Chapter 14: "Picture Perfect"

129 10 1
                                    

~Luhan's POV~


Tila medyo natrauma ako sa katakut-takot na panunukso at kahihiyan na dinanas ko sa kalokohan ni Sehun, kaya naman buong araw ako ngayong nagkulong sa kwarto. Samantalang nakakailang katok na sina Sehun, ngunit wala ni isa sa kanila ang pinagbuksan ko.

Naiinis ako!

Sobrang nakakahiya!

Akala ko talaga kasi yun yung picture na nakita nila?!

Haiyst...

Wala akong kakausapin sa kanila ngayon, dahil malamang, tutuksuhin lang nila ako ng tutuksuhin. Kasalanan 'to ng maknae na yun eh. Haiysst!!


(Flashback... Kagabi)


Gabi na kami nakabalik ng dorm, at hanggang sa pag-uwi namin ay kinukulit ko pa rin si Sehun para ipakita sa 'kin yung picture namin ni Yoona, pero talagang nagmamatigas siya.

"oh? Sehun? Hyung! Nandyan na pala kayo?" sabi ni Lay na siyang unang nakapansin sa pagdating namin.

"Bakit ngayon lang kayo? San kayo nagpunta?" tanong ni Suho na kalalabas lang ng kwarto.

"ah.. naglibang lang naman kami ni Luhan-hyung." Sagot ni Sehun.

"kayong dalwa lang?" tanong ni Baekhyun na nanunood ng TV sa living room.

"ah.. hindi, kasama namin si noona." Sagot ni Sehun.

"ano? Kasama niyo si Yoona-sshi?" patakang sabi ni Chen na siyang katabi lang ni Baekhyun.

"yah! Sehunnie! Bakit hindi man lang kayo nag-akit?! Kasama niyo pala si noona, bakit hindi niyo ko sinabihan?! Ang daya niyo naman!" pagproprotesta ni Tao.

"Sorry hyungs, mga busy kasi kayo kanina eh, eh si Luhan-hyung lang yung medyo maluwag, kaya siya lang yung inapproach ko." paliwanag ni Sehun. *Ang galing magpalusot, Tsk! Tsk! Tsk!*

"teka, maiba ako, akin na kasi yan Sehun!" sabi ko kay Sehun.

"hyung naman? Diba sinabi kong hindi mo pa nga pwedeng makita? Ang kulit mo!" Sagot niya.

At ako pa talaga ang makulit!?

"wala ka talagang balak ipakita sa 'kin yan??" binigyan ko siya ng seryosong tingin.

Nang mabasa ni Sehun ang nasa isip ko ay agad na siya nagsimulang tumakbo, kaya naattempt naman akong habulin siya paikot sa living room.

"yah! Akin na kasi yan!"

"hindi nga kasi pwede!"

"hindi kita titigilan hangga't hindi mo binibigay sa 'kin yan!"

"mapapagod ka lang hyung! Waaah!"

"yah! Ano bang ginagawa niyo!? Nakakahilo kayo ha!" reklamo ni Baekhyun pero patuloy lang kami sa paghahabulan ni Sehun.

Hindi ako makakampante hangga't hindi ko nakukuha kay Sehun yung picture! May pagkapilyo din 'tong taong 'to eh, kaya hindi imposibleng gamitin niyang pang blackmail sa 'kin yung picture na yun.

"parang mga bata." sabi ni D.O. habang abala sa pagbabasa.

Nang lumabas naman sina Chanyeol at Lay sa kusina.

A Star in EXO Planet [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt