IV

83 6 3
                                    

▪▪▪

AYANNA took another bottle of beer. Paapat na yata niya iyon. She feels like drinking tonight. Masyadong masakit ang nalaman nya.

Kaito is getting married. Napaismid na lang sya at muling lumagok ng alak. She's late, talagang huli na ang pagdating nya, isang buwan na lamang at itatali na si Kai sa iba.

"Ang daya." Bulong nya sa sarili. Hindi nya maintindihan kung bakit ganito na lamang ang nangyayari sa buhay nya. She did her best just to be here, she literally crossed miles para lamang muling makita ang binata. Pero kahit anong pagmamadali nya, talagang nahuli pa rin sya.

Dumukdok sya sa lamesa and tightly closed her eyes. Inalala nya ang unang pagkikita nila ni Kaito, and how she ended up loving him.

It was a sunny day. Nakasuot sya ng kulay abong bestida na umaabot hanggang sa tuhod nya. She's also wearing black doll shoes at naka braid ang mahaba nyang buhok.

She took a deep breath bago tuluyang pumasok sa restaurant na pag aari ng kanilang pamilya. Hindi nya alam kung bakit sya biglaang pinatawag ng ama, but she knows that this is all about business. Hindi lingid sa kaalaman nya na unti unti ng bumabagsak ang negosyo nila, at ang restaurant na lamang na ito ang matibay nilang pinanghahawakan. Alam nya iyon, nang bigla na lamang umuwi mula sa Italya ang bunsong kapatid nya. She knew then that her parents cannot support her brother's caprices anymore.

"Ma, Pa." She did her greetings at umupo sa tabi ng mga magulang. Naroon na rin ang bunso nyang kapatid na tinanguan lang sya dahil busy ito sa cellphone.

"Malapit na sila." Hinawakan ng ina ang kanyang kamay and smiled at her. Hindi nya alam kung para saan ang tatlo pang upuan sa tatlong bakanteng upuan sa harapan nila, at sinagot ng kanyang ina ang nakabinbin nyang mga tanong. May hinihintay pala sila.

"Probably your husband to be." Napalingon sya sa kapatid na tutok na tutok pa rin sa cellphone pero nakaismir sa kanya.

Fool Me Onceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن