one shot lang

270 11 2
                                    

"Love is an open doo-o-or" kasalukuyan akong kumakanta habang nanonood ng Frozen. Paborito ko talagang kanta sa Frozen, eh yung Love is an open Door" kasi totoo naman diba? Love is an open Door.

Ako si Psyche Mapagmahal. Aka Ms. Cupid. Di, parang baliw lang, kasi si PSYCHE ay partner si CUPID, dapat hindi nalang Ms. CUPID ang tawag sakin kundi, Psyche ang pinakamagandang mortal. Totoo naman yun di ba?

"Psyche!" Bulalas ni Jade na halatang kagagaling lang sa pagtakbo.

"Bakit Jade? May problema ba?" May pag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bigla nalang humagulgol ng iyak si Jade, hindi ko alam kung bakit sya ganito.

"Huminahon ka Jade, pag-usapan natin. Wag ka ng umiyak" sabi ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod nya. Nakayakap na kasi sya sa akin, habang nakaupo sya sa tabi ko.
"Ka-ka-kasi si Ma-Manuel" sabi ni nya habang humihikbi sya.

"Ano? Anong nangyari kay Manuel?"

"Psyche, nakita ko sya kayakap nya si Dennis" sabi ni Jade, habang pinupunasan nya yung mga luha sa pisngi nya.

"Psyche, tulungan mo ko! Baka iwan ako ni Manuel, di ko kaya!" Malungkot na sabi ni Jade at muli nanaman syang umiyak.

"Dont worry Jade, hindi ka iiwan ni Manuel" pagpapagaan ko ng loob nya.

"Malay mo naman kinocomfort nya yung tao di ba?"

"Hindi eh! Psyche one time nakita ko sila nun sa bench!"
"Anong ginagawa nila?"

"Nag-iiyak si Dennise, habang nakayakap sya kay Manuel"

"Malay mo naman Jade may problema lang si Dennise"

"Hindi ko alam! Hindi ko na alam!" Umiyak pa lalo sya.

"Oh sige, ganito nalang, dahil ako si Ms.CUPID tutulungan kita"

"Talaga?" Umaliwalas naman ang mukha nya ng sabihin ko yon.
"Oo naman, bukas pagpasok mo sa campus, I assure na ok na kayo"

"Thank you Psyche!"

(Kinabukasan)

"Manuel?" Tawag ko sa nakatalikod na lalaki na di ko sure kung sya nga.

Humarap yung lalaki. Grabe ang gwapo nya, para syang lalaking version ni Venus.

"Bakit?" Tanong nung Guy
"Ay, sorry kala ko kasi si Manuel ka" medyo nahihiya na sambit ko sa kanya.

Pagkatapos nun, umalis na sya na hindi ko manlang natanong ang pangalan.

Pinagmasdan ko sya habang naglalakad papalayo sa akin.

Ito ang araw na napana si Ms. CUPID. Araw na may naramdaman akong spark. Araw na parang may kung ano sa sikmura ko. Araw na naramdaman ko na parang nakikipag karera ang puso. Ang araw na na in love ako. July 14, 2013. Sa ganap na 8:14 ng umaga. Isang lalaking magpapabago sa pananaw nya, sa pananaw ko?

Matapos ang araw na iyon hindi na sya naalis sa isip ko. Tuwing matutulog ako sya lang napapanaginipan ko. Tuwing may nangangailangan ng help ko dahil sa lovelife nila, bigla bigla nalang akong naiingit. Bigla nalang akong nalulungkot. Di ba nga dapat masaya ako kasi may tao na naman na nagmamahalan? Pero bakit ganito, bakit ganito nararamdaman ko?

I hate this feelingggggggg!!!!

One day, napagpasyahan ng mga kaibigan ko na pumunta sa Engeener Building para sa gaganaping meeting para sa darating na School Festival. Isa kasi ako sa representative ng course namin which is architecture para tumulong magprepair.

Lumipas ang araw at ito na nga ang big day ng campus ang school festival kung saan ang lahat ng mga courses ay magsasama sama ng isang buong araw. As in kahit gabi na magkakasama parin kami.

The Campus Ms. Cupid (One Shot Story)Where stories live. Discover now