Vigilant 1

154 16 0
                                    

Third Person's PoV

"Wala ka ng ibang ginawa sa buhay namin kundi kamalasan! Look what you've done, Ales!" Sigaw ng ama sa kanyang labing limang gulang na anak.

Napayuko naman ang dalaga, ilang beses ng inulit-ulit ng kanyang mga magulang tungkol sa kanya.

"Simula ng pagkabuntis ng mommy mo sa'yo, nagkadeleche-leche na ang buhay namin! Look Angela, ang malas niya talaga! Ngayon, ikaw pa ang magiging rason ng kamatayan namin! Sana di ka na lang dumating sa buhay namin." Napahagulhol ang dalagang nakayuko sa narinig mula sa ama.

Matapos ang ilang oras ng pagtatalo, ay napagpasyahan na ng mag-asawa na magpahinga na. Pero sa halip, na matulog gumawa ng desisyon ang dalaga at daliang nag-empake ng mga gamit, dala ang isang attaché case.

Nag-iwan ito ng sulat para sa mga magulang at dahan-dahang lumabas sa bintana.

"I'm effin' free," at mala demonyong ngumiti.

Naglakad ito papunta sa isang malaking bahay na malayo-layo sa kaniyang tinitirhan.

Napansin niyang maraming nakabantay sa bawat sulok ng lugar kaya naisipan niyang umakyat sa puno at tumalon papunta sa veranda ng bahay.

'Easy peasy,' wika nito sa sarili. Tulog na tulog na ang mag-anak na nakatira sa loob ng bahay. Kinuha niya ang hairpin sa kanyang buhok at pinakialaman ang door knob ng pinto.

'Click' bumukas ang pinto at sumalubong ang napakadilim na kwarto.

Kinuha niya ang nakatago sa kanyang tagiliran at kinasa ito.

Lumapit ito sa di-katandaang lalaki at tinutok ang baril sa kanyang ulo.

'Nang dahil sayo, kinamuhian na naman ako at sinira mo ang negosyo ng daddy ko... And one more thing, drug lord ka palang gago ka,'

'Bang'

Umalingaw-ngaw ang tunog ng baril. Ni isang kaba, ay di nakaramdam ang dalaga at sa halip, ay kampante itong lumabas ng veranda at bumaba na.

'Packing tape, ang dali lang nun ah...'

Ales' PoV

Well, matapos nang ginawa ko kanina sa pamanahay ng mga Lim, ay pumunta na ako sa bus terminal.

I'm Blanche Alessandra Rodriguez, 15 years old, black sheep of the family, from Cagayan de Oro City, Mindanao and now a killer. Hindi naman ako professional killer, I'm just a beginner... And about my stunts a while ago? Sanay lang sa pagtakas sa school at sa bahay.

I'm on my way to Davao, I'd like to talk to the most important and powerful man in the Philippines...

"Davao?" Tanong nung conductor at tumango naman ako sabay labas ng pera.

Mukha ba akong masamang anak? Sorry, ayaw ko lang magsuffer ng sobra ang mga magulang ko ng dahil sa akin.

Napapaidlip ako sandali dahil sobrang lalim na rin ng gabi.

****** ******

"Davao bus terminal!" Sigaw ng conductor. Agad na rin akong bumaba dala ang backpack ko.

"Asan ka, miss?" Tanong ng driver na huminto sa harap ko.

"Five Star Hotel, manong," saad ko at sumakay. Maya-maya nakarating na ako.

Pagpasok ko, halata naman na pang desente ito.

"Ma'am, may kasama ka po ba or nagpareserve?" Tanong nung receptionist sa akin pagdating ko sa front desk.

"Actually, I'm with my mom, but she told me to come here first... And I have the payment for the room. I'll be taking the VIP," nakanganga ang babae... Pero natauhan din ito.

Pagkatapos Kong iwan ang mga gamit ko sa room, ay muli akong umalis papunta sa isang subdivision. Dito nakatira ang pupuntahan ko.

Nasa harap na ako ng isang simpleng bahay at alas dos na ng umaga.

'Ding dong'

Maya-maya ay may lumabas at sa pagkakaalam ko ay asawa niya ito.

"Good evening ma'am. Can I have a word with you?" Magalang na tanong ko. Ngumiti naman ito at pinapasok ako.

"Anong sadya mo sa ganitong oras, hija?" Napakabait niya naman.

"May gusto lang po akong sabihin sa asawa niyo po," sagot ko.

"Ahh... Ganun ba, hija? Ano bang pangalan mo?" Tanong nito.

"Alessandra po, Ales for short,"

Matapos ang ilang sandali, nakarinig kami ng busina ng sasakyan.

"Nandito na siya, hija." Sabi nito at binuksan ang pintuan.

Pumasok ang lalaking kinakatakutan ng lahat at pinakarespetado....

"Good morning po, Mr. President,".... Ang Presidente ng Pilipinas.

"Doon na lang tayo sa sofa mag-usap," sinundan ko naman siya papunta sa living room nila.

"Anong sadya mo sa oras na ito, hija?" Pareho pa sila ng tinanong ng asawa niya.

"Mr. President," nagsimula na akong magkwento sa lahat at nakinig naman ito sa akin. Its such an honor for me to be able to talk to a President personally.

"And what do you propose to happen?" Tanong nito.

Lumuhod ako sa harap niya ng nakayuko... At tingin ko ay gulat na gulat pa ito.

"Sir, I'd like to apply as the country's vigilant,"

And that's how I started...

*****,***,*********

Luhh... Okay lang po ba? Medyo sabaw pa po yung chapter 1 but I'll do my best for this story. Please don't forget to vote and comment. Thanks!

She's The VigilanteWhere stories live. Discover now