2nd Catch: The Duo (part 1)

207 17 10
                                    

2nd Catch: The Duo (part 1)

NAMIE

"Sino ba kasi 'to? Lightning ? Anong klaseng pseudonym 'to ? Siguro pag ako naman gagawa ng pen name , 'Storm' naman sa akin. " sabi ko sa sarili ko habang tinitignan itong papel na hawak ko habang nakaupo dito sa swing sa garden namin . This small parchment bothers me a lot . Minsan nga naiisip ko na baka si Kuya Trick lang , baka pinagtitripan ako . Pero I dismissed that thought kasi tinanong ko siya kanina . Nabahala pa nga siya nung nalaman niyang may 'mystery guy' daw na nagsesend sa akin . Pinilit niya ngang kunin yung paper pero sinabi ko sa kanya joke lang yun para 'di na siya mangialam . Impossible din na si Kuya Edge , wala namang oras sa pang-iinis 'yun .

Nandito pala ako kasi hinihintay ko yung dalawang magaling kong Kuya . We are heading to the Mall daw kasi bibili daw kami ng school things . Look, kung ngayong araw pala ang pasukan wala akong madadala kahit isang pirasong ballpen .

Ang daming nagsasabi na mabagal kumilos ang mga babae , pero tutol ako dyan . It's not because I'm a girl , its because my brothers are living proofs na may mga lalaking mas  mabagal pa sa mga babae kung kumilos .

" Halika na . " sabi ng isang icy voice sa likuran ko . That's Kuya Edge . Kung anong kinakulit ni Kuya Trick , 'yon naman ang ikinatahimik ni Kuya Edge . He doesn't have time to have fun . Waste of time daw . Ewan ko ba sa kanya pero mas prefer ko siya kaysa kay Kuya Trick . Puro kalokohan naman kasi ang alam nun .

" What took you and Kuya Trick so long ? Nag make-up tapos nagcurl pa ba kayo ng buhok ? " pang-aasar ko sa kanya . He just ignored what I said and walk towards the car . Kung kasungitan lang ang hanap mo , nasa kanya  na 'yon.

I stood up from the swing and quickly hide the paper in my wallet . Sana wala lang 'to . Sana hindi na masundan . Having a stalker gives me chills ! Well, kung stalker nga 'to . Baka mamaya isang sira-ulong wala lang magawa sa buhay .

I walk towards the car's door and was about to open when I heard someone shouts,

" Namie! Sa likod mo ! "

Dala naman ng gulat , takot at kaba ay napalingon ako sa likod ko . Isang daliri ang tumama sa noo ko . And there I saw Kuya Trick laughing like there is no tomorrow . Tengeneng buhay 'to ! Ang hirap magkaroon ng isip batang kapatid !

++

Inside the car si Kuya Trick lang ang nagdadaldal . Muntik na akong himatayin kanina sa kaba , 'yun pala pinagtitripan niya lang ako . Malay ko ba kasi kung meron palang murderer ang sumusunod sa akin . O kaya may monster na gusto akong kainin . O kaya may death eater ! And worst , baka yung stalker !! Geez, I'm being paranoid again and I freakin' hate it !

When the sight of the mall came into view , I already fixed my things up . Pagkastopped ng car, eh lumabas kaagad ako . Someone is excited here ! Hahaha . Guess who ? Oh , come on , sino pa ba ? Ako lang naman ang nagmamadaling bumaba .

Since it's  already noon, we headed straight to our favorite resto and , well of course, kumain . As usual , sinong nag-ingay ? Oh , you already know the answer . Sinong sumasabat sa kanya ? Tinatanong pa ba ? Sinong may sariling mundo? Kilala niyo na din . Pero kahit ganoon palagi ang nangyayari , hindi ko maikakailang natutuwa akong kasama sila . Well , may choice ba ako ?

"Pupunta lang muna ako sa wash room." sabi ni kuya Trick once we got out of the resto with an uneasy voice .

" Yeah , right . Mamaya magkalat ka pa dito sa Mall grounds. Itatakwil talaga kitang kapatid. " sabat ko naman sa kanya and sticked out my tongue para maging complete package ang pang-aasar .

CatcherWhere stories live. Discover now