I

186 4 1
                                    

▪▪▪

KAITO set aside the documents he's been reviewing since yesterday nang tumunog ang intercom at nagsalita ang secretary nya.

"Let him in." Saad nya hindi pa man nasasabi ng secretary nya ang pakay nito. Well, he knows na nandito na ang inaasahan nyang bisita. Binilinan nya kasi ang sekretarya na 'wag syang iistorbohin if it's not him.

Sininop nya ang mga dokumento kasabay ng pagbukas ng bakal na pinto. And there he goes, napailing na lang sya nang makita ang hitsura nito. With his hands on his pockets, a grin on his face, sya na nga.

"What took you so long?" He asked with a creased forehead.

"I have my own life, don't expect me to be here 7:00am sharp. Tsk." Sumalampak ito ng upo sa couch at pinagtaasan sya ng kilay. Dumekwatro pa ito pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng opisina nya.

"When I said 7:00am sharp, you must be here at 6:30am. I'm still the CEO of this company, Markos." May bahid na panunuya ang boses nya, but he knows that he wouldn't mind dahil sanay na ito noon pa man sa ugali nya. They grew up together, kaya't alam na alam na ni Markos ang pasikot sikot ng ugali nya. Well, not until 3 years ago. He shook his head and just focus on Markos. Nakaraan na lamang niya iyon.

"Yeah. Yeah. Of course I know. Ang sa akin lang, kapatid mo pa rin ako. I can't believe that you're using your position against me." Ipina ikot ikot pa nito ang daliri sa ere at para may kung anong minumwestra kasabay ng pag irap nito sa kanya.

That's right. Markos is his brother. Markos Montecillo. Buwan lang yata ang pagitan ng kaarawan nila. How did that happened? Anak ng Papa nya sa ibang babae si Markos. But unfortunately, his Mom died kaya napilitan din itong dalhin ang bata sa bahay nila at doon pinalaki. But that's not a big deal for his Mom. Tinanggap nito ng buong buo ang bata, and that is because, fix marriage lang naman ang namamagitan sa mga magulang nya. Ganoon naman kasi talaga sa mga mayayamang pamilya, ipinagkakasundo in the sake of business. Kaya hindi sya nahirapang tanggapin bilang kapatid si Markos, dahil bata pa lamang sya ay alam na nya ang setup ng pamilya.

"Why can't I? You're using your position to do your fucking passion. Quits right?" Napaismir na lang sya habang tinitingnan ito. Nireport kasi sa kanya ng secretary nito na malimit ang pagabsent ni Markos dahil may babae na naman itong kinalolokohan, which Markos calls passion.

"Fine drop that topic. Ano bang kailangan mo sakin?" Naiiritang tanong nito. And in just a second, nagbago ang timpla ni Kaito. Yes, he wanted to talk to Markos about something pero mukhang ayaw na nya lang bigla. What if pagtawanan sya nito? Markos is a living witness. He witnessed how devastated Kaito was 3 years ago. Ito ang naging driver nya noon when he can't drive himself home because he's too drunk.

"S-he's back." Halos bulong na lang na sambit nya. And then memories of last night came on rush.

Malakas ang pagbuhos ng ulan ng makauwi si Kaito sa bahay-- bahay na dapat eh tirahan ng magiging pamilya nya. He bought this, two weeks before their wedding. But this house only symbolizes his grudge for the last 3 years. Ito ang saksi kung gaano nya pinilit kalimutan ang babaeng minsang nangakong hindi sya iiwan.

Fool Me OnceWhere stories live. Discover now