Chapter 31

5.6K 117 9
                                    

3rd Person Point Of View :

Ang lahat ay naghahanda para sa kasal na matagal ng pinagplanuhan. Ang pamilya ni Danica ay naghahanda na para sa mga susuotin nilang mamaya sa kasal ng kanilang bunsong kapatid. Habang ang pamilya naman ni Ekhaye ay ganoon din ang ginagawa. 

Ngunit nag-aalala pa rin si Ekhaye, kung siya ay sisiputin ni Danica dahil sa away nila kinagabihan. Hindi din nito alam kung nasan siya at hindi na rin nya ito hinanap dahil nga mas pinili nya pang makasama ang babaeng inuwi nya kagabi sa bahay . Naiisip kasi nito na hindi maaring umatras si Danica dahil nga ito talaga ang pinakamahalagang parte ng kontrata nilang dalawa.

Kasalukuyan namang nagising si Danica sa kama ng inuwian nyang si Riley. Laking gulat nito ng makitang magkatabi sila sa kama nito. 

WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! (T_T)

Yun na lamang ang naisip nya. Agad nyang ginising si Riley, at halos niyugyog nya ito. 

" Rileyyyyyyy! Gumising ka nga dyannnnn!  "- sigaw nito sa katabi. 

" Uhmm, bakit ba ? aga-agad eh. "- sabi nito habang nilubok ang mukha sa unan. 

" Rileyyy! ANO BAAAAA! *sob* "- naiiyak nitong sabi. 

Agad naman napabalikwas si Riley dahil sa mangiyak-ngiyak na boses ni Danica, agad pumasok sa isip nya na maaring akala ni Danica ay may nangyari sa kanila, dahil suot na nito ang t-shirt nya. Pero ang totoo ay, pinapunta nya pa ang Ate nya, para palitan ang damit ni Danica. 

" Sssh. Tahan na. Ano bang iniiyak mo dyan ? " - malumanay nitong tanong habang hawak ang kamay ni Danica na nakatakip sa muka. 

" Eh kasi naman ! Bakit ganito suot kooo!"- magktol nitong sabi. 

Naisip nanaman ni Danica na napakawalang hiya nya talagang babae para matulog sa kung sino sinong lalaki. Ang una ay si Cervantez na hindi naman nya kakilala masyado pagkatapos naman ay kay Riley na hindi nya din ganoon pa kakilala. 

" Hahahaha ! Baka nakakalimutan mo, mock wedding mo na ngayon so get up! "- sabi ni Riley.

Bagamat ayaw talaga ni Riley na papuntahin pa si danica sa kasal nito wala syang magagawa dahil ayaw nyang maipit si Danica sa sitwasyon. Buo na din kasi ang loob nyang ligawan ito, at maghintay sa tamang panahon kung kailan tapos na ang kontrata nito. 

Napatayo agad si Danica na naka-tshirt at nakamaikling shorts kaya kung titingnan ay parang walang suot itong pang-ibaba. Sinuklay nya ng kamay ang buhok nya at kinuha ang bagpack nya. Hinatak nya na si Riley, para ihatid siya nito pabalik sa bahay. Nagbihis lang si Riley at hinatid na niya si Danica, pero si Danica nakalimutang magpalit ng damit dahil sa sobrang taranta. 

" Tara pasok ka gusto mo ? ? ?"- yaya ni Danica, noong makababa na sila sa gate ng bahay. 

" Nah. Prepare yourself. Basta sa susunod, sa akin kana ikakasal . " - sabi nito. 

Namula naman si Danica nakasalukuyang nakayuko para hindi makita ang mapula nitong muka. Naramdaman na lang nyang niyakap siya ni Riley at hinalikan sa noo nito. Napaisip tuloy si Danica na kung katulad lang sana ni Riley ang boss nya sa pinasukang trabaho, edi sana hindi sya  nagsisisi ng ganito. 

Maya-maya pa, umalis na din si Riley at pumasok sa loob ng bahay. 

Nyx Point Of View

Pagpasok ko sa loob at saktong pagsarado ko ng pinto. Saktong pagharap ko, nakatayo siya sa harap ko, alam kong tinitingnan nya ako pero umarte nalang akong wala akong nakikitang demonyo. (> ______ <)

siguro ganito nalang dapat, kapag wala kami sa harap ng maraming tao, hindi ko na lang siya kikibuin . .

Aakyat na sana ako sa taas para mag-ayos ng sarili ko at tawagan ang dapat tawagan pero bigla nanaman nyang hinablot ang braso ko. Hindi ako pumalag, humarap lang ako sa kanya at tiningnan siya ng walang ka-emo-emosyon. 

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon