Chapter 9: "Approaching Love"

205 11 1
                                    

~Kai's POV~


Gabi na kami natapos sa schedule namin, kaya naman laking ginhawa nang mag-uwian na kami. Pagdating namin sa dorm ay nagpaunahang magsipagpwestuhan sina Chen-hyung, Sehun, Luhan-hyung, Kris-hyung, at Chanyeol-hyung sa sala. Si Kris-hyung ang naunang makaupo sabay sinundan naman siya ni Sehun.

"Sehun-ah!!!" sigaw ni Chen sabay talon kay Sehun.

Nang madag-anan ni Chen si Sehun ay agad sumunod si Chanyeol at tumalon naman siya sa ibabaw ni Chen dahilan para lalong maipit sa ilalim si Sehun.

"Aray! Hyung!! Ano ba! Ang bigat niyo! Hindi ako makahinga!!" daing ni Sehun.

Kawawang Sehun, napagkaisahan na naman nung dalwang makulit.

"ano ba? ang likot niyo!" reklamo naman ni Kris na nakaupo sa dulo ng couch.

Dumating si Luhan para umupo din sana pero hindi siya makapwesto dahil sa paghahamagan nung tatlo.

"Hyung! Tulong!" sigaw ni Sehun pagkakita kay Luhan-hyung.

"Yah! Jongdae-ah, Chanyeol-ah, Tama na nga yan! hindi ako makapwesto sa gulo niyong tatlo eh." saway ni Luhan.

Agad namang sumunod sina Chen at Chanyeol, at nilubayan na nila si Sehun. Sina Xiumin-hyung, Baekhyun, Tao, D.O, at Lay-hyung naman ay agad nagsipagderetso sa mga kwarto nila, samantalang ako ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Haiyst.. salamat! Muli na naman akong nakahiga sa kama ko!!" malakas na sigaw ni Baekhyun mula sa kwarto niya.

"Guys, ako una magshashower ha?" paalam ni Suho-hyung sabay pasok ng CR.

"Geh, take your time hyung!" sagot ni Tao na lumabas ng kwarto para makijoin sa panunuod ng T.V. kina Luhan-hyung.

Nang maubos ko yung isang basong tubig ay sakto namang may biglang nagdoor bell.Ako na ang nagprisintang magbukas dahil malapit lang din naman yung kusina namin sa entrance.

"Ako na magbubukas!" sigaw ko sabay agad akong pumunta sa harapan ng pinto. "Sino naman kaya 'to?" sabi ko sa sarili ko.

At nang buksan ko ang pintuan ay hindi ko inaasahang si Yoona ang makikita ko sa labas ng unit namin.

"Surprise!" masigla niyang bungad sa 'kin.Tila natulala ako pagkakita sa kanya.

Totoo ba 'tong nakikita ko??

Si Yoona nga ba talaga 'tong nasa harapan ko ngayon??

Binibisita ba niya ko?

Ay muntikan ko ng makalimutan, hindi nga lang pala ako ang nakatira sa unit na 'to, haiyst...

Nang agad din akong makabalik sa ulirat ko ay agad ko siyang pinapasok, nagpatiuna ako papunta sa sala habang kasunod ko si Yoona.

"Guys! May special visitor tayo!" sigaw ko sa kanila.Agad nagsilingunan yung mga nasa sala at agad namang naglabasan yung mga nasa kwarto.

"Yoona-sshi!!??"Nakahubad namang huling lumabas si Baekhyun.

"Oh, Yoona nandito ka pala??" nang marealize niyang wala siyang damit pantaas. "Omo! You're not suppose to see my SEXY BODY!!" agad niyang tinakpan ng mga kamay niya ang dibdib niya sabay patakbong pumasok ng kwarto niya.

Medyo napatawa sina Luhan-hyung sa naging reaction ni Baekhyun, samantalang napailing naman ako habang nakangiti. Nang mapalingon ako kay Yoona ay nakita kong nakangiti din siya.

A Star in EXO Planet [COMPLETED]Where stories live. Discover now