30.

46.8K 1.5K 85
                                    

Chapter 30

Nakakalula ang taas ng tower. Tinatangay ng malakas na hangin ang buhok ko at ang ulap ay halos abot-kamay ko na. When I looked down to see the ground, people below looks like ants moving and walking around. I don't know how they managed to make this tower. Masyadong mataas.

Umatras ako mula sa bintanang kasya lang ang katawan ko para makatakas o tumalon. Pero dahil sa nakakalulang itsura sa baba, hindi ko makakayang tumalon. It's impossible for me to jump this high. 

I sat down at the plain bed covered with dirty bed sheets. Hindi gaano kakapal ang foam at ang kumot naman ay sobrang nipis para sa malamig na klima ngayon. 

I can only feel the cold wind but I don't need any of these. I can even manage to sleep on the cemented floor. The cold never bothered me—us. 

Umangat ang tingin ko sa pintuan nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob. A moment later, the thick wooden door swung open and Luke came inside wearing his gray suits.

Nasa harapang bulsa ang dalawang kamay niya habang tinititigan ako gamit ang kaniyang malamig na titig.

If Tyler was here, what would happen to them? What's going to happen between them? What happened to them?

Out of curiosity, kinalkal ko ang memorya. There are thousands of scenes and images but I only stopped when I saw a familiar scene. I saw this memory from Tyler when we had a training.

Dalawang batang lalaki na naglalaro sa may hardin. Nang makita nilang may paparating, tinapon nila ang kanilang laruan sa pot ng rosas. 

It's a kid version of Tyler and Luke. Para silang natatakot habang papasok sa loob ng palasyo at dahil nasa malapit lang ang iniiwasan nila, nagtago sila sa isang kwarto na sa tingin ko'y isang opisina.

Pamilyar ang itsura ng opisina. I saw it twice from Riana and Luke's memory. It was the same room. May malaking bintana sa likod ng lamesa at swivel chair na tinatakpan ng makapal na kurtina.

"Lukas, papunta si Ama dito," bulong ng batang si Tyler kay Luke.

Dali-daling kinaladkad ni Luke ang nakababatang kapatid niyang si Tyler at nagtago sila sa likod ng patong-patong na mga kahon. Saktong nakapwesto na sila do'n ay ang pagbukas ng pintuan at ang pagpasok ng isang lalaki kasama ang dalawa pa; isang babae at isa pang lalaki.

"Alam kong tinatago lang nila ang ruby. Matalino si Malcolm at Esmeralda. Alam nilang hahanapin ng lahat ang ruby na 'yon kaya alam kong nakatago lang 'yon sa loob ng Locious."

Umupo sa swivel chair ang lalaking may malaking pangangatawan, ang buhok ay hanggang leeg 'gaya ng batang si Luke, at ang mga mata'y kagaya ni Tyler at Luke. Cold and intimidating. 

"Paano naman natin makukuha 'yon, mahal?" tanong ng babaeng nakasunod sa kaniya. Kulot ang kaniyang buhok at ang galaw niya'y mahinhin pero alam kong delikado.

"Simple lang. Paglalaruan natin ang Locious at ang Daeva. Para lang tayong manonood ng laro habang sila ay nahihirapan nang makipaglaban sa isa't isa."

Everything burned into ashes. The scenes, their bodies, and everything. Until I realized I came back to myself.

Pinikit ko saglit ang mga mata ko at nang idilat ko ulit, nakangisi na sa 'kin si Luke. 

"Nakita mo pala," he said in a very low voice. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang likod ng ulo ko. I didn't move, I didn't react. "So you have that kind of ability. Like my brother, Tyler. You can see the past."

Sumasakit ang ulo ko pero hindi ako gumalaw. Parang may tumutusok na matalim na bagay sa parte kung saan nakapwesto ang palad ni Luke sa likod ng ulo ko.

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now