Chapter 21

1.7K 38 2
                                    

UNEXPECTED LOVE
CHAPTER 21
YASSI JHAE POV:

"bakit kayo magkasama ni Logan kahapon?" Lyron suddenly asked me, nagulat naman ako pero napabalik ko naman ang pagkapoker face ko. Wala akong sa mood ngayon. Jgh

"Answer me Yassi, I don't want to repeat my words again..." Matigas na sabi niya

"Wala ka ng pakialam 'don. Kung gusto mo malaman, just ask him. Wala akong mood ngayon para makipag-away sayo" blankong sabi ko sa kanya at inayos na ang pinapaayos na sa akin.

"I am your fiancee for goddamn sake, at kailangan kong malaman 'yun!" He shouted

Hindi na ako magugulat kung may makarinig sa pinag-uusapan namin ngayon, dahil alam kong lalabas din ang balita na fiancee ko si Lyron.

"Just your fiancee. Nothing more, nothing less." Then tumayo na ako

"Sasabay sana ako sayo, pero 'wag na..." Sabi ko sakanya at umalis na sa harapan niya. Ayokong makipagtalo sakanya dahil sa simpleng problema lang. Hindi ako ganon kababaw.

Lumabas na ako at naghintay na ng taxi sa labas ng campus. Ayokong maglakad dahil bilin sakin ng doctor, wag muna akong magpagod.

Ilang minuto ang makalipas, wala pa rin taxi ang dumadaan. Sigh. Napatigil ako sa pag-iisip ng malalim ng makarinig ako ng tunog ng kotse na tumigil sa harapan ko.

Napakunot naman ang nuo ko sa kotse na huminto. Sino naman 'to? Impossible na si Dawn dahil wala naman siyang ganitong klaseng kotse. Si Lyron kaya? Argh, bakit ko ba siya iniisip? Fuck hell.

Bumaba ang bintana ng kotse. Nagulat naman ako kung sino. Bakit siya nandito? Bullshit.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na pagtatanong ko sakanya

"Sinusundo ka, sakay na..." Nakangiting sabi niya sakin. Damn that smile!

"May hinihintay ako, kaya umalis kana Carter"

Andrei Briz Carter is here, infront of me. My first ex boyfriend. Yes, ex. Kakambal siya ni Dawn, pero magkaiba sila ng apelyido. Ginamit kasi ni Dawn ang apelyido ng mama niya habang si Carter ang apelyido ng tatay nilang dalawa.

"Sino naman? Si Lyron ba na sinasabi mo? Mukhang hindi na siya darating" sabi niya sakin

"Tsk, whatever. Mas gugustuhin ko pa na maghintay kaysa sumama sayo"

"Yas..."

"Don't ever call me that, we're not even close. Remember, you left me 2 years ago. Umalis kana, diba 'yun naman ang gusto mong gawin? Ang mang-iwan ng tao sa ere na walang dahilan" sounds bitter? Wala na akong pakialam. Gusto ko lang sabihin sakanya ang gusto kong sabihin kanina pa

"Yas, pag-usapan natin 'to pero 'wag dito" nagtiim-bagang ako

"Yassi is my name. Ayaw mo ba malaman ng ibang tao na iniwan lang ako sa ere na taong minahal ko noon? Ganon ba? Simple lang naman akong kausap. Umalis kana at 'wag ka ng magpakita sakin, tapos na ang usapan. Ganon lang kadali"

"Bumalik ako para ayusin ang gusot na ginawa ko, Yassi. Pero bakit mo ko pinagtatabuyan ngayon? Ayaw mo ba 'tong ginagawa ko?"

"I'm okay now, Carter. Kung sana noon mo 'yan ginagawa edi maayos na ang lahat pero yung ngayon pa lang. Kung kailan okay na ang lahat, doon ka palang magpapakita. Just wow, okay na ako. Maayos na ang buhay ko, kaya wala ka ng aayusin na gusot pa dahil maayos na ang buhay ko ngayon" and I left him. Bahala siya sa buhay niya. Napatigil ako sa paglalakad ng may naramdaman ko na may kotse na sumusunod sakin.

Argh, hindi pa ba siya titigil?!

"Pwede ba tumi---" naputol ako sa pagsigaw ng makita ko si Gabriel, na nasa loob ng kotse niya. Napanganga ako. M-mali ako. Dang, nakakahiya.

I saw him smirked, "Hello again Yassi. Hatid na kita sa bahay niyo. May itatanong pa ako sayo" napabuntong hininga ako ng malalim. Pumasok na ako sa loob ng kotse niya. Wala akong choice.

Hindi naman pwede na mag-stay ako 'don baka magka-initan pa kami ni Carter. Kaya ang safe choice ko ay ang pagsama kay Gabriel kahit masyado siyang FC. Sigh.

Sana naman maayos 'to kausap. Jgh

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now