Chapter 12

6.3K 119 6
                                    

Nyx Point Of View

" Huy. Nyx ! ! Tulala ka nanamang bata ka. " - sabi ni Diko.

Nandito pa ko ngayon sa bahay, Mamaya nako papasok.. Ayaw ko ng pumasok sa school dahil sa nangyari sakin, pero hindi ko masabi sa mga Kuya ko at kay Papa. Hindi ko na nga rin alam ang nangyayari sakin, lagi akong tulala.

" Bakit ba ang Tamlay mo hah ! Hindi kami sanay ! " - sabi ni Sanco.

Kung alam lang nila. *Sigh*. Hindi ko na alam, halo-halo na ang nasa isip ko. Pinoproblema ko yung sa project ko, dahil bukas na ang pasahan ng project. Major project pa yun tapos ngayon tuwing naaalala ko yung nangyari sakin. Parang nadurog ang pagkatao ko. 

It sounds over-acting, pero totoo. Napapansin ko na rin sa sarili ko, na ayaw kong hinahawakan nako especially mga lalaki. *Sigh*

" Baka mamaya nag-boboyfriend kana hah ! " - sabi ni Kuya.

Nanlaki ang mga mata ko, sa mga pinagsasabi nilang tatlo. (=_=). Grabe naman, kung alam lang nila kung anu nangyari sakin. Imposibleng mag boyfriend pako.

" Papa oh ! Sila Kuya nga , lagi ako iniinis ! Hindi ko naman sila inaano ih ! " - sigaw ko kay Papa na nasa kusina. Nagluluto ng breakfast (^__^). Hanggang dito nga sa sala amoy na amoya ang niluluto.

" Hoy, kayong tatlong lalaki dyan. Tigilan nyo nga ang kapatid nyo. " - sigaw ni Papa.

Ang bait talaga ng Papa ko ! (^__^). The best Papa in the world. Kung marunung lang ako magluto, ipagluluto ko sya except sa tatlong kuya ko. 

" I Love you Papa ! " - sigaw ko .

" Papa LOVES YOU too. " sigaw ni Papa mula sa kusina. (^_^). 

Tumingin naman ako sa tatlong katabi ko, nanunuod nga pala kami ng Zig & Sharko. Yung tatlong loko, tawa ng tawa. Si Diko naman, text ng text. Si Kuya, kunwari may dala-dalang libro pero nanunuod naman. At si Sanco,  concentrated sa TV. 

Buti nalang kahit ganito tong tatlong to, nagmana sila kay Papa sa pagiging responsable. (^_^). Tawa sila ng tawa, pero hindi naman nakakatawa. (=_=)

" Tara kumain na tayong apat. " - tawag samin ni Papa. 

Agad gad namang tumayo kaming apat at pumunta ng kusina. Gutom na gutom naku dahil sa amoy palang ng luto ni Papa. Pumewesto nako sa upuan ko at nagdasal . Sumunud naman sila. 

Tapos ! Kumain nako agad ! (^__^). WAHHH! Charap ! The best ! 

" Nica yung baon mo tsaka yung mineral water mo, nasa may lamesa na . Wag mong kakalimutan pagkatapos nating kumain. "- paalala sakin ni Papa.

" Opo Papa ! (^_^) " - sagot ko. 

Nakabihis naman na kaming lahat, kaya pagkain nalang talaga ang iniintay namin. 

*burppp. (O_O).. AY . nakakahiya.

" Sorry po ! Hehehehe. Sarap kasi eh. " - sabi ko habang nagpapahid ng tissue sa bibig.

" Ano ba yan Nyx, kababae mong tao, lakas mong dumighay." - sabi ni Sanco.

Bakit ? porket ba babae hindi na pweding dumighay ng malakas. Tao lang din naman kami ah . (^__^). Isa-isa silang tumayo, at kinuha na ang mga gamit nila. 

Kaya susunud na din ako, kaso kukunin ko muna ang bento at mineral water ko. 

(^__^).

" Thank you papa sa baon, alis na po ako. Love you Pa. " - sabi ko. 

" Sige anak, Papa loves you too. Ingat ka hah. Ingat kayo. " - sagot ni papa.

Agad-agad nakong lumabas, para makaalis . Since nagmamadali din naman ang tatlong lalaki. (=_=)

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon