa kotse niya. Bakit ba feeling ko rin, pare-pareho sila ni Lyron? Speaking of Lyron—paano nalang kung hanapin niya ako? Patay ako! Bahala na si Batman huehue.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now