9: LABIMBAKAS

262 16 28
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


DEPIR

Nagtipon ang grupo ng sikat na arkeologo sa hindi kalakihang opisina nila sa Bayan ng Pryde.

Lalawigan ng Ego ang kapital ng Depir. Ito rin ang pinakamalaking bahagi ng buong realm. Ang nasabing lugar ay nahahati sa anim na bayan. Ang Selps na sentro ng lalawigan, kung saan nakalagak ang kastilyo ng hari't protektor, ang Superbia na nasa kanluran, ang Pryde na nasa silangan, ang Prawd na nasa timog-silangan at pinakamaliit na bayan sa lalawigan, ang Wanselps na nasa hilaga at ang Pikk na nasa timog.

"Paumanhin kung nahuli ako ng dating," malumanay na saad ni ginoong Dakus, na siyang namumuno sa SAD (Samahan ng Arkeplogong Deperian). naabutan ng lalaki ang kasamahan na nakapwesto kung saan sila madalas magpulong.

"Nauunawaan naman namin ginoong Dakus," masayang tugon ng pinakabatang myembro na si Emyll. "Ikaw naman kasi ang pinakamalayong lugar sa ating anim."

"Bakit hindi ka pa kasi lumipat dito sa Ego, maraming bayan dito at 'di hamak na maganda kumpara sa probinsya ng Boast," suhestyon ni Brenda. Medyo may edad na ang ginang subalit litaw pa rin ang angking ganda nito.

Ngumiti lang si Dakus saka umupo sa harap ng mga kausap.

"Matagal ko ng sinasabihan itong si Dakus, pero ayaw talaga iwan ang lupang sinilangan e," anas naman ni ginoong Brekon na asawa ni Brenda. May pagtapik pa ito sa balikat ng kaibigan.

"Ganoon nga siguro," sagot ng ginoo bago ayusin ang salamin sa mata.

"Maiba tayo, ano na nga ba ang pag-uusapan natin?" singit ni Aristotle na lumabas galing sa isa pang silid tangan ang napakaraming talaan, mapa, mga panulat, panukat at iba pang gamit pang arkeolohiya. "Baka may gustong tumulong,"

Dali-daling lumapit si Emyll para tulungan ang lalaki.

"Naihanda ko na pala ang kakailanganin natin sa ekspedisyon," sambit naman ng dalagang si Castel na may hawak namang listahan.

Nang makaupo at maiayos na ni Aristotle ang mga dalang gamit ay nagbukas na ng talakayan ang kanilang lider.

"Nakatanggap ako ng liham mula sa pamilya ng Manson," Inilabas ng ginoo ang liham at binasa ito sa mga kasama.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now