Farewell Bestfriend

381 17 4
                                    

Napakatahimik ng boarding house at iilan nalang silang nandoon. Pababa na si Badet ng makita niya si Theresa sa sofa at natutulog.

"Theresa nasaan na sila Yheng, at ang iba nating kasama." - tanong ni Badet

"Ha? nasa taas ata sila Nicole, si yheng hindi ko alam. Nakatulog pala ko." - sabay unat ni Theresa

"Nasaan si Bella." - tanong muli ni Theresa na nahikab pa

"Ayon nga din sana itatanong ko, akala ko nilagay ninyo sa labas. Umakyat ako sa taas may inaayos lang akong gamit ko." - Badet

"Ha... hindi ko alam nakatulog ako, akala ko naman nandito ka lang kanina sa ibaba."- Theresa

Nakita nilang papasok na si Yheng ng pinto

"Yheng san ka galing, inilabas mo ba yung bangkay ni Bella?" - tanong ni Theresa

"Nasa labas ako sa puno ng akasya, hindi ko pinakelaman si Bella, kayo ang nandito sa sala dapat kayo ang nakakaalam niyan." - madiing sabi ni Yheng

"Ah e umakyat kasi ako saglit sa taas, tapos si Theresa nakatulog dito sa baba.. Nasaan na si Bella." - nanginginig na wika ni  Badet

"Ganito nalang hanapin natin sila dito Badet, halughugin natin ang mga sulok, cabinet o kahit na anong lugar kung nasaan sila, Yheng ikaw nalang maghanap sa itaas, magpatulong ka na din kila Athea at Nicole." - sambit ni Theresa

"Ok sige, sumigaw lang kayo pag may nakita kayong kakaiba o kahinahinala." - wika ni Yheng

Agad ng umakyat si Yheng at pinuntahan sila Nicole at Athea sa kwarto, samantalang si Theresa at Badet ay nagsimula ng hanapin ang mga nawawalang kasama.

Pumunta si Theresa sa gawing kusina at hapagkainan, samantalang si Badet ay sa gawi ng comfort room.

BADET'S POV

Pumasok ako sa Comfort room at doon ko inumpisahang hanapin ang mga kasamahan. Bunuksan ko isa-isa ang shower room ngunit wala akong nakitang tao roon. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking mukha. Hinimas himas ko ang aking pisngi at sinuklay ko ng aking mga daliri ang aking buhok. Biglang tumulo ang luha ko, awang awa ako sa itsura ko ilang gabi na akong puno ng takot at pangungulila kay Shanel. Yumuko ako sa lababo at naghilamos. Narinig kong may gumalaw sa pintuan ng dulong shower room, pakiwari koy may pumasok doon ng patakbo o pinakamabilis na lakad.

Nilapitan ko ang shower room at binuksan ko ang pintuan nito ngunit wala akong nakitang naroroon. Muli akong tumalikod at akmang aalis na, ng biglang may naramdaman akong tao sa likod ko na hindi ko alam kung saan dumaan.

Akmang tatalikod ako upang makita kung may tao nga sa aking likuran, ngunit naramdaman kong may humampas sa aking ulo at dahilan ng pagkawala ng aking malay.

---end of BADET'S POV

Umakyat si Yheng at pumunta sa kwarto kung nasaan sila Athea at Nicole. Nakita niya si Athea na kinakantahan ang mahimbing na natutulog na si Nicole.

"Kelangan na nating kumilos hanapin na natin sila. Malapit na tayong maubos." - wika ni Yheng sa mahinang tono

"Katutulog palang ni Nicole, hindi ko siya pwedeng iwanan, saan ba tayo maghahanap." - Athea

"Dito lang naman tayo sa loob ng bahay, umpisahan natin dito sa taas. Kelangan na nating kumilos." - Yheng

"Sige iwanan ko lang muna saglit si Nicole, katutulog lang nito kya nakakaawang gisingin.. Siyangapala, my nakita akong pintuan sa hardin bandang swing nakalagay room1, hindi ko pa siya napupuntahan baka mamaya na lang, ang room 2 ay nasa dulo ng shower room, room 3 hindi ko alam kung meron non pero nararamdaman ko andito lang yon. " - pagpapaliwanag ni Athea

DEAD END! (COMPLETED) SAAN KA PUPUNTA?Where stories live. Discover now