The Road

708 15 6
  • Dedicated to YAYIE, AKIKO and Erika Jean
                                    

"Agahan natin bukas best ha para makapag-ayos na din tayo ng gamit natin sa room 5, pahatid nalang tayo sa driver namin daanan ka namin before 9am." -nicole

"sige mamaya icheck ko lang lahat ng dadalhin ko para tomorrow, tulog ka nang maaga ha." - sabay baba ni athea ng telepono.

Nakalutang pa din ang isip nito marahil sa sinabi ng albularyo kanina, ng bata at ang matandang nakita niya sa sofa. Nasa higaan na siya habang inaayos niya ang kanyang unan para higaan, may napansin siyang nahulog sa punda ng unan. Isang kwintas na may pendant na key ang nakita niya. Lumaki ang mata niya sa nakita at nawala ang kanyang antok. Naalala niya bigla si Aica ang matalik niyang kaibigan ng Elementary. Hindi na nito nakilala si Nicole dahil umalis na ito sa kanilang tinitirahan at balita niya'y nagmigrate ng ibang bansa.

Miss na miss na niya ito at hindi niya nagawang makapagpaalam dito dahil may malaking tampo ito sa kanya. Simula noon ay wala na silang komunikasyon. Mabuti nakilala niya si Nicole at ito ang pumuno ng pagkakaibigan nilang dalawa. Inilagay nia ang kwintas sa tokador na malapit sa kanya at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Navivisualize niya ang mukha ni Aica. Nagrereminisc siya, nakikita niyang masaya silang nagtatakbuhan at naglalaro ng kaibigan.

"Thea, itago mo yan ha" - may inabot si Aica na isang kwintas na may pendant na key o susi kay Athea

"nag-ipon ako para makabili niyan, ska nito oh" -agad pinakita ni Aica ang nakasabit sa leeg niyang kwintas din na silver na my pendant naman na lock o kandado.

Kinuha ni Aica ang pendant sa leeg niya at pinakita niya sa akin ang kabilang side nito.

"Look Thea, May name tayo sa likod nito pinasadya ko."- isang matamis na ngiti ang laging ibinibigay ni Aica

"Sa bawat likod ng pendant ay may nakasulat na BFF means best friends forever at may initials na AA. Niyakap ko ng mahigpit si Aica.

"Thanks BFF for everything" - Athea

Niyaya naman ako agad ni Aica pumuntang Plaza para magswing ito ang paborito nilang gawin at puntahan.

Naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko...

Athea.., theaaa.., theaaa...

Bigla akong napadilat at napaupo ng maramdaman kong my humawak sa paa kong isang malamig na kamay...

Ngunit pagdilat ko ng mata'y wala namang tao sa paanan ko. Pag tingin ko sa bintana'y umihip ang malakas na hangin at nakita kong maliwanag na sa labas dulot ng araw. Natatandaan kong isinara ko ang bintana bago ako matulog pero bakit ngayon nakabukas ito. Isinawalang bahala ko lamang ito dahil baka nakalimutan ko lang isara ito at ayon ang di ko matandaan. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 7:00 na ng umaga.

Umaga na pala, nakatulog pala ako - sabay unat at naramdaman kong masakit ang aking katawan at ulo. Agad akong kumilos para mag-ayos at kumain dahil maya maya lang ay susunduin na ko ni Nicole.

Beep... Beeeepp. beepp..  

Rinig kong tinatawag na ni Nicole ang pangalan ko na nagmumila sa labas ng bahay namin.

Nasa likod na kami ng Van ni Nicole at ramdam ko pa din ang antok parang hindi ako masyadong nakatulog.

"Best wag na kaya tayong tumuloy" - rinig kong sabi ni Nicole

"Bakit mo naman nasabi yan, may problema ba?"- sagot ko sa kanya habang nakapikit pa din ako

"Basta bumalik na tayo, wag na tayong tumuloy" - rinig ko ang pag-iiba ng boses ni Nicole parang galit siya nakakatakot parang hindi siya ang nagsasalita

Agad akong lumingon ng bahagya at ibinuka ko ang aking isang mata para tingnan siya dahil antok pa din ang namamayani sa akin.- athea

Naaninagan kong nakasandal siya at nakapikit din ang mata, pakiwari koy antok din siya. Bumalik ako sa pagkakapikit ng marinig kong may bumulong sa aking kaliwang tenga...

DEAD END! (COMPLETED) SAAN KA PUPUNTA?Where stories live. Discover now