13: JINN

265 9 50
                                    


Ayon sa kasasaysayan, kasabay ng paglikha sa tao ay naglalang din si Eliah ng nilalang na may kakaibang wangis at lakas na tinawag na mandirigmang Nirvano. Sa mahabang panahon ang lahi ng Nirvano ang naging kasa-kasama niya upang magbantay sa banal na lupain ng Nirvana.

Dahil sa labis na pagmamahal ng manlilikha sa mga tao ay nag-aklas ang mga Nirvano. Binalak ng mga ito na ubusin ang sangkatauhan kaya sila pinalayas sa banal na lupain. Bilang parusa, ang lakas na taglay ng kanilang lahi ay binawi ni Eliah at hinayaan silang magpagala-gala sa mundong kinamuhian nila.

Sa panahon ngayon, maituturing na lamang na isang alamat at bahagi ng kasaysayan ang tungkol sa mga mandirigma.



----

----

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


RADIYZH
(Ozhgo Realm)

Papikit pa lamang ng mata ang barronportektor ng makarinig siya ng malakas na tunog ng batingaw. Agad napatayo mula sa higaan si Cazmir at dumungaw sa malaking paralungawan na nasa kanan ilang lakad mula sa kaniyang kinalalagyan.

Doon ay natunghayan niya ang mga maliliit na pagsabog sa iba't-ibang parte ng syudad ng Radiyzh.

"Baronprotektor!" Napalingon siya sa likuran ng biglang bumukas ang pinto. "Sinasalakay ng blackamoorluna ang buong syudad!" Bulalas ni Verdik na isa sa mga punong kawal ng palasyo.

Agad nagtungo sa himpilan si Cazmir. Doon ay naabutan niya ang hari't protektor ng Ozhgo kasama si Ram at nang ilang punong kawal.

"May ilan nang nakapasok na kalaban sa unang tarangkahan sa silangan at kanluran ng Radiyzh," eksplika ni Deitrich habang nakaturo sa batong mesa na inukitan ng mapa ng buong syudad.

"Napasok na rin nang 'di hihigit sa tatlong kalaban ang bandang timog at papunta na ang mga ito sa ikalawang tarangkaran," singit ni Sarto, isa ring pinunong kawal.

Nasa kalagitnaan pa lamang ng pagpaplano ang lahat ng may biglang dumating. Halos masira nito ang pinto sa sobrang lakas ng pagbukas dahil sa pagmamadali.

"Mga punong kawal, protektor, at mahal na hari, mayroong namataan ang mga kawal sa daungan ng Radiyzh, isang kahina-hinalang karwahe!" Pasigaw na sambit ng kawal.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن