Chapter 26

5.1K 83 17
                                    

CHAPTER 26 - Scandal

"Naaalala mo na ba talaga ang lahat?" Nandito na kami ngayon sa loob ng eroplano at pauwi na kami sa Seoul pero panay pa rin ang pangungulit ni Taejoon kung naaalala ko na daw ba talaga ang lahat.

"Oo nga po kasi. Baka gusto mong ikwento ko sa iyo ang buong buhay ko? Baka gusto mong ikwento ko kung paano ako naging tomboy noon dahil iniwan mo ako para sa iyong minamahal na high jump at kung paano tayo naging okay ulit hanggang sa planuhin ko ang kasal natin hanggang sa honeymoon, hanggang sa ngayon?"

Hindi siya sumagot. Naka-nganga lang. Hanggang sa... "Sige, kwento mo yung honeymoon!"

Hinampas ko siya sa braso. "Eeh! Taejoon naman eh. Inaantok ako. Wag kang magulo."

Sumandal ako sa kanya at pumikit. Mahaba-habang biyahe na naman ito. Hindi na umimik si Taejoon at hinaplos haplos niya ang braso ko. He kissed the top of my head then whispered the most beautiful words I could ever hear.

"I love you, Jaehee."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog pero paggising ko, kumakain na si Taejoon. Ang patay-gutom na ito.

"Oh, gising ka na pala. Gutom ka?"

Hinila ko ang kamay niya at kumagat sa hawak niyang sandwich. Lutang pa ako dahil nga kagigising ko lang.

"Taejoon, kailangan ko pumunta sa America..." sabi ko bigla, out of the blue.

"Ha?" Napatigil sa pagnguya si Taejoon at tumingin sa akin. "Bakit?"

"Kailangan kong puntahan si Heechul." Tapos nag-pout ako, kumunot naman ang noo niya. Inilapag pa niya yung hawak niyang sandwich.

"Bakit mo kailangang puntahan yun? Don't tell me--"

"Taejoon, diba nga si Yuri yung dahilan kung bakit bumalik yung alaala ko? Humingi siya ng sorry pero hindi ko siya pinatawad." Tapos tumawa ako. Eh kasi naman, ang sama-sama ko nun. Di ko siya pinatawad. Evil Jaehee is evil...

Natigil naman ako sa pagtawa kasi seryoso si Taejoon. Hindi man lang ako dinamayan sa pagtawa. Poker face lang.

"Ayun, gusto ko kasi... Magka-ayos sila ni Heechul. Uhm, kapag naging okay na sila ni Heechul. Kapag naging okay at masaya ni sila ni Heechul, doon ko siguro mapapatawad si Yuri. Kahit papano naman, naawa ako kay Yuri."

Married With My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon